CHAPTER 47

171 18 1
                                        

Alas onse na ng gabi nang maka- uwi ako sa bahay. Nakapag half- bath na rin ako at naka- bihis ng pang- tulog.

Hawak hawak ko ang mga litrato namin ni Charles. Naalala ko yung mga masasayang ala- ala namin, mga panahong wala kaming ibang iniisip kundi ang mga pangarap namin. Kaso wala e, siguro eto talaga ang naka-tadhana sa amin, ang may mawala para mabuhay ang isa at wala namang problema don, basta para sa kanya.

Matutulog na sana ako kasi sobrang pagod na ako kaso biglang may nag- text sa akin kaya binasa ko ito.

"Bes, I know you very well. Paslit pa lamang tayo mag- kasama na tayo kaya kabisado kita, sa mga salita, galaw, at tingin mo kanina alam ko ang ibig sabihin non. Nararamdaman kong handa kang maging heart donor para kay Charles. Naiintindihan ko yon, alam ko kung gaano mo ka- mahal si Charles kaya hindi kita pipigilan. Basta tatandaan mo mahal kita, mahal na mahal. Mamimiss kita lyndi, sobrang dami mong nagawa hindi lang para sa akin kundi para sa mga tao, para sa tama. Bilib ako sa katapangan mo kaya hindi na ako mag- tataka kung ganyan ka katapang mag- buwis ng buhay mo para sa mahal mo. Mahal na mahal kita, babantayan mo kami palagi ha? Ako na bahala kay tita at syra, alam kong magiging masaya ka at magiging masaya si Charles kasi pinatunayan mong mahal na mahal mo siya at yon lang naman ang tanging hangad niya, ang mag- mahalan kayo hanggang dulo, kaso nga lang dumating na yung dulo ng buhay mo para dugtungan ang buhay niya, lubos akong humahanga sayo. Ingat sa pag- lalakbay kaibigan, hanggang sa muli, paalam!"

Sabi ni Karen sa text message niya. Iyak ako nang iyak sobrang hirap iwan ni Karen.

Saksi siya sa lahat ng pag- hihirap ko. Hindi siya nawala sa tabi ko sa kabila ng lahat ng pinag- daanan ko, kasiyahan man o kalungkutan hindi niya ako iniwan, isa siyang perpektong larawan ng isang tunay na kaibigan.

Hindi na ako nag- reply, ayaw kong mas malungkot pa siya. Ang sakit isipin na mawawalay na ako sa kanya pero ayos lang, basta para kay Charles.

Natulog na ako dahil maaga pa kami aalis nila mama at Syra. Bbyahe kami papuntang Bicol. Gusto ko ring mag- laan ng isang araw na sila lang ang kasama, huling araw ko kasama ang aking kapatid at ina.

~~~~~~~~~~
Alas 4 pa lamang ng madaling araw. Naka- bihis na ako at handa ng umalis, naka- ayos na rin sila Syra.

Nang makita kong sabik na sabik sila para sa araw na ito ay hindi ko mapigilang malungkot. Wala silang kamalay- malay na mawawala na pala ako sa kanila, na iiwan ko na sila, na huling gala na namin na magkakasama.

Habang nasa van kami ay sobrang excited ni Syra.

"mama, ate ang saya ko kasi aalis uli tayo na magakakasama" sabi niya.

"oo anak kahit masakit ang nang- yari sa atin, masaya pa rin tayong tatlo" sabi naman ni mama. Hindi ako kumibo at nag- panggap na lamang na inaantok.

Maka- lipas ang siyam na oras na byahe ay naka- rating na kami dito sa Naga, Bicol. Nag check- in na kami sa hotel.

"mag- pahinga muna tayo sandali tapos alis tayo mamaya para kumain" sabi ko sa kanila.

"ate watch tayo tv please" sabi ni Syra.

"sure bebe wait buksan ko" sabi ko naman at niyakap niya ako dahil tuwang- tuwa siya.

Mamimiss ko yung kapatid ko na napaka- lambing. Mamimiss ko ang mga yakap at halik niya, maging ang pangungulit niya. Naaawa ako sa kanya kasi maaga siyang ma- uulila sa ate.

"ang swerte ko sa mga anak ko, magaganda, mababait, matatalino at mapag- mahal, sana matagal pa tayong mag- kasama mga anak dahil alam kong malayo pa ang pwede niyong marating" sabi ni mama sa amin.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon