CHAPTER 26

215 30 2
                                    

Ang himbing pa ng tulog ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Naiinis ako dahil ang alam ko hindi naman ako nag- set ng alarm dahil sabado ngayon pero nang tignan ko ito ay may tumatawag pala. Sinagot ko naman kaagad at narinig ko na parang may maingay na nag- kakagulo.

"bes nagsisimula na ang mga tauhan ng Dela Fuentes na bakbakin ang ibang bahay dito, karamihan sakanila ay armado kaya walang makapalag" natatarantang sabi ni karen.

Natahimik ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag sumugod ako doon ay wala rin naman akong magagawa.

"susubukan ko gawan ng paraan sis basta mag- iingat kayo dyan" sabi ko at saka ibinaba ang tawag.

Pumunta ako sa kwarto nila tito para kausapin siya. Naka-lock pa ang pinto nila pero katok ako nang katok.

"ano ba? ang aga aga istorbo ka naman!" sigaw ni tito pagkabukas niyang pinto.

"ang aga aga naghahasik ka ng kasamaan mo sa baba" mariin kong sabi sa kanya.

Kinamot niya ang ulo niyo na parang iritang irita.

"anong pakialam mo? ikaw ba maaapektuhan? tska binayaran ko naman yon" sabi neto.

"tingin mo sapat yung bayad mo para makapag umpisa uli sila?" tanong ko sa kanya.

"15 thousand per family ang binigay ko, buti nga nag kapera pa sila" sagot niya.

"wow? nag- iisip ka ba? e baka nga kulang pa yan para sa paghahanap nila ng bagong malilipatan" sabi ko sa kanya.

"ano naman? problema na nila yon" sagot ng demonyo.

"masaya ka na ikaw ang nagiging sanhi ng problema ng iba?" tanong ko uli sa kanya.

"wala akong panahon sa mga drama mo lyndi wag mo ako subukan ang aga aga" sagot niya at saka tumalikod.

"ano ba yan ang aga aga nag- aaway na naman kayo?" sabi ni mama na kakagising lang.

"ma, pinapaalis ni tito ang mga taga ibaba sa kani kanilang mga sariling bahay, inalisan din niya ng lupa ang mga magsasaka" sabi ko habang umiiyak.

"o ano naman? ano magagawa natin don?" tanong naman ni mama.

"kung ikaw wala kang magagawa, ako meron" matapang kong sagot at saka umalis.

Bumalik ako sa silid ko at saka sinubukan tawagan si Charles.

"charles asan ka? masusundo mo ba ko ngayon?" panimula ko.

"bakit may problema ba?" tanong neto.

" oo tungkol sa mga pinapagibang bahay dyan sa ibaba" sabi ko sa kanya.

"anong gagawin mo? wag na lyndi baka mapahamak ka pa hindi ko alam ang gagawin ko pag napahamak ka" pag- aalala neto.

"dibaleng mapahamak basta lalaban ako para sa tama, kaysa sa tumunganga lang ako" sagot ko sa kanya.

"ah..ok ok sige papunta na ako dyan" sabi naman niya tapos ibinaba ko na ang tawag.

Naligo na ako at saka nag- bihis pagkatapos ay nag- tungo na ako sa garahe para hintayin si Charles.

~~~~~~~~~~
"ano bang plano mo anong gagawin mo?" sabi ni charles, kanina pa niya yan tinanong habang nag- mamaneho siya.

"plano kong ipaglaban ang tama" matipid kong sagot.

"paano? lyndi isang linggo pa bago tayo gumraduate ng kolehiyo e di ka ba makapagantay?" tanong niya.

"sa isang linggo na yon marami ang pwedeng mangyari, marami ang pwedeng mamatay at masaktan kaya ngayon pa lang sisimulan ko na" mariin kong sabi.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon