CHAPTER 38

190 20 1
                                        

Biyernes ngayon. Hindi muna ako pumasok sa trabaho. Dalawang linggo na kasi na halos full time ako kaka- asikaso sa kumpanya ko at sa kumpanya ni tito. Partida kakalibing pa lang niya non. Wala pa akong pahinga kaya naisipan kong lumiban muna sa trabaho ngayon para naman makapag- pahinga at makapag- handa dahil bukas na gaganapin ang grand reunion ng batch namin nung high-school.

Nag- timpla ako ng kape ko at gumawa ng toasted bread. Habang naka- upo ako sa may hapag- kainan ay naisip ko bakit ganon?

Ang dami kong napasaya habang malungkot ako. Ang dami kong nabigyan ng pag- asa kahit ako nawawalan na nito. Ang dami kong nabubuo kahit kulang na kulang ako. Ang dami kong natulungan kahit ako, sobra ng nahihirapan. Palagi kong pinapaalala sa iba ang kahalagahan ng kasiyahan kahit ako nilalamon na ng kalungkutan.

"good morning ate!" bati ni Syra sa akin. Kakagising niya lang.

"good morning baby halika sabay na tayo mag- almusal" sabi ko naman sa kanya.

"ate gusto ko mag- laro mamaya pwede ba kitang maging kalaro?" tanong niya.

"uhm punta na lang tayo ng mall gusto mo?" tanong ko rin sa kanya.

"yehey gusto ko ate tapos kain tayo sa mcdo ah" sabi niya naman na para bang sabik na sabik.

Bibili kasi ako ng susuotin para bukas. Bibili rin ako ng mga make- up ko at saka mga souvenirs na ipapamahagi ko sa mga ka- batch ko.

Pagkatapos namin kumain ay sinabihan ko na si Syra na maligo na kami. Sumunod naman siya agad.

Pagkatapos namin maligo ay nag- pahatid na kami kay manong sa mall.

"ate bili mo muna ako ng laruan yung domino" sabi ni Syra pagkadating namin sa mall.

"sure tara sa toy kingdom" sabi ko naman siya at tuwang tuwa siya.

Pagkatapos naming bumili ng gusto niyang laruan ay nag- punta kami sa arcade para mag- laro at mangolekta ng ticket. Pinapalit niya naman ito sa sticker at mga candies. Tapos ay nag- tungo kami sa food court para bumili ng fries at ice cream.

"ate namiss ko na sinasamahan mo ko ng ganito, nung wala ka kasi si tito palagi ang sumasama sa akin" sabi ni Syra habang kumakain kami.

"talaga? kaya pala minsan wala siya sa kumpanya niya, sinasamahan ka pala niya" sagot ko naman.

"opo ate tapos sinasamahan pa niya ako mag- bike, pinagluluto pa niya ako ng mga gusto ko, spaghetti o carbonara tapos gagawan niya ako ng salad" pagkkwento ni Syra habang naka- ngiti.

Kumirot naman yung puso ko. Nagsisisi ako na pinlano ko siyang saktan at pabagsakin. Ginusto niya rin palang mag- bago at bumawi sa amin. Pero sabagay, nag- base lang naman kasi ako sa mga ginawa niya sa amin noon at sa ibang tao, dibale na ang mahalaga naman ay nag- bago at natauhan siya.

"lika syra samahan mo muna si ate sa department store bibili akong damit" sabi ko kay Syra pag- tapos naming kumain.

"yie magpapaganda ka kay kuya charles no" sabi naman ni Syra.

"wala naman siya nasa malayo siya tska hindi namin siya ka- batch noon e kailan lang nung makilala ko siya" malungkot kong sabi.

Miss na miss ko na si Charles kaso baka naka- tali na siya kay Amaris kaya hindi na ako aasa pa. Kakalimutan ko na lang siya at mag- fofocus na muna ako sa sarili ko at sa pamilya. Makakahanap din ako ng makakapag pasaya sa akin na hindi ako iiwan at ipaglalaban ako hanggang dulo.

"ate eto na lang dress na pink mas bagay sayo"  sabi ni syra habang hawak ang kulay rosas na sleeveless dress tapos may mga disesnyong bulaklak.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon