"Hatid na kita pauwi ms lyndi" sabi ni Carl habang nakatitig sa akin at nakangiti.
Ang gwapo talaga neto e pero bakit di ko magustuhan?
"susunduin ako ni manong ngayon" sagot ko naman sa kanya
"tumawag ako sa inyo, nagpaalam na rin ako kay tito Justin na ako ang maghahatid sayo pauwi, pumayag naman siya kaya tara na po madam" sabi naman niya uli.
Pinaalam pa talaga ako kay tito ha? At pumayag naman ang isang yon. Oo nga pala, De Guzman si Carl. Isa sa pinakamayaman sa Las Villas ang pamilya nila. Business partners din si tito at papa niya. Kaya siguro pumayag si tito.
No choice ako kaya sumabay ako. Alangan lakarin ko pauwi ang layo layo.
Habang nasa sasakyan kami ay tumugtog sa radio ang "Make It With You" ng Ben & Ben.
"Baby you know that, dreams there for those who sleep, life is for us to keep" ang ganda pala ng boses netong mokong na to? Sinasabayan niya ang tugtog. Taray quality ha.
Mayaman. Gwapo. Maganda boses. Mabait?
Pero wala. Walang pag asang maging kami. Ayaw kong matulad sa mga babae dito sa Las Villas na parang robot ng mga asawa nila na pressured masyado na mag trabaho para sa kumpanya. Ayos na sa akin ang simpleng buhay basta gusto ko yung ginagawa ko. Ayos lang naman sa akin mag negosyo pero hindi yung tulad ng kanila na halos lamunin ng pera e.
Nakarating na kami dito sa bahay. Nagpasalamat na ako sa kanya at bumaba. Hindi ko na hinintay na pag buksan pa niya ako ng pinto. Di naman putol ang mga kamay ko. Hindi rin ako PWD para alalayan.
Papasok na sana ako sa gate namin nang tinawag uli ako ni Carl.
Paglingon ko sa kanya ay may hawak siyang bouquet. Galing yata sa likod ng kotse, di ko naman napansin kanina e.
"flowers for you my princess" sabi niya habang nakangiti.
"bakit? para saan yan?" tanong ko sa kanya
"para sayo, giving flowers is a way of saying that you are special" sabi naman niya, at parang sincere siya sa ginagawa niya.
Ayaw ko sana tanggapin kasi baka umasa siya o baka isipin niya na gumugusto rin ako. Pero tinanggap ko nalang at nag pasalamat para matapos na ang pag uusap namin.
~~~~~~~~~~
Sabado ngayon. Walang pasok. Naisip ko na naman ang sinabi ni tito Conrad nung lunes. Paano niya nalaman ang tungkol sa pag kaaksidente ko?Nagulat ako nang mag ring ang phone ko. Unknown number, pero sinagot ko.
"hello lyndi? andyan ba sila tito mo at si mommy mo?" natuwa naman ako sa narinig ko. Alam kong boses ni charles to. Parang nabuhayan na naman ako ng loob.
"charles? ikaw yan diba?" nasasabik kong sagot sa kanya
"oo lyndi, wala dyan sila mama mo ha baka mahuli ka na naman" bakas ang takot sa boses nito.
Wala naman sila mommy e. At nandito rin ako sa kwarto ko. Kaya walang makakaalam.
Natuwa ako kasi kahit takot si Charles ay naisipan parin niyang magparamdam.
"wala sila ngayon, kumusta ka pala? san ka na nakatira?" bat ngayon ka lang nagparamdam?" sunod sunod kong tanong sa kanya
"hindi kami lumipat lyndi, sorry kung nag sinungaling ako, utos kasi ng mommy mo yon e, para daw wag tayong magkita, binantaan din ng tito mo ang buhay ko at ng mama ko, kaya natakot talaga ako ayaw ko madamay ang pamilya ko" paliwanag ni Charles.
Ang kapal talaga ng mukha nung Justin na yon. Sino siya para bantaan ang pamilya ni charles? Bakit ba sila galit kay charles? Tska wait, hindi sila lumipat? Edi nag sinungaling din si Karen sa akin. Pero ayos lang, may dahilan naman sila. Kahit sino naman ay matatakot sa isang Dela Fuentes.
"sorry charles ha nadamay ka pa, wag ka mag alala walang makaka alam ng pag uusap natin ngayon, hindi ka na madadamay" sabi ko naman sa kanya.
"hayaan mo lyndi, kapag yumaman ako babawian ko yang mga yan, ibubunyag ko ang kasinungalingan ng mga yan na natatakpan ng kayamanan nila" matapang na sabi ni Charles.
Eto na naman siya sa mga salita niyang parang may ibang kahulugan. Anong kasinungalingan? Bat para namang ang dami niyang alam tungkol sa mga Dela Fuentes.
"anong kasinungalingan charles?" nagtataka kong tanong
"ahh..wala..ano diba..diba sabi mo dati masamang tao yang tito mo..marami siyang inaabuso na tao...dapat matigil yon" sagot naman niya na medyo nauutal. Pero may punto naman siya. Ang daming nadadaya ni tito dahil sa pera niya. Ang daming kawawa.
Pero bakit naman siya sobrang galit? Naloko na ba siya ni tito?
Pero hindi ko na tinanong. Baka isipin niya e minamasama ko pa ang sinabi niya.
Tuloy tuloy ang kumustahan namin ni Charles. Kaso bigla na siyang tinawag ng mama niya ata iyon para utusan.
"sige na lyndi salamat sa oras mo ha, ingatan mo sarili mo, wag mo hahayaang saktan ka dyan kasi pag nagkataon e baka di ako makapag pigil, gamitin ko kapangyarihan ko para puntahan ka dyan" sabi ni Charles
"huh anong kapangyarihan?" tanong ko
"ha? ah eh wala, may super powers kasi ako ready maging super hero mo, ako si, SUPER CHARLES!" sabi naman niya at tumawa nang malakas.
Nagpaalam na kami nang maayos bago ibaba ang tawag. Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa kwarto ko, tumayo naman ako para pag buksan ito.
Bumungad sa akin si nanay zen na hawak ang telepono.
"kausapin ka raw ng lola melda mo" sabi ni nanay
Kinuha ko naman agad ang telepono at kinausap si lola melda.
"lola? napatawag po kayo?"
"iha napapadalas na ang pagsikip ng dibdib ko, apo ko, bago pa mahuli ang lahat ay may gusto sana akong ipaalam sayo, pwede ka ba mag punta dito?" sabi ni lola sa malungkot na tono.
Nasaktan naman ako sa sinabi ni lola. Parang gusto na mamaalam. Hindi ko kaya pag nawala siya, isa siya sa kakampi ko at nakakaintindi sa akin dito sa Las Villas. Siya ang takbuhan ko tuwing may kailangan ako. Ginagawa niya ang lahat para matulungan ako. Ang sarap mag mahal ng isang lola. Parehas kami ng pinagmulan kaya lubos niya akong naiintindihan. Hindi naman kami magkadugo pero minahal niya ako na parang tunay na apo.
"sige po lola, pupunta po ako" sabi ko kay lola at ibinaba na niya ang tawag.
Ano kaya ang gusto niyang sabihin sa akin? Ano ang dapat kong malaman?
Kumain na ako dito sa bahay, naligo at nag ayos. Hinihintay ko na lang si manong para ipag maneho ako papunta kila lola melda.
![](https://img.wattpad.com/cover/225898487-288-k13105.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción GeneralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...