Nandito kami ngayon ni Karensa coffee shop. Sabi ko mag- almusal muna kami bago mag- trabaho.
"bes alam ko na yung nangyari sa akin, kung bakit ako na aksidente, si tito pala ang may pakana ng lahat, pinlano niya ang lahat para makuha si mama" sabi ko kay karen.
"edi alam mo na rin kung sino ang inutusan ng tito mo?" tanong niya.
"hindi pa, pero malamang tauhan niya na naman na batikan pag- dating sa pag- gawa ng mga masasamang bagay, mga kasama niyang alagad ni Satanas, kung sino man siya wala siyang kunsensya, wala siyang puso" sagot ko.
"baka naman tinakot na naman ng tito mo kaya napilitan sumunod, baka pinag- bantaan na naman na ipapapatay kapag hindi pumayag sa gusto niya" sabi niya.
" sabagay, pero kahit na, kung malinis ang puso niya hindi niya gagawin yon, bahala sila basta mag- hihiganti ako, ipapakita ko sa kanila na mali sila ng kinaoaban" kako naman.
Pag- katapos namin mag- almusal ay dumerecho na si Karen sa The Pyramid Clothing at ako naman ay nag- tungo sa Country Side para asikasuhin ang mga nangyayari doon. Syempre kailangan ko muna mag- pabango kay tito. Kailangan hindi niya ko pag- dudahan kapag naramdaman niyang bumabagsak na siya. Kaya ipapakita kong handa akong mag- bigay ng oras at effort para sa kumpanya niya.
Kinausap ko si Yasmin. Ang secretary ni tito.
"handa ka bang tulungan akong pabagsakin ang boss mo?" tanong ko sa kanya.
Nagulat naman siya.
"po?" sagot niya.
"masyado na siyang maraming nasaktan at natapakan, oras na yata para maranasan niya lahat ng pinaranas niya sa iba" sabi ko.
"paano po ang gagawin ko?" tanong niya.
"simple lang, sa tuwing may pinaplanong bagong disenyo na ilalabas ang kumpanyang ito ay kumuha ka ng kopya at ibigay sa akin" sabi ko sa kanya.
"ma'am natatakot ako baka patayin ako kapag nahuli ako" kinakabahan niyang sabi at bakas sa mukha niya ang pagka- takot.
"malaki ang tiwala sayo ni tito dahil kanang kamay ka niya, hindi ka niya pag dududahan at sisiguruhin kong hindi ka niya masasaktan" kampante kong sabi.
Nag- tagal pa ng ilang minuto ang pag- uusap namin tungkol sa mga plano namin. Pumayag naman siya sa gusto ko. Deserve daw ni tito na maturuan ng leksyon.
"sa tingin mo yasmin bakit ganon ang ugali niya?" tanong ko kay yasmin.
"hindi ko po alam pero minsan po naaawa rin ako sa kanya dahil sinisigawan, pinapahiya, at minumura siya ni Sir Dennis kapag hindi nito nagugustuhan ang nangyayari" sagot naman niya.
Walang nakakaawa doon. Parehas lang sila ng ugali.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naglalakad ako ngayon dito sa bayan ng San Antonio para bumili ng paboritong tinapay ni syra nang biglang may narinig akong malakas na busina at nagulat ako dahil biglang may yumakap sa akin at sabay kaming natumba sa kalsada.Pagkatingin ko ay si Charles ang nag- ligtas sa akin mula sa rumaragasang motor. Nakapatong siya sa akin ngayon at nagka- titigan kami sandali bago tumayo. Nilapitan kami ng mga tao para tanungin kung ayos lang ba kami. May galos ako sa bandang siko at si Charles naman ay may sugat sa may braso.
"salamat charles" sabi ko sa kanya, kinakabahan ako dahil muntik na naman ako madawit sa aksidente.
"wala yon, mag- mula ngayon hindi na ko papayag na wala akong gagawin sa tuwing mapapahamak ka" sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/225898487-288-k13105.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficção GeralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...