CHAPTER 17

261 55 0
                                    

Lunes na naman kaya nag aayos na ako dahil may pasok na naman ako. White na off shoulder blouse at skirt ang suot ko ngayon. Masama ang aking pakiramdam, para akong lalagnatin pero kaya ko naman pumasok. Ayaw ko rin umabsent, baka may mahalagang gagawin sa school.

Pag baba ko ay nakita ko sa balcony si mommy, tito, at may isa pang babae. Maganda siya at naka formal attire. Agang diskusyunan naman ang ginagawa nila. Malamang ay pera na naman ang pinag uusapan.

Hindi na ako nag almusal. Wala akong gana kumain. Hinihintay ko na lamang na matapos si syra sa kanyang kinakain.

"Thank you ms Villa Cruz, we'll not forget the deal" sabi ni tito justin sa kausap nilang babae.

Villa cruz?

Kung di ako nagkakamali ay siya ang napangasawa ni tito Conrad, ng papa ni Jeff. Ang mama kasi ni Jeff ay hindi tinanggap dito sa Las Villas, kaya hindi pinakasalan ni tito Conrad. Kaya siguro ay nag asawa muli dito ang papa ni jeff.

Deal? Ano na namang deal yon? Hilig talaga nila sa deal bat di na lang sila sumali sa deal or no deal.

Palabas na kami ni syra, nag aabang na kasi si manong sa labas para ihatid kami.

"goodmorning beautiful ladies" nakangiting sabi ni tito sa amin.

Hindi ko siya pinansin. Naalala ko yung arranged marriage na ginawa niya sa amin ni carl. Dere derecho lang kaming naglakad papunta sa sasakyan.

~~~~~~~~~~~
Nandito ako ngayon sa cafeteria nang may biglang lumapit sa akin na babae. Parang ka edad ko rin siya. Morena, straight ang buhok, makinis ang kutis at matangkad.

"uhm hello lyndi? may kasama ka ba ngayon?" bungad niya

Paano niya naman ako nakilala?

"wala" matipid kong sagot.

Wala ako sa mood makipagkilala sa kung sino sino na taga dito. Demonyo ang tingin ko sa mga tao dito.

"pwede bang maki share dito sa table mo?" tanong niya habang nakangiti.

Ano naman ang kailangan ng isang to?

Tinignan ko muna siya at saka ako tumango.

"kilala kita kasi ikaw yun nililigawan ni carl, tapos Dela Fuentes ka pa kaya sikat ka" sabi niya habang nakangiti.

Sikat ba ko?

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

" ako nga pala si carol santiago, taga baba ako pero may kaya ang pamilya namin kaya napag aral ako dito, mayaman kasi sila mom and dad, pero ayaw nila tumira dito, nakakasakal kasi ang sistema" pagpapakilala niya.

Tumango lang ako at ngumiti. Wala ako sa wisyo makipagdaldalan masama talaga ang pakiramdam ko.

So hindi pala siya taga dito? Siguro ay mabuting tao siya dahil taga baba siya. Pero hindi ko alam, kakakilala ko pa lang naman sa kanya.

Aakma na sana akong tatayo dahil papasok na ako sa next class ko pero may bigla akong naisip.

"carol, taga baba ka? edi malaya kang nakakalabas pasok dito sa las villas?" tanong ko sa kanya.

"oo pero tuwing schedule lang ng pasok ko, at saka dito lang sa school na to, bawal kasi kami mag punta pa sa kung saan, isang kalsada lang ang pwede naming daanan, iyon ay yung kalsadang derecho lang dito" tugon naman niya.

" edi pwede pala ako sumabay sa iyo pababa?" sabik kong tanong

"huh? e...bawal yon diba?" sabi naman niya

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon