Sa kwarto ni Syra natulog si mama kagabi. Hindi ako pumayag na mag-tabi sila ni tito matapos niyang saktan si mama. Buti naman at hindi na nag- matigas pa si mama, agad naman siyang pumayag sa gusto ko.
Biyernes ngayon. Kumain muna ako ng almusal bago pumasok. Toccino at sinangag ang kinain ko.
Palabas na sana ako ng bahay nang makita ko na naman si tito na may mga kausap sa sala. Mukhang seryoso ang kanilang usapan at ang daming papeles na nakalatag sa harapan nila.
"make sure that all things that we planned will go in order, ayaw ko ng palpak" sabi ni tito sa mga kausap niya.
"yes mr. Dela Fuentes, kami ang bahala, sila ang kawawa" sagot ng isa habang nakangisi.
Gusto ko pa sana pakinggan ang usapan nila kaso baka mahuli na ako sa klase, nag- hihintay na rin si manong sa labas.
Ano na naman ang plano nung demonyo na yon? Malamang ay may maitim na naman siyang binabalak, kasing itim ng budhi at pagkatao niya.
~~~~~~~~~~~~
"uy hii lyndii!" pagbati ni carol sa akin nang makita niya ako sa hallway
"hello carol, magandang umaga!" sabi ko sa kanya.
"sasabay ka ba sa akin mamaya pababa?" tanong niya.
"hindi na muna, next time na lang, thank u!!" tugon ko.
"okay sige tawag ka na lang, ingat ka ha!" pagpapaalam niya.
Tumango naman ako habang nakangiti.
Gusto ko sanang bumaba kaso naisip ko lang ang nakita ko kahapon na magkasama si Charles at Amaris. Naiinis ako. Ayaw ko silang makita.
Paakyat na sana ako sa palapag kung nasaan ang room ko nang napansin kong may nagkakagulo malapit na school canteen. Tumakbo ako papunta doon at nakita ko si Carl na pinapahiya ang isang babae, nakaupo habang umiiyak ang babae sa sahig na para bang tinulak siya ni carl. Nakapalibot lang sa kanila ang mga tao at nanonood. Sumiksik ako sa kanila at saka sumigaw.
"ANO BA CARL? ANONG GINAGAWA MO GANYAN KA BA KASAMA?" sigaw ko at tinulungan ko tumayo ang babae.
"Wag kang makialam dito" matapang niyang sagot.
"ano ba nangyari sayo ms?" tanong ko sa babae
"mag papa picture lang naman po sana ako sa kanya kaso bigla po niya akong tinulak at pinag sisigawan" sagot neto habang umiiyak.
"wala kang magandang asal carl? kawawa ka naman walang nag tuturo sayo ng good manners, palibasa busy sa pag papayaman ang magulang mo kaya nakalimutan kang turuan maging mabait" pang- iinsulto ko kay Carl.
Tumingin siya sa mga tao sa paligid na para bang napapahiya, ang mga tao naman ay may mga hawak na cellphone na tila ba ay kinukuhaan kami ng video.
"manahimik ka lyndi, kung busy ang magulang ko sa pagpapayaman ano tawag sa mama mo? kapit mayaman?" sagot neto.
"excuse me? kaya namin mabuhay ng mama ko sa baba, kaysa dito na puro demonyo ang kasama namin, tska duh, kahit lumaki akong mahirap may mabuting kalooban naman ako, e ikaw? may pera pero walang busilak na puso? sa impyerno ka dederecho nyan" sabi ko sa kanya.
Nagsarado ang kanyang kamao at mahahalata mong nang-gigigil siya.
"ano sasapakin mo ko? sige gawin mo tutal demonyo ka naman" pag-hahamon ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang gusto na niya ako patayin.
"ikaw naman ms, sa susunod wag mo na subukan kausapin yang mga ganyang klase ng tao, kagwapuhan at kayamanan lang meron siya, walang kabutihan kaya nakakaawa hayaan mo na" sabi ko sa babaeng pinahiya ni carl.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...