CHAPTER 48

158 17 0
                                        

Alas 6 pa lamang ng umaga. Nandito na ako ngayon sa bahay namin sa San Antonio. Ang balak ko lang gawin ngayong araw ay pumunta sa office ng Presidente sa Las Villas, may kailangan akong ipaki- usap sa kanya.

Naligo na ako at nag- bihis. White pants at off- shoulder blouse na color blue tapos doll shoes ang suot ko. Nag- lagay lang ako ng kaunting powder at liptint tapos ayos na. Ako na ang nag- maneho ng kotse.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay naka- rating na ako dito sa sa office of the President of Las Villas.

"goodmorning po Ms. Dela Fuentes, ano pong kailangan nila?"

"goodmorning din po, gusto ko lang po sanang makausap si Mr. Casteño, nandyan na ho ba siya?"

"ay opo ma'am akyat po kayo tapos pangatlong room sa kanan, nandon po siya"

Pag-tapos nyan ay nag- pasalamat na ako sa kanya at umakyat. Si Mr. Casteño ang president ng Las Villas.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Goodmorning Ms. Dela Fuentes, tuloy ka what can I do for you?" bungad niya pag- pasok ko.

Siguro ay nasa 50+ na ang edad niya, kadarating pa lang niya yata dahil inaayos pa lamang niya ang kanyang mga gamit. Naka itim siyng polo tapos naka black pants at black shoes. May mga puti na rin siyang buhok at mukhang mataas na ang grado ng kanyang mga mata dahil sa salamin niya.

"May ginawa po akong mga papers about sa gusto kong maging pag- babago dito sa Las Villas" sabi ko sa kanya.

"About saan yan iha amin na para makita ko" sabi niya naman.

Hindi naging officer si tito dito dati, kasi ayaw sa kanya ng mga tao, pare- parehas sila ng ugali pero takot sila sa mga kagaya nila.

Binuksan niya ang folder na binigay ko sa kanya at saka ito binasang mabuti at mukhang iniintindi at pinag- aaralan.

Makalipas ang ilang minuto ay sinara niya na ito at tumingin sa akin.

"gusto mo ibahin ang pamamalakad dito sa Las Villas, tama?" tanong niya.

"you read it right Mr. President, gusto ko ng pag- babago at pantay na pag- trato sa bawat tao, ayaw ko ng maraming naaabuso at natatapang karapatan dahil lang sa mga angat at mayayaman" sagot ko naman.

"mukhang malabo ang gusto mo iha, mula noon ganon na ang nakasanayan dito sa Las Villas, hindi ko pwedeng pakialam ang sariling buhay ng mga tao rito, buhay nila yon pera nila yon kaya sila ang may karapatang mag- desisyon kung saan nila iyon gagamitin" sabi niya naman.

"so anong silbi ng pagiging Presidente niyo? Ang maging sunud- sunuran sa mga tao dito? Oo nga pala, kasi kahit kayo mismo takot sa kanila e" matapang kong sabi.

Mukha siyang nagulat dahil naka- tingin lamang siya sa akin.

"paano nakakaya ng kunsensya niyo na marami ang namamatay, naaabuso, nagiging kawawa, hindi nakaka- laban, nawawalan ng karapatan dahil sa ginagamitan ng mga tao ng kayamanan, pera lang ba ang labanan sa mundong to? hindi ba dapat mabuhay tayong lahat nang normal, hindi yung kontrolado tayo ng mga nasa itaas, ang daming nawawalan ng karapatang mag- pahayag ng nararamdaman kasi takot sila, takot silang mamatay at alam naman nilang hindi sila papakinggan, tapos ikaw bilang pangulo hinahayaan mo lang? may pwede kang gawin makapangyarihan ka, unless takot ka, pwes kung takot ka sa mga nasasakupan mo bumaba ka sa pwesto mo" tuloy- tuloy kong sabi sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin niya para siyang natataranta na kinakabahan.

"Opinions of the poor don't even matter in this fucking society where money always win, pag mahirap ka wala kang ibang pwedeng gawin kundi sumunod pero pag mayaman ka, halos lahat ng gusto mo makukuha mo, sa sobrang yaman ng mga tao pati yung mali nagiging tama at iyon ang dapat na mabago" sabi ko uli.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon