CHAPTER 45

162 14 0
                                    

Nagising ako dito sa isang parang abandonadong bahay. Naka- tali ako sa upuan at may naka- takip na panyo sa bibig ko, maging ang mga paa ko ay naka- tali rin. Wala akong makitang tao. Natatanaw ko sa bintana na ang labas nito ay puro puno, parang nasa bundok yata ako o gubat. Walang ibang bahay o sasakyan dito.

"TULONG TULUNGAN NIYA AKO" sigaw ko kaso mukhang hindi ako maririnig dahil nga may tela sa bibig ko.

"TULONG PAKAWALAN NIYO AKO" sigaw ko uli.

"PATAYIN NIYO NA LANG AKO WAG NIYO NA AKONG PAHIRAPAN"

"MAAWA KAYO SA AKIN PUNTAHAN NIYO AKO DITO"

"WAG NIYO NAMAN AKO PABAYAANG MAMATAY MAG- ISA"

Ilang beses ko pang sinubukan sumigaw at humingi ng tulong, sinusubukan ko ring kumawala dito hanggang sa napagod na ako, nawawalan na ako ng lakas. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Makalipas ang siguro mga isa o dalawang oras ay may dumating na lalaki. Naka- balot ng tela ang mukha niya, mata lamang niya ang naka- labas. Malaki ang kanyang katawan, katamtaman lamang ang kulay niya at taas, naka- itim siyang shirt at itim na pantalon.

Nilapitan niya ako at saka tinanggal ang telang nasa bibig ko.

"kuya pakawalan mo na ako" pag- mamakaawa ko.

"maawa ka naman sa akin kuya wala ka bang mga anak o mahal sa buhay na babae" dagdag ko pa.

Sinikmuraan niya ako kaya namilipit ako sa sakit.

"ayoko ng maingay, manahimik ka na lang ang dami mong drama, mag- pahinga ka na dahil bukas na bukas papatayin ka na at ililibing dito sa bundok para walang maka- alam" matapang niyang sabi at saka nag- lakad paalis.

"Diyos ko kahit wag na po ako ang iligtas niyo, iligtas niyo lang po ang mama ko at kapatid ko, maging sila nanay zen at iba pa naming kasama sa bahay kayo na ho ang bahala sa kanila" sabi ko habang umiiyak.

"kayo na ho ang bahalang gumawa ng paraan para makarating sa kanila ang nang- yari sa akin, sana ho wag na silang mag- higanti para wag na silang mahirapan, ayos lang ho ako basta maging ligtas sila, kapag namatay ho ako ay hindi ko sila papabyaan" dagdag ko pa at saka umiyak nang umiyak.

Unti- unti ng dumidilim ang paligid, walang kahit anong ilaw dito, wala akong makita natatakot ako, ni konting liwanag ay wala dito tapos puro puno pa ang paligid. Giniginaw na rin ako. Hindi na yata ako aabot bukas, parang ngayon pa lang ay hihinto na ang tibok ng puso ko dahil sa pagod, sakit, lungkot, at takot.

"Panginoon gabayan niyo rin ho si Charles, bigay niyo ho sa kanya yung kasiyahan na dapat ay para sa kanya, pakawalan niyo na ho siya sa sakit at pag- hihirap, napaka- buting tao ho ni Charles he deserves to be happy" sabi ko.

Pinagdasal ko na rin sila Karen at iba ko pang mga kaibigan, maging ang mga empleyado at sinama ko sa aking dasal.

Sana ligtas si mama at si Syra. Sana hindi sila nasaktan, sana matanggap nila kaagad ang nangyari sa akin kung sakaling pumanaw man ako, sana makapag- simula uli sila at sumaya. Sana wag silang mawawalan ng pag- asa.

Ma, Syra, Charle, Karen, maging matatag sana kayo kahit wala na ako. Marami pang dahilan para mag- patuloy kayo. Wag niyo na akong isipin, makakapag- pahinga na ako, palagi ko kayong babantayan, wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan niyo kahit wala na ako.

Nag- simula ng kumidlat at kumulog kaya mas natakot ako. Maya- maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan, giniginaw na ako at sobrang nanghihina, dagdag pa yung lamig na nararamdaman ko.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon