CHAPTER 16

267 59 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~

Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa Las Villas.

" u wanna drink?" tanong sa akin ni carl

"wine lang sa akin" sabi ko naman sa kanya.

Ayoko malasing, baka pag samantalahan pa niya ako.

"give me Bacardi and a glass of red wine" sabi niya sa waiter

Nilibot ko ang mga mata ko sa bar. Ang daming magagandang babae. Parang ang dami ring mga negosyante na nandito para mag celebrate o yung iba naman ay parang seryosong nag uusap. May mga napansin din akong parang lasing na. Sa isang side naman ay may naghahalikan. Sakit naman sa ulo ng ilaw at amoy dito.

Maya maya pa ay dumating na ang inorder niya kasabay ng pagdating ng mga...kaibigan niya yata.

"hey guys meet my princess, Lyndi Dela Fuentes" sabi ni carl sa mga kaibgan niya.

Para namang amaze na amaze ang mga kaibigan niya, dahil ba ang ganda ko? O dahil Dela Fuentes ako?

"De Guzman and Dela Fuentes, what a great combination" sabi ng kaibigan niyang lalaki habang pumapalakpak nang mabagal. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Umorder din sila ng inumin nila at tumabi sa amin. Anim sila, tatlong babae at tatlong lalaki. Sa tingin ko ay mga couples sila dahil yakapan nang yakapan.

Hindi ako mapakali dito. Parang ang daming  galit matang tumitingin sa akin. Dahil ba si Carl ang kasama ko? Edi sa kanila na. Di ko naman to gusto e.

Puro kwentuhan at tawanan si carl at ang mga kaibigan niya. Pinag uusapan nila ang mga magulang nilang puro pagpapayaman at kung paano nila ito itutuloy.

" ano lyndi and carl? your parents also arrange a marriage for you right?" tanong ng isa niyang kaibigan

Arranged marriage? Ayoko nun!

" yes, dad and tito has a deal, kaya wala ng kawala sa akin si lyndi" sabi ni carl habang nakatingin sa akin at naka ngiti.

"huh? walang arranged marriage na magaganap no! wala namang sinasabi sa akin at di ako papayag"  pag kontra ko sa kanya

"who told u that they need to ask for your permission? your opinion doesn't matter, it was an arranged marriage everything was already settled so you can't do anything to stop it or else, the company of Dela Fuentes will fall" mayabang na sagot naman ni carl

"ang corny niyo, tao ba kayo? bakit kayo ang nagdedesisyon para sa buhay ng iba? masaya kayo na may hindi sumasaya dahil sainyo?" sabi ko kay carl habang tumutulo ang mga luha ko, nasasaktan kasi ako, pakiramdam ko ay wala akong karapatang mamili, mag desisyon, para bang nabuhay lang ako para sundin ang gusto ng iba.

"nasa las villas ka, ganyan talaga ang set up dito, ay oo nga pala, di mo alam kasi galing ka sa lugar ng mga mahihirap at walang kwenta" sagot ni carl.

Akala ko pa naman mabait siya e mapanlait at matapobre din pala gaya ng mga nakilala ko dito sa Las Villas.

"oo mahirap lang kami pero may kwenta kami, kaysa naman sa inyo, mayaman nga nakakatapak naman ng tao, marami ngang pera hindi naman alam ang pakiramdam ng tunay na saya" sagot ko sa kanya at saka ako nag walk out.

Pumunta muna ako ng cr para umiyak. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Naaawa ako sa kalagayan namin dito. Hindi ko lubos maisip na siya ang mapapangasawa ko, na magiging sunon sunuran lang ako sa mga gusto niya, na hindi na magiging kami ni Jeff, na mabubuhay ako na nilalamon ng kayamanan, na magiging katulad nila ako na inaalipusta ang mga walang kapangyarihan.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon