CHAPTER 33

186 27 0
                                    

Nandito ako ngayon sa opisina ko. Pinatawag ko si Karen para may makausap ako. Sinabihan ko siya na ipagpaliban muna ang mga gawain niya.

Pagpasok pa lamang ni Karen ng pinto ay agad ko na siyang sinalubong at niyakap, hindi ko rin napigilng umiyak.

"uy bessy bakit napano ka ano nangyari?" natataranta niyang tanong.

Hindi ako kaaga na nag- salita. Nakayakap lamang ako sa kanya habang umiiyak at hinahaplos niya naman ang likod ko.

"kumalma ka na bessy pag- uusapan natin yan nandito ako para pakinggan ka" sabi niya.

Umupo na kami nung medyo tumahan na ako sa pag- iyak.

"bes si Jeff,  kasali siya sa plano noon, alam niya ang binabalak ng papa niya at ni tito pero pumayag siya, wala siyang ginawa pumayag siyang masaktan ako kahit alam niya ang kahahantungan neto wala siyang ginawa pumayag siya!" sabi ko habang umiiyak at pinapalo ang lamesa ko.

Napayuko naman si Karen.

Huminga siya nang malalim bago nag- salita.

"lyndi alam kong alam ni Jeff ang nangyari sayo, sorry kung hindi ko agad pinaalam sayo" sabi niya habang naka- yuko.

"bakit mo nilihim sa akin? hinahayaan mo kong maging tanga kaka hanap sa kanya, kaka- asang babalik siya tapos alam mo palang ginusto niyang maranasan ko lahat ng to?" tanong ko kay lyndi.

"pakiramdam ko kasi ay wala ako sa lugar para mag- salita tungkol don" sabi niya.

"ha? hindi pa ba sapat yung pag- kakaibigan natin para ipaalam mo sa akin ang katotohanan? mukha akong tanga kaka alala kung buhay pa ba siya kakaisip kung bakit hindi na niya ko hinanap o binalikan tapos nananahimik ka lang? natutuwa ka bang nag- mumukha akong tanga?" sabi ko sa kanya.

"hindi gano-"

"GANON YON KAREN! GANON YON! MAG- KAIBIGAN TAYO PERO NILIHIM MO SA AKIN ANG TOTOO PINAGMUKHA NIYO KONG TANGA MGA DEMONYO KAYO! NABUHAY AKONG PINAGDAMUTAN NG KATOTOHANAN, YUNG PINAKAKAMAHAL KO ANG DAHILAN KAYA KO NARANASAN TONG GANTO KALUNGKOT NA BUHAY, TAPOS IKAW NA KAIBIGAN KO ALAM MO PALA PERO WALA KANG GINAWA!" sigaw ko sa kanya at mas lumakas din ang pag- iyak ko.

"lyndi patawarin mo ko intindihin mo naman ako" pakiusap niya.

Galit akong nag- lakad palabas sana ng pinto kaso naalala ko na opisina ko pala to kaya huminto ako at humarap sa kanya.

"lumabas ka dito ayaw kitang makita!" utos ko sa kanya.

Umiiyak lang siya.

"bingi ka ba? hindi mo ba ko naririnig? sabi ko labas!" sabi ko uli.

Mas lumakas naman ang kanyang pag- iyak.

Mag- sasalita pa sana ako kaso biglang nag- ring ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag.

"iha lyndi jusko si syra!" natatarantang sabi ni nanay zen.

"po? bakit po anong nangyari kay syra?" kinakabahan kong tanong. Napatayo na rin si karen dahil mukhang nagulat at kinabahan na rin siya.

"si syra nawawala" sabi ni nanay zen habang umiiyak.

Pinilit kong kumalma muna.

"paano po nangyari yon nay? baka ho andyan lang siya sa labas, o sa bakuran, sa hardin o kaya naman po sa may pool" sabi ko kay nanay zen.

"dalawang oras na kaming nag- hahanap sa kanya dito pinahanap ko na rin sa mga guard pero wala talaga" sagot ni nanay zen.

Binaba ko ang tawag at nag- madaling mag- punta sa kumpanya ni tito. Sinundan naman ako ni karen.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon