Napahimbing ang tulog ko kaya alas 9 na ng umaga ako nagising ngayon. Mamayang gabi na ang reunion namin. Halong sabik at kaba ang nararamdaman ko.
Nag- hilamos na ako tapos bumaba. Nasa living room sila mama, nanay zen at si Syra. Nag- lalaro sila ng domino.
"ate sali ka!" sabi ni Syra.
"kayo na lang muna baby" sagot ko naman sa kanya.
Nag- timpla ako ng milo at kumain ng almusal. Sinangag na may ulam na itlog na maalat at tuyo ang kinakain ko. Umagahan at pananghalian ko na ito.
"hoyy bes mamaya ah! dapat magandang maganda ka!" text ni karen sa akin.
"araw- araw naman akong maganda" sagot ko sa kanya.
"sira ka talaga! basta mamaya ha see you" sabi niya naman.
Ang weird. Pero oo balak ko naman talagang mag make-up ng bongga mamaya.
Ilalagay ko na sana ang pinag- kainan ko sa lababo nang biglang natabig ko ang tasa nang hindi sinasadya kaya nahulog ito at nabasag.
"lyndi ano yon?" sabi ni mama at agad naman silang nag- punta ni nanay zen dito sa kusina.
"ay hala iha alis ka na muna dyan at baka mabubog ka pa dahan dahan ha" sabi naman ni nanay zen.
"nay pasensya na ho hindi ko sinasadya, maingat naman po ako e, ewan ko ho ba kung bakit natabig ko bigla" sabi ko.
"ayos lang iha wawalisin ko na lang para wala ng mabubog" sabi niya naman at saka kinuha ang walis at pandakot.
Naisipan kong tawagan si karen para tanungin kung ano ang sasakyan niya mamaya papunta sa Villa Escudero, ang venue ng reunion.
"bes kanino ka sasabay mamaya kanino ka mag- papahatid?" tanong ko sa kanya.
"sa driver namin sis" sagot niya naman.
"ah sige ako rin kay manong na lang mag- papahatid" kako sa kanya.
"hoy hindi pwede ipapasundo ka ni-"
Naputol ang sasabihin niya dahil bigla siyang inubo, nasamid yata.
"te okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"oo bes ipapasundo kita kay Rovi tutal malapit lang naman siya dyan" sabi niya at ibinaba ang tawag.
Si Rovi ang top 2 ng aming klase dati, ako kasi ang top 1 at si Jeff naman ang pangatlo. Close si Rovi at Jeff minsan pa nga'y pinagttripan nila ako parehas at inaasar hanggang sa mapikon ako.
"atee gawan mo akong salad" sabi ni Syra.
"wala naman tayong nabili na pang- salad e, graham na lang ayaw mo?" sabi ko naman sa kanya.
"yehey sige ate dalawa tayo gagawa ah" sabi niya.
"mag- hugas ka muna ng kamay tapos kuha ka ng bowl" utos ko sa kanya habang kinukuha ko ang all purpose cream at condensed milk sa ref.
"tapos kunin mo yung graham crackers doon sa may basket natin ng mga biscuit" sabi ko habang hinuhugasan ang bowl tapos binuksan ko na ang nestle cream at condensed milk.
"o eto electric hand mixer gamitin mo" sabi ko kay Syra.
"eh ayaw ko nyan ate gusto ko yung isang pang- halo" pag- rereklamo naman niya. Natawa ako at iniabot ko sa kanya ang wire whisk para iyon ang magamit niya.
"ilagay mo na yang nestle cream tska condensed milk sa bowl hanggang sa mag double yung volume" sabi ko sa kanya at sinunod niya naman ito.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...