CHAPTER 40

204 19 0
                                    

Kapag nandito ka sa venue ay mararamdaman mong para kang nasa isang malawak na hardin. Napapalibutan kami ng iba't ibang klase ng magagandang halaman at makukulay na bulaklak. Mayroon din fountain sa isang gilid. Mayroon naman kaming bubong dito pero ramdam na ramdam mo pa rin ang simoy ng hangin. Bawat gilid ay may mga bulaklak na nakasabit. Nakakatuwang pag- masdan para kang nasa isang paraiso. Dagdag pa ang magaganda at gwapong mga taong nandito.

Nag- simula na ang programa. Si Karen ang nag- opening prayer at si Rovi naman ang opening remarks.

"maraming salamat sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang na ito, ikinagagalak kong makita kayo muli, nakakatuwa halos lahat tayo ay successful na pero alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat, hangga't nabubuhay tayo, mangangarap tayo, araw- araw nating pagsusumikapan ang mga bagay na hindi pa natin nakakamit at naniniwala akong kaya natin yon, kaya nating maging matampay higit pa sa inaakala natin, higit pa sa laman ng ating mga panalangin, tiwala lang sa sarili at sa Diyos, lahat ating kakayanin, yung mga dati na akala ko puro kalokohan lang, ngayon ay responsableng ama na at isa pang professional diba, nakakatuwang isipin, yung mga dati na laging absent at walang assignment ngayon ay kauuwi lang galing sa ibang bansa, akalain mo yun" sabi ni Rovi sa kanyang speech at lahat naman kami ay nag- tawanan at nag- palakpakan.

"sana palagi nating tatandaan na ang ating magiging kinabukasan ay wala sa taas ng marka na ating makakamtan, nasa pag- sisikap, dedikasyon at diskarte yan, so ayon lamang po sana lahat tayo ang mag- enjoy ngayong gabi, maraming salamat and have a great night everyone!" dagdag pa niya at muli kaming nag- palakpakan.

Kanina ko ba inililibot ang paningin pero wala talaga si Jeff. Hindi na rin daw siya nakakausap ng mga ka- batch namin. Kung ganon, hindi lang pala ako ang iniwasan niya kundi lahat kami.

Pag- tapos mag- salita ni Rovi ay tinawag naman si Sir Cañonazo para mag- salita, siya ang dati naming adviser.

"good evening everyone, grabe ang gaganda at ang ggwapo niyo na halos di ko na nga makilala ang iba sa inyo" panimula niya at nag- tawanan naman kami.

"naaalala ko pa noon halos araw- araw niyong pinapasakit ang ulo ko dahil ang titigas ng mga ulo niyo pero ngayon...napataba ninyo ang puso ko dahil nakita ko kayong masasaya at may mga narating na sa buhay, isa ako sa greatest fan ng bawat isa sa inyo, hindi ko na ito pahahabain pa, gusto ko lamang iparating na proud na proud ako sa kung sino at ano kayo ngayon, at sana proud din kayo sa mga sarili niyo, maabot pa sana ninyo ang mga gusto niyo pang marating at magkaroon sana kayo ng malusog at masayang buhay kasama ang inyong mga pamilya o magiging pamilya, enjoy the night and God bless us all" sabi ni sir sa kanyang mensahe.

Pag- tapos niyang mag- salita ay nag- perform ng isang intermission number ang mga kaklase kong dancer noon. Nakaka- mangha dahil hanggang ngayon ay napaka- angas pa rin ng kanilang mga galaw. Dati sila tinitilian sa aming eskwelahan, palaging panlaban at isinasali sa mga paligsahan. Ka- grupo nila si Jeff, sayang nga lang wala siya dito.

"kulang sila ng isa sayang no?" sabi ko sa mga kasama ko sa lamesa. Si karen, gemma, ella, sabel, at aneeqa, at aira. Sila troy kasi ay bumukod sa amin, mga lalaki naman ang kasama nila.

"kaya nga e tapos sayang din kayo ni Jeff" sabi naman ni sabel at nag- tawanan sila.

"ewan ba don biglang di nag- paramdam" sabi ko naman.

"eh hayaan mo na wag mo na isipin mag- enjoy ka na muna ngayon" sabi naman ni aira.

Pag- tapos nilang mag- sayaw ay may pinakita sa white screen na video. Mga pinag- sama samang mga litrato namin noong mga high-school pa lamang kami.

Tawa kami nang tawa habang pinapanood dahil mga nene at totoy pa ang mga ichura namin sa mga litrato. Pang jejemon pa yung mga pose namin doon.

Nakaka- miss balikan ang mga ala- ala ng nakaraan kung saan ang pinaparamdam sa amin ng mundo ay labis na kasiyahan.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon