CHAPTER 27

215 34 0
                                    

Ngayon na ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo. Nandito na kami ngayon sa venue ng Graduation. Kasama ko si Syra, tito, at mama.

Nung mga nakaraang araw ay naging mabait sa akin si tito dahil sa kasunduan namin.

Kaya ngayon medyo pakitang tao muna ako. Kunwari ay gusto ko si Carl. Palagi ko siyang tinatabihan at kinakausap.

"o bigyan niyo kami ng maraming apo ha?" sabi ni tito Benedict, papa ni Carl.

"sure tito gusto mo isang team ng basketball e" sagot ko sa kanya at nag- tawanan naman kaming lahat.

"panatilihin mong malakas ang negosyo mo mr Dela Fuentes para matuloy ang kasal" sabi ng papa ni Carl kay tito.

"Oo naman! Noon pa lamang ay nananatili na kaming pangalawa, hindi na bababa" kampateng sagot ni tito.

"Good. Sa susunod ay magiging number one na rin ang company mo dahil mahahatian na ng yaman etong pamangkin mo" sabi ni tito Benedict.

Nag- salita na ang emcee para sa Graduation namin at sinabing mag-sisimula na raw ang ceremony kaya naman pumunta na kami sa kanya kanya naming puwesto.

Excited na ako. Magsisumula na ang gera.

~~~~~~~~~~~
Hawak ko na ang diploma ko. Hawak ko na ang susi ng pag- hihiganti, hustisya, at tagumpay.

Napagkasunduan naming kumain sa restaurant para mag celebrate. Kasama namin ang pamilya nila Carl.

"Kailan ang kasal?" tanong ng papa ni Carl habang kumakain kami.

Kinabahan naman ako.

"magttrabaho at tutulong muna po ako sa kumpanya ni tito para matutunan ko din ang pag- papatakbo ng kumpanya" sagot ko sa kanya.

"maganda yan, yan ang gusto ko yung masisipag hindi kapit nang kapit" sagot naman niya.

"basta Justin make sure na walang makakalamang sa inyo na iba, para hindi mag- bago ang isip ko" sabi niya kay tito.

"Sigurado yon. Wala ng makaka angat pa sa amin. Walang lalaban." kampanteng sagot ni tito.

Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami kaagad. May mga kailangan pa daw kasing asikasuhin si tito at mama. Ganon din naman ang pamilya ni carl.

~~~~~~~~~~~~
Hindi na ako magsasayang pa ng oras. Nilakad ko na ang mga papeles na kailangan ayusin para malipat sa pangalan ko ang kumpanya ni papa.

Nag- paalam naman ako kay tito at pumayag naman siya. Basta raw ay business partners kami at wag ko kakalimutan tulungan siya. Alam niya kasing matalino at madiskarte ako kaya kailangan niya rin ako. Alam din niya na competitive ako.

Buhay naman ang kumpanya ni papa. Ibang mga business man nga lang ang mga nagpapatakbo. Mga businessman na kilala ni lola.

Sandali lang ang naging proseso na nangyari, may kinailangan lang ako pirmahan at ipasang requirements tapos ayos na. 

~~~~~~~~~
Pagkatapos malipat sa pangalan ko ay agad na akong tumungo sa The Pyramid Clothing Company. Ang kumpanya ko.

Nagpakilala ako sa mga employee. Tinipon ang mga boss ng bawat department dito sa meeting room para makilala ako.

"Magandang hapon sa inyo. So wala ng patumpik- tumpik pa. Ako na ngayon ang bagong CEO ng Pyramid Clothing. Nagagalak akong makilala kayong lahat" pag- bati ko sa kanila habang nakangiti. Ngumiti naman sila pabalik at saka pumalakpak.

"Ako nga pala si Lyndi Dela Fuentes. Ang anak ni Justin Dela Fuentes." pagkasabi ko nyan ay napansin kong medyo kinabahan sila.

"Wag kayo mag- alala. Hindi ako tulad ng ibang Dela Fuentes. Maayos ako kausap. Maayos akong magpatakbo ng kumpanya. Hindi ko kayo kailangan pakitaan ng maling ugali. Maging tapat lang kayo sa trabaho at syempre galingan niyo rin. Sabay sabay tayong aangat dito. " sabi ko at saka naman lumiwanag ang mga mata nila.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon