CHAPTER 30

222 30 0
                                    

Alas 5 pa lamang ng umaga. Maaga akong nagising dahil maaga kaming aalis ni Charles. Mamaya na lang ako mag -aalmusal. Naligo na agad ako at saka nag- bihis. Naka stripes na shirt ako tapos white pants at white shoes. Nag- tucked in ako. Nag- lagay din ako ng light make- up.

Ala sais kinse ako natapos kumilos. Agad na akong bumaba para makipagkita sa kanya sa labas ng Las Villas. Pag- labas ko ng pinto ng bahay ay may mga petals ng flowers na nag- kalat sa tapat. Naka form ito ng heart shape. Tapos sa gitna neto ay may mga salitang naka- sulat.

I love you always.

Ayan ang nakalagay. Kulay pulang petals ang naka hugis puso at iba- ibang kulay ng petals naman ang nakasulat na I love you always.

Sobrang saya ng puso ko pakiramdam ko ako na ang pinaka magandang babae sa mundo ngayon.

Nag- tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may gate. Pag labas ko ng gate ay nakita ko si Charles. May bouquet of flowers and bouquet of chocolates siyang dala. Iba- ibang chocolates ang nakita ko. May toblerone, snickers, m&m, ferrero rocher at madami pang iba.

Parang isang anghel ang nakita ko. Naka polo siya na kulay puti at naka black pants. Sobrang simple pero sobrang galing niya mag- dala. Yung dimples niyang ang lalim sa tuwing ngumingiti, yung ilong niyang perpekto sa pagkatangos, yung mapupula niyang labi, yung mapungay pero maganda niyang mga mata, yung makapal niyang kilay, mga mahahabang pilik- mata, doon ako mas nahuhulog.

Niyakap niya ako at saka hinalikan sa noo. Niyakap ko naman siya pabalik. Ang bango bango niya ang sarap langhapin ng amoy niya.

"kasama mo man ako o hindi, tatandaan mong mahal kita" sabi niya pagkabitaw sa yakap.

Pumasok na kami sa kotse niya at nag- simula na siyang mag- maneho.

Pag- pasok ko sa kotse niya ay may balloons na iba- ibang kulay sa back seat, may isang malaki rin na stuff toy.

You're still the one.

Ayan ang music na tumutugtog pag- pasok ko. Ayan ang paborito naming kanta ni Jeff. Nakakainis si Charles ang kasama ko hindi pwedeng si Jeff ang nasa isip ko.

"mag simba muna tayo sa San Antonio Parish" sabi ni Charles. Iyon ang simbahan ng San Antonio.

"Charles nag- paalam ka ba kay Amaris? Sorry ah medyo naguguluhan kasi ako" tanong ko sa kanya.

"Enjoyin na lang natin itong araw na to" sagot niya.

Hindi naman niya sinagot yung tanong ko.

"palagi kang mag- iingat lyndi ha kahit wala ako sa tabi mo" nakangiti niyang sabi pero bakas ang lungkot sa tono ng boses niya.

"bakit mawawala ka ba? lagi mo nga ako iingatan e sabi mo" parang bata ako nung sinabi ko yan.

Tumingin muna siya sa akin bago nag- salita.

"basta kahit nasaan ako tandaan mong mahal kita" sabi niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, kikiligin, kakabahan, o malulungkot. Halo- halong emosyon.

Nandito na kami ngayon sa simbahan. Muntik pa kami ma- late sa misa pero buti sakto lang ang dating namin. Sa bandang likod na kami pumwesto.

Nag- simula na ang misa at nakikinig naman kaming mabuti.

"Love is sacrifice. Minsan hindi mo maiintindihan ang mga nangyayari at nararamdaman mo pero hindi mo alam, ang lahat ng iyan ay dahil sa pag- ibig, dahil sa pag- mamahal. Malalim kasi ang kahulugan ng pag- ibig e. Hindi laging masaya, minsan malungkot, masakit, mabigat sa pakiramdam, minsan madaya, at kung minsan ang hirap intintindihin. Pero kung talagang mahal mo, matatanggap at matatanggap mo. Mahirap man pero kakayanin mo kasi mahal mo, makapangyarihan ang pag- ibig e." Sabi ni Father Egay sa homily niya.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon