~~~~~~~~~~~
Nandito ako ngayon sa Lakewood. Dito kami madalas mag jogging o kaya naman ay mag bike ni Jeff dati. Halos puro mga nag-eehersisyo ang nandito ngayon. May mga nag babadminton, volleyball, jogging, walking, biking at iba pang klase ng exercise. Naglalakad lakad lang ako dito para kahit saglit ay makalimot mula sa pait ng realidad.Matapos ang ilang minutong paglalakad ko ay may napansin akong pamilyar na tao. Nagba-bike siya at pamilyar din ang bisikletang ginagamit niya.
Si Jeff. Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong si Jeff ang nakita ko. Mula kulay, buhok, katawan, at height ay kabisado ko siya kaya hindi ako pwedeng magkamali. Tumakbo ako para habulin siya kahit medyo maraming tao. Ang bilis niya kasi magpatakbo ng bisikleta. Siguro ay pinagtatawanan ako ng mga nakakakita sa akin sa mga isip nila. Kung tumakbo kasi ako ay parang nakikipag karera.
"ate bakit ka po tumatakbo may hinahabol ka po ba?" tanong ng isang batang lalaki na naka bisikleta.
Hindi ko sana siya sasagutin kaso nakunsensya naman ako.
"ah oo eh ayon o yung lalaking naka kulay gray" sagot ko habang tinuturo si jeff sa malayo.
"sige ate habulin ko siya" sabi ng bata at saka nag pedal nang mabilis patungo kay Jeff.
Tumatakbo pa rin ako habang sinusundan ang bata at si Jeff.
Nung napansin ko na naabutan na nung bata si Jeff ay huminto na ako. Hindi ko narinig ang sinabi nung bata pero nakita ko na kinalabit niya si Jeff tapos ay itinuro ako.
Agad naman itong humarap. Tama ako. Si Jeff nga siya. Hindi ko alam kung tatalon o iiyak ako sa tuwa pero sobrang saya ko mas masaya pa ako sa nanalo sa lotto.
Pagkakita neto sa akin ay napangiti siya nang malaki na tila ba sabik na sabik at saka nag pedal papunta sa kung nasaan ako.
Bumaba siya agad ng bike tapos ay niyakap niya ako at binuha. Tuwang tuwa siya. Ang saya sana namin parehas. Buti na lang talaga at naisipan kong bumaba dito ngayon, may maganda palang pangyayari na nag aabang sa akin.
"Jeff akala ko hindi na kita makikita" sabi ko nung ibinaba na niya ako sa pagkakabuhat. Medyo naluluha ako sa sobrang saya.
"Akala ko rin mahal, pero salamat sa Diyos at nag kita tayo uli, napakabuti talaga ng Panginoon, may dahilan na uli ako para maging masaya" sabi naman niya at niyakap ako nang mahigpit.
Nabuhayan uli ako ng loob. Ngayong nakita ko na si Jeff, mas nagkaroon ako ng dahilan para lumaban at mag patuloy. Atleast ngayon ay may inspirasyon na ako sa bawat gagawin ko. May lakas ako. May pahinga ako.
Papunta kami ngayon sa South Forest. Isa sa mga paborito naming puntahan kapag hindi kami busy. Nakasakay ako sa bike samantalang siya naman ay naglalakad. Malapit lang naman iyon dito.
Matagal kaming hindi nagkita at nakapag usap pero ngayon ay parang walang nagbago. Siya pa rin yung Jeff na nakilala ko. Makulit, masayahin at malambing. Panay ang asaran namin habang naglalakad. Hindi ko muna naisipang itanong ang mga bumabagabag sa isip ko. Gusto ko muna mag-enjoy. Ang mahalaga ay magkasama na kami ngayon.
Kahit ngayon lang, maranasan ko muling maging masaya.
Nakaupo na kami ngayon sa paborito naming pwesto. Tanaw ang lawa at ang mga kabahayan mula sa malayo. Kasama ang pinaka paborito kong tao.
Bumili siya ng sago't gulaman para sa aming dalawa at saka kwek-kwek para mayroon kaming kakainin habang nag-uusap.
Simple pero masaya. Hindi tulad sa taas, masyadong masasarap ang pagkain, nakaka walang gana naman kumain.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...