CHAPTER 31

198 29 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nung makaalis si Charles kasama si Amaris.  Mula noon ay hindi na siya nag- paramdam. Siguro masaya na sila doon. Siguro nakalimutan na niya ako. Marahil ay natutunan na niyang mahalin si Amaris. Pinaasa niya lang talaga ako. Pinasaya sandali. Minahal para saktan.

Nandito ako ngayon sa kumpanya. Siniguro ko na lahat ay maayos at walang problema. Kanina pa tumatawag si tito, galit na galit na naman dahil ang dami na naman raw hindi pumasok na empleyado niya. Nakakalas na daw ang mga tauhan niya. Hindi niya alam, pinalipat ko na sila ng trabaho. Sa malalayong lugar ko sila pinadala, sa Cebu, Leyte, Ilo-ilo, Samar at iba pa. Kinausap ko na rin ang magiging bagong CEO nila na ingatan ang mga pinadala kong empleyado at sinabi ko ang dahilan kaya ko sila pinalipat doon.

Gabi- gabing umuuwi si tito na umiiyak dahil sa pag- baba ng sales ng kumpanya niya at lagi siyang nauunahan ng ibang kumpanya sa pag- release ng mga bagong disenyo.

Palagi siyang minumura ni lolo Dennis. Palagi rin niyang minumura ang sarili niya.

Nag- tataka naman ako dahil hindi niya pinag- mamalupitan ang mga natitira niyang tauhan. Mas iningatan niya ang mga ito at pinakikiusapan na wag siyang iwanan dahil hindi niya raw alam ang gagawin niya.

"lyndi dinner tayo tonight" text sa akin ni Rayo.

Isang linggo pag- kaalis ni Charles ay nakilala ko siya. Palagi niya akong tinatawagan para kumustahin. Sinasamahan niya rin ako sa mga pupuntahan ko. Siya ang naging sandalan ko nung mga araw na pakiramdam ko dinadaya ako ng mundo. Siya ang naiyakan at nalapitan ko.

Hindi ko alam kung may nararamdaman ako sa kanya o sadyang gusto ko lang yung pinaparamdam niya sa akin.

"sure, see you rayo!" reply ko naman sa kanya.

Maya- maya ay biglang nag- ring ang phone ko. Sinagot ko naman ito.

"Good day and good news lyndi! Pinuntahan ako ni Mr. De Guzman, sinabi niya na babawiin niya na ang fixed marriage between you and Carl. Pang- apat na lamang kasi ang kumpanya ng tito mo. Kami naman ay pangalawa. At yung sayo ang pangatlo. Kay Martina niya na raw nais ipakasal ang anak niyang si Carl at sobrang saya naman ng dalaga ko." masayang sabi ni tita elaine.

"talaga po? buti naman may kalayaan na akong mamili para sa sarili ko, salamat po, so let's stop the deal?" sagot ko sa kanya.

"yes lyndi, sapat na ang mga nagawa mo para sa pamilya ko, nakuha ko na rin naman ang gusto ko, at bumabagsak na ang tito mo, balita ko ay kawawa siya lagi mula sa lolo mo" sabi neto.

"yes tita, he deserves it, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ay deserve niyang maranasan ang nararanasan niya ngayon" sabi ko at saka ibinaba ang tawag.

May kumakatok sa pinto ko kaya sinabi ko naman na tuloy lang dahil hindi naman naka- locked.

"hi bes, ay ma'am pala" sabi ni karen tapos ay tumawa siya nang malakas.

"siraulo ko talaga" sabi ko naman sa kanya.

"vacant ko ngayon kaya pinuntahan kita, dinner tayo mamaya?" pag- aaya niya.

"hala sorry bes nauna mag- aya si rayo e" sabi ko naman.

"ano ba meron sa inyo ng rayo na yan? napapadalas ata pag- uusap at pagkikita niyo?" tanong niya sa akin.

"wala naman, ang alam ko lang, dahil sa kanya mas natanggap ko nang madali at mabilis ang pag- alis ni Charles" sabi ko naman.

"natanggap mo na ba talaga o akala mo lang natanggap mo dahil may rayo ka ngayon?" tanong niya.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon