CHAPTER 37

173 23 1
                                    

Dumating si karen, gemma, ella, jacob at troy.

"lyndi may gustong makita ka" sabi ni troy na para bang sabik na sabik.

"huh? sino?" tanong ko naman.

"pre lika na" pagkasabi nyan ni troy at may pumasok na isang lalaki.

Naka plain v- neck white shirt, maong pants, at white rubber shoes. Mga nasa 5'9 ang height niya. Moreno at perpekto ang hugis ng mga labi niya.

Bumalik na si Jeff. Bumalik na yung unang lalaking bumihag ng puso ko. Halong gulat, tuwa, at kilig ang nadama ko.

Pero alam kong masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil nga sa natuklasan kong kasabwat siya sa plano noon bago ako ma-aksidente. Pero hindi ko magawang magalit. Nanlalambot ako. Pakiramdam ko natupad na yung matagal kong pinagdadasal. Para bang ayaw ko na siyang pakawalan ngayong nakita ko na siya.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"buti bumalik ka" sabi ko sa kanya.

"nawala lang ako sa paningin mo pero hindi kita iniwan, hindi ako tumigil kakadasal na sana kapag handa na ako, may mababalikan pa ako, patawarin mo ako kung naging duwag ako noon pero ngayong bumalik na ako, sigurado akong kaya na kitang ipaglaban sa kahit saan, at kahit sino" sabi niya habang hawak ang dalawang pisngi ko at naka- tingin nang derecho sa mga mata ko.

Ngumiti naman ako at muli siyang niyakap.

"hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon, ang mahalaga ay nag- balik na ako ngayon para itama ang mga pagkakamali at bumawi sa mga pag- kukulang ko" sabi niya uli.

"hoy tama na yan! nilalanggam na kami oh" sabi ni gemma.

"kaya nga para kaming nanonood ng teleserye e" sabi naman ni ella.

"tara na gala tayo nakakamiss yung ganito yung kumpleto tayo" sabi naman ni jacob.

Sumakay na kami sa van. Si jacob daw muna ang mag- mamaneho.

Napagkasunduan naming mag- punta dito sa Avelon zoo. Ayaw ko sana dahil takot ako sa mga wild animals pero pumayag din ako dahil kasama naman si Jeff. Nauna na ang mga lalaki sa loob, ewan ko ba kung bakit sila nag- mamadali.

Kasabay kong mag- lakad si karen, gemma at ella.

"lyndi may papakita ako sayo" seryosong sabi ni Troy.

"asan? ano yun?" tanong ko naman.

Bigla niyang hinagis sa akin ang hawak niyang ahas kaya naman napa- sigaw ako at napa- takbo pabalik kaso bigla akong nauntog sa dibdib ni Jeff. Niyakap niya ako at inabot sa akin ang isang pulang rosas.

Nawala naman bigla ang takot ko. Tawa nang tawa ang mga kaibigan namin.

"your little surprise and simple effort caused me to feel butterflies inside my stomach" sabi ko sa kanya.

"ang arte mo lyndi laruang ahas lang naman yun" sabi ni Jacob.

"matakot ka pag puso mo yun pinag- laruan" sabi naman ni troy at tumawa nang malakas.

"hindi ko pag- lalaruan yung puso mo lyndi, ituturing ko yang isang ginto na kailangan kong ingatan at pangalagaan hanggang kamatayan" sabi naman ni Jeff.

"o ano kayo ngayon?" pang- aasar ko sa dalawang lalaki.

"edi wow nyenyenye" sabi naman nila. Linyahan ng mga wala ng maisagot.

Nag- tuloy tuloy na kami sa pag- lalakad papasok sa zoo.

Nadaanan namin ang isang malaking cage ng mga tiger. Nanginging ang mg tuhod ko at pinagpapawisan ako. Takot talaga ako sa mga ganito pakiramdam ko ay kakainin nila ako ng buhay.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon