CHAPTER 41

189 18 1
                                        

Hindi ko kinayang makasama pa nang matagal si Charles kaya nag- pababa ako sa isang convenient store tapos doon ako nag- pasundo sa driver namin.

Nandito ako ngayon sa kwarto. Iyak ako nang iyak. Sobrang sakit pakiramdam ko pinag- kaisahan nila ako, hinahayaan nila na mag- mukha akong tanga kakahanap kay Jeff ayun pala kilala ko na.

Kaya pala sobrang magalit si mama sa akin nung nalaman niyang nag- kakasama kami ni Charles, kaya pala parehas na parehas ang nararamdaman ko kay Jeff at Charles, kaya pala ang daming alam ni Charles tungkol sa akin, kaya pala sobra niya akong pahalagahan, kaya para ang dami nilang pag- kakatulad, pati yung kilig at saya ko tuwing nandyan si Jeff at katumbas ng kilig at saya ko kapag nandyan si Charles. Yung lungkot at pag- aalala ko tuwing hindi ko nakikita si Jeff ay katumbas ng lungkot ko tuwing hindi kami nag- uusap ni Charles. Yung pag- aalaga ni Jeff katumbas ng pag- aalaga ni Charles. Yung tibok ng puso ko para sa kanila parehas na parehas. Iisa lang pala sila.

May biglang kumatok sa pinto.

"pasok po"

Sabi ko dahil hindi ko naman na- locked ang door knob.

"nak nakauwi ka na pala, bakit umiiyak ka ano nangyari?" pag- aalala ni mama.

"ma bakit? bakit pati ikaw nag- lihim sa akin nag- sinungaling sa akin, paano kinaya ng kunsensya mo na gawin akong tanga?" sunod- sunod kong tanong at mas lumakas ang pag- iyak ko.

Tinabihan naman niya ako sa kama.

"hi...hindi kita maintindihan nak ano ba yang sinasabi mo?" tanong niya na para bang litong- lito siya.

"alam mong iisa lang si Jeff at Charles at alam mo rin kung gaano ko kamahal si Jeff, hindi mo man lang sinabi na si Charles pala siya, paano mo nakaya yon ma paano mo nagawang ipag- kait sa akin ang katotohanan?" sabi ko kay mama.

"anak sana maintindihan mo, alam mo naman ang ugali ng tito mo noon, may kasunduan kasi sila ni Elaine, na tutulungan ni elaine si justin sa pag- papalago ng kumpanya basta ilayo sayo si jeff dahil nga ayaw na niyang makasama pa ni jeff ang papa niya" sabi ni mama.

"diko maintindihan" sagot ko. Ewan ko ba walang pumapasok sa isip ko.

"anak ganito kumalma ka muna teka kukuhaan kitang tubig" sabi ni mama at bumaba siya para kumuhang tubig. Gusto kong malaman yung totoo pero walang pumapasok sa isip ko sakit, lungkot, galit ayan ang nararamdaman ko.

"o eto na tubig mo hinga kang malalim tumahan ka muna" sabi ni mama at sinunod ko naman siya. Kanina pa may nag- tetext sa akin pero hindi ko binabasa.

Huminga nang malalim si mama bago mag- salita.

"ganito yan anak buksan mo ang tenga, isip at puso mo para magka- intindihan tayo" panimula niya.

"si conrad, ang papa ni charles malako ang utang noon sa tito mo, nakipag kasundo si justin na gawin na lamang ang nais niya para wag ng bayaran ni conrad ang utang niya, pag hindi pumayag si conrad, buhay ang kapalit, yun nga pinlano nilang ma- aksidente ka upang mag- karoon ng chance si justin na mapalapit sa akin at makuha tayo, pumayag si Jeff na maging kasabwat, diba nga pinapunta ka niya sa kanila kaya nagkaroon ng chance na mabangga ka ni conrad, kapag kasi hindi pumayag si jeff ay patuloy siyang kukuhain ng papa niya at maiiwan ang mama at mga kapatid niya, alam mo namang hindi kaya ni Jeff yon, nangako si conrad na pag pumayag si jeff sa plano ay patuloy na niyang pababayaan ito" pag- kkwento niya.

Hindi ako nag- sasalita. Hinihintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"pinilit ng tito mo na magpa- retoke ng mukha si Jeff, kasi alam niyang pag nag- kita kayo ni Jeff ay gagawa ka ng paraan para maging kayo sa dulo, at ayaw niyang mangyari iyon dahil nga ayaw niyang maka- pangasawa ka ng taga - ibaba, kay Carl ka talaga niya pangarap ipakasal kaya handa siyang gawin lahat para wag mag- tagpo ang mga landas niyo ni Jeff" pag- sasalaysay niya.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon