Linggo na ngayon. Kakatapos ko lang mag simba. Kahapon ay wala akong ibang ginawa kundi matulog. Hindi ko kayang lumabas para makita ang pagmumukha ni tito. Nagagalit ako sa sarili ko kasi bakit ko pinakikisamahan ang kriminal na kumitil sa buhay ni papa?
Pagkatapos ng misa ay nag paderecho ako dito kela lola. Ayaw ko munang umuwi. Hindi ko alam kung nandon sila mama sa bahay o umalis na naman. Ibinilin ko naman si syra kay nanay zen.
Pagkakita sa akin ni lola ay nagulat siya dahil hindi ako nagsabi na pupunta ako. Umiinom siya ng mainit na tubig habang kumakain ng sandwich.
Inalok niya akong kumain pero tumanggi ako, wala akong gana. Napansin niyang medyo nanlulumo ako kaya tinanong niya ako.
"apo may problema ba?"
Hindi ko na naman napigilang umiyak. Hindi ko alam pero sa tuwing may handang makinig sa mga problema ko ay kusang tumutulo ang mga luha ko.
"alam ko na po ang nangyari kay papa, alam ko na rin po kung sino ang salarin" sabi ko sa kanya.
Agad naman siyang napayuko at napaiwas ng tingin. Parang nahihiya siya dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol dito. Naiintindihan ko naman siya. Medyo masama ang loob ko dahil pakiramdam ko niloloko nila ako at ginagawang tanga pero ayos lang. Alam kong hindi niya rin naman ginusto ang mga nangyari.
"pasensya ka na iha kung hindi ko agad sinabi sa iyo" nahihiya niyang sabi
"ayos lang po yon lola, wala man akong magawa sa mga nangyari na ay may maaari pa naman akong gawin sa mga mangyayari pa" sagot ko kay lola
"alam kong matapang ka, alam kong lalaban ka, Dela Fuentes ka rin kaya malakas ang laban mo" pagpapalakas niya ng loob ko.
Tama si lola. Dela Fuentes din ako. May kakayahan akong lumaban. Pwede kong gamitin ang kapangyarihan ko sa pagkamit ng hustisya. Ngumiti naman ako at saka inalalayan si lola papuntang hardin. Doon daw kami maupo para medyo mahangin at nakakatuwang pagmasdan ang kanyang mga tanim.
"lola, kilala niyo po ba ang mga villa cruz?" tanong ko.
"oo, noong araw ay may malaking utang ang mga villa cruz sa mga dela fuentes, nabayaran namann nila ito, ngunit hindi pera ang kanilang binayad, binayaran nila ito sa pamamagitan ng pag sangayon sa kasunduan" pagkkwento ni lola.
"anong kasunduan po yon?" tanong ko uli
"may pinagawa ang tito justin mo kay conrad villa cruz na isang masamang bagay" sagot niya
"may pinapatay po siya?" tanong ko uli.
Bakit ba ang sama sama ng ugali nung justin na yon? Hindi ba siya masaya na mayaman na siya. Bakit ang laki pa rin ng galit niya sa puso niya e nasa kanya na nga lahat e.
"muntik ng pinapatay" sagot naman ni lola.
Ha? Bakit muntik lang? Demonyo siya diba bakit hindi pa niya tuluyang pinapatay?
"bakit naman po pumayag si tito conrad e alam niyang masama iyon?"
" oo alam niyang masama iyon, at alam niyang mas masama ang ugali ni justin kaya pumayag na lang siya kasi kung hindi, buhay ang kapalit"
Grabe. Ganon sila katakot kay tito. Ganon sila ka aware na halimaw ito. Pero salamat kasi kalahi ko siya, pwede ko siyang kalabanin.
"e lola bakit naman po ngayon parang sobrang close ni tito at ni mrs villa cruz?" muli kong tanong
"dahil may kasunduan ding nagaganap sa kanilang dalawa, mayaman na kasi si elaine bago pa siya mapangasawa ni conrad, galing siyang ibang bansa, sikat siya doon at maraming kilalang kliyente, inalok niya ito sa tito mo basta susunod ito sa kasunduan, e alam mo naman si justin nasisilaw masyado sa pera kaya pumayag ito, gusto niya rin kasi magkaroon ng cliente sa ibang bansa dahil mas malaki ang kita" pagsasalaysay ni lola.
Kasunduan na naman? Hirap naman pala maging mayaman na negosyante. Makikipag laro ka talaga ng deal or no deal e.
"hindi po ba nagkaanak si tito conrad at tita elaine lola?"
