Nandito na ako ngayon sa bahay nila lola melda. Ang strange nung feeling ko ngayon, dati naman ay kumportable ako tuwing nandito pero ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Tila ba hindi ko magugustuhan ang mga susunod kong malalaman.
"apo andyan ka na pala, kanina ka pa ba?" bungad ni lola habang siya ay pababa ng hagdan.
Sinalubong ko naman siya para humalik, mag mano at alalayan siya pababa.
"hindi naman po la, kakarating ko lang din po" tugon ko
"joyy, mag handa ka ng kakainin namin, o kaya ay mag order na ka na lang ng pizza at ipa deliver" utos ni lola sa kasambahay nilang si ate joy
"sige po ma'am mag papadeliver na lang po ako" sagot naman ni ate joy
"kumusta ka naman apo? pasensya na kung na abala kita ha"
"mabuti naman lola, kayo nga po ang dapat kong kumustahin, nag pacheck up na po ba kayo uli" pag aalala ko
"oo nagpatingin na ako sa doctor, niresetahan lamang ako ng gamot at may mga bawal na pagkain sa akin, bawal din ako mapagod masyado" sabi niya
Matapos ang ilang minutong kumustahan ay dumating na ang pina deliver na pizza. Binuksan na namin ito kaagad at binigyan ang mga tauhan ng bahay nila. Nagtira lang kami ng sapat para sa amin.
"iha, apo, tara doon tayo mag usap sa guest room" pag aaya ni lola
Kinabahan naman ako. Okay naman kami dito sa living room, bakit pa kami pupunta sa guest room? Kailangan ba namin mag tago? Hindi talaga maganda ang kutob ko. Nauna na si lola mag lakad patungo sa guest room, dito lang naman iyon sa unang palapag ng kanilang bahay. Sumunod naman ako, dala dala ang pagkain namin. Pinabuksan niya ang aircon dito para raw hindi kami mainitan. Mas lalo tuloy akong kinikilabutan na ewan. Ano ba namang pakiramdam to.
" bago pa mahuli ang lahat ay nais ko na sabihin sa iyo ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao, mamamatay akong malungkot at nilalamon ng kunsensya kapag hindi ko to nasabi sa iyo" sabi ni lola sa seryosong tono.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay tatalon yun puso ko palabas ng katawan ko. Tinignan ko lang siya at hinihintay ko ang mga sunod pa niyang sasabihin.
"apo, laking tuwa ko nung iniakyat kayo dito sa las villas ng tito justin mo, akala ko ay ipagkakait na sa akin ng mundo ang makasama ka" dugtong niya sa sinabi niya.
Naguguluhan ako? Diba ayaw sa amin dati ng pamilya nila dahil taga labas kami at pawang mga dukha lamang?
Hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko lamang makinig sa mga susunod pa niyang sasabihin at sa mga dapat kong malaman.
"magkadugo tayo lyndi, apo kita, isa kang tunay na Dela Fuentes"
Tama ba ang narinig ko? Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Ang dami kong gustong itanong pero tila hindi ko maibuka ang mga bibig ko.
Napansin ko yumuko si lola at naluluha siya. Itutuloy pa sana niya ang kanyang sasabihin ngunit may kumatok sa pinto.
"madam, dumating na po si sir dennis" sabi ni ate joy
Nagulat naman si lola at parang nag panic.
"iha wala kang pag sasabihan ng mga sinabi ko sayo ha, ipangako mo sa akin" sabi ni lola
"ahh, opo sige po" matipid kong sagot.
Niyaya na niya akong lumabas dahil baka hanapin siya ni lolo dennis.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...