Maraming dahilan kaya gusto kong makalabas mula dito sa lugar na to. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng totoong daddy ko, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ako na aksidente at gusto kong matuklasan kung bakit ganon ganon na lang si mommy na pumayag na mapapunta kami dito sa lugar na ito, e alam niyang hindi naman kami bagay dito. Sanay na kami sa buhay sa baba, masaya, simple, at payapa samantalang ang mga taga dito ay mababa at maliit lamang ang tingin sa mga taga labas. Masyadong matataas ang tingin sa sarili na para bang ang hirap nila abutin.
Las Villas. Ayan ang lugar kung saan kami napadpad magmula ng maaksidente ako. Lugar ng mga mayayaman, naka-aangat, makapangyarihan, sikat, at mga nasa taas ng lipunang ito. Bawal ang mahirap, bawal ang hindi kilala, bawal ang walang pera, bawal ang mga nasa ibaba.
"Lyndi iha, ang mommy mo ay liliban daw muna ng limang araw. Sabihin ko na lang daw sayo" sambit ni nanay Zen, kasambahay namin magmula noong napadpad kami dito sa Las Villas.
"Ah sige po nay, salamat" sagot ko naman sa kanya.
Sanay na ako sa gantong buhay. Masyadong abala si mommy at ang step dad ko sa kaka asikaso at pagpapalago ng kanilang negosyo. Ako, si nanay zen, ang kapatid kong si Syra at iba pa naming kasambahay lang ang palaging naiiwan dito sa mansyon.
Magmula nung makilala ni mama si tito Justin ay nawalan na siya ng oras sa amin ni Syra. Nag iba na rin ang kanyang ugali. Masyadong nasilaw sa pera at kasikatan. Masyadong naging abala sa pagpapayaman, eh hindi naman nila madadala sa hukay yan. Hindi ko rin gusto ang ugali ng step dad ko, masyado siyang mayabang, napaka baba ng tingin niya sa mga mahihirap na tao, sa mga taga labas ng Las Villas.
Mas gusto ko pa rin ang buhay namin noon. Simple at masaya. Kinakapos sa pera pero hindi kinakapos ng oras si mommy para sa amin. Ang tunay kong Daddy ay namatay na 4 years ago. Natagpuan na lamang namin siyang walang buhay pag uwi namin sa bahay. Hindi man lang ginawan ni mommy ng paraan para makamit ang hustisya. Palibasa agad niyang nakilala si tito Justin. Nagpadala siya sa yaman nito. Kaya napadpad kami dito sa ganitong klase ng lugar.
May mga paaralan dito. May mga kainan din, pasyalan, simbahan at iba pa. Bawal kaming lumabas sa lugar na ito hanggat walang pahintulot ng aming mga magulang. Ayon ang patakaran na mahigpit na ipinapatupad dito kaya lahat ng anak ay parang nakakulong sa lugar na ito, maliban na lang kung papayagan sila ng kanilang magulang na makalabas at makihalobilo sa ibang tao.
~~~~~~~~~
Umaga na naman. Dalawang araw na din mula ng nakauwi sila mommy dito.
Lalabas na dapat ako ng kwarto para mag hilamos ngunit nung bubuksan ko na ang pinto ay naunahan ako ni tito Justin sa pag bukas.
"Hi Lyndi, kakagising mo pa lang ang ganda mo na kaagad" sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Naka cycling shorts lang ako at naka fitted na sando.
"Ano pong ginagawa niyo sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya.
"May hahanapin lang sana ako, ayos lang ba?"
Anong hahanapin niya e kwarto ko to? Wala naman siyang gamit na nandito. Tsk. Pero tumango na lang ako at hinayaan siyang pumasok sa loob. Pagkapasok niya ay lalabas na dapat ako ng bigla niyang hinawakan ang mga braso ko na ikinagulat ko nang sobra.
"mamaya ka na lumabas, hintayin mo na ako" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako nang masama sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napansin niya rin na parang naiinis na ako kaya inalis niya ito.
"Lalabas na ako, marami pa kong kailangang gawin ngayong araw" mariin kong sinabi sakanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dare darecho na akong lumabas para mag hilamos, mag almusal at kumilos. Sanay na ako sa mga manyak na galawan ni tito. Hindi ito ang unang beses na nag balak siyang manyakin ako, pero hindi niya ko magalaw ng tuluyan dahil alam niyang lalaban ako.
Habang kumakain ako ay nakita ko si mommy na pababa ng hagdan, nakapang alis na naman siya, malamang ay may aasikasuhin na naman para sa negosyo.
Napansin kong mugto ang kanyang mga mata. Parang may pasa din siya sa may ibaba ng kanyang labi.
"mommy umiyak kaba?" tanong ko sa kanya
Tumingin lang siya sa akin ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.
"mommy tinatanong ko kung umiyak ka po ba?" pag uulit ko
"alam mo lyndi ang dami ko pang gagawin ngayong araw, pwede manahimik ka na lang? wala akong panahon sa mga ganyang drama na gusto mo" naiirita niyang sagot.
Hindi niya naman nasagot ang tanong ko. Nag aalala lang naman ako sa kanya dahil mula nung napunta kami dito sa Las Villas ay madalas ko siyang napapansin na may pasa o kaya naman ay parang problemado. Ilang beses ko na rin siyang tinatanong pero naiinis lang siya. Wag ko daw siya itulad sa akin na masyadong madrama. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko, hindi rin ako kumportable sa mansyong ito. Napakalaki nga pero para namang walang buhay. Di tulad sa lugar namin dati, maliit lang, maingay, pero masaya. E dito halos mabingi ako sa katahimikan e. Maraming bahay dito pero di mo mararamdaman na may kapit bahay ka. Lahat sila abala sa pagpapayaman. Ang mga kabataang tulad ko naman ay parang mga hindi marunong makisama. Parang ayos lang sa kanila na walang kaibigan basta may pera, masasarap na pagkain, wifi, mamahaling gadgets at marangyang buhay. Sa akin hindi ayos to. Ayoko ng ganitong buhay.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción GeneralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...