"mayroon silang anak, si martina villa cruz, siguro ay bata sa iyo ng dalawang taon, iyon sana ang ipapartner nila kay Carl De Guzman ngunit balita ko ay nauna ka na, hindi nila pwedeng kontrahin ang kagustuhan ng tito justin mo"
"hindi ko naman po ginusto na mag pa arranged marriage kay carl, pwede ko naman pong sabihn na kay martina na lang siya" sabi ko
"hindi papayag ang tito mo, kailangan niyo ang mga De Guzman sa kumpanya"
"diba ho, may anak si tito conrad dati? na taga ibaba? si jeff villa cruz? nasaan na po siya?" pagkatanong ko nyan ay parang kinabahan si lola dahil bigla siyang napalingon sa akin.
" hindi ko alam kung nasaan na si jeff, basta ang alam ko ay galit sa kanya si elaine dahil siya ang bunga ng pagmamahalan ni conrad at ng taga ibaba, ang mama ni jeff na si lorna, ayaw ni elaine na muli pang maka akyat si jeff dito sa las villas kahit gusto ni conrad dahil panganay niya ito, mahal ng papa ni jeff si lorna kaso sa kasamaang palad ay hindi siya tinanggap ng angkan ng mga villa cruz kaya iba ang naka tuluyan ni conrad" pagkkwento ni lola.
Aware naman ako na ganon ang nangyari sa pamilya ni Jeff. Nakkwento niya rin sa akin iyon nung kami pa. Kaya nga malaki ang galit niya sa papa niya at hindi siya pumapayag na mapatira dito sa Las Villas. Naiintindihan ko rin si tita elaine kung bakit siya galit kay Jeff, malaki ang inggit niya kay tita lorna kaya ayaw niyang makita ang anak nito sa asawa niya. Baka kasi mahatian ng yaman ang mama ni Jeff kapag pumayag siyang manirahan dito kasama ang papa niya at baka muling magkaroon ng komunikasyon si tito conrad at ang mama ni Jeff. Baka rin mahati ang atensyon ni tito conrad kay Jeff at kay Martina. Si Jeff ang lalaki kaya malaki ang posibilidad na sa kanya mapunta ang mas malaking porsyento ng kita ng kumpanya nila.
Napansin naming umaambon na kaya naman dali dali kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Tinanong din ako ni lola kung marunong akong maglaro ng pusoy, yun sa baraha. Natawa naman ako pero um-oo din ako dahil nalalaro na namin iyan sa San Antonio noon pa.
Naglaro kami ni lola kasama ang isa pa nilang kasambahay. Natalo ako sa laro, mukhang batikan na si lola dito e hahahaha sanay na sanay.
Matapos naming maglaro ay nagpahatid na ako pauwi. Inalok pa ako ni lola ng miryenda ngunit tinanggihan ko na lang dahil hindi naman ako nagugutom. Mag aasikaso pa ako ng mga gamit ko at may pasok na naman bukas. Dibale ilang araw na lang naman ay makaka graduate na ako.
~~~~~~~~~~~
Lunes na naman. Kasama ko si Carl ngayon sa hallway ng school namin. Sinundo niya ako kanina sa bahay. Pinagtitinginan na naman ako ng mga babae dito na parang gusto akong patayin.
May dumaan sa harap namin na babae at saka kami tinignan tapos ay bigla siyang nalungkot. Maganda siya. Mistisa, may rosy cheeks at matangkad. Maganda rin ang kanyang katawan.
"sino yun? kilala mo yun?" tanong ko kay carl
"oo siya si martina villa cruz"
Martina? Siya yung kapatid ni Jeff. Siya yung anak ni tito conrad at tita elaine na gusto nilang ireto dito kay carl.
"bat di mo siya ligawan? parang gusto ka rin naman niya ah tapos ang ganda pa niya tapos sexy" pang aasar ko kay carl
"wala naman akong karapatang mamili ng liligawan ko, kung sino sabihin ni daddy edi ayon lang" sabi nito
Nalungkot naman ako para sa kanya. Kahit pala mayaman siya at lalaki ay nararanasan niya ring makontrol na parang robot.
"e bakit ayaw mo mag salita? bat ayaw mo kontrahin daddy mo?" tanong ko sa kanya
"lalaki ako, ayaw ko na maging isa pa ako sa pabigat sa pamilya namin, kaya sumusunod na lang ako, bata pa lang ako ay mulat na ako sa ganitong buhay kaya inihanda ko na yung sarili ko, tska natuturuan naman ang pusong mag mahal e, tamo natututunan na kitang mahalin"
Hindi natuturuan ang pusong mag mahal. Kung kanino ka tamaan at mahulog ay don ka. Kahit hindi pasok sa standards mo basta pinana ka ni kupido wala kang magagawa.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Narrativa generaleI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...