"KAREEEEEEN!" sigaw ko kahit hindi pa ko nakakarating sa kinatatayuan ni karen, sobrang saya ko na nakita ko na uli ang bestfriend ko
Sinalubong naman niya ako at mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Halos maluha ako sa sobrang tuwa. Ang laki ng pinagbago niya. Lalo siyang gumanda.
"Naks yaman naka car" pang aasar niya sa akin, nakita niya kasi na bumaba ako sa sasakyan dahil pinahatid nga ako ni lola dito.
Ilang minuto pa lamang ay dumating na sila Ella, Jacob, Gemma, at Troy
Inaabangan ko kung may kasunod pa bang bababa sa jeep pero wala na. Wala si Jeff. Medyo kumirot yung puso ko dahil akala ko makakasama ko siya pero okay lang, basta kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Hoy bruha nakatulala ka na naman, taga Las Villas ka na ah lutang ka pa rim girl?" pang aasar ni ella at tumawa naman kami nang malakas at nag yakapan. Nakiyakap n rin si Gemma at Karen.
"Syempre umaasa siyang kasama si Jeff ngayon" sabi ni Troy habang tumatawa.
"Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw" kinanta naman yan ni Jacob. Galing yata iyan sa isang opm song. At sabay sabay silang tumawa.
"Hoy wag niyo asarin yan taga Las Villas na iyan" sabi naman ni karen. Agad naman na gumatong ang iba.
"mga siraulo, ako pa rin to si Lyndi, ang mutya ng San Antonio" sabi ko sabay pose na pang beauty queen na naging dahilan kaya humagalpak silang lahat ng tawa.
Namiss ko yung ganto. Namiss ko yung normal na buhay. Yung maingay na paligid dahil sa mga sasakyang dumadaan. Yung maraming tao na nag uusap. Mga maliliit na stall na nag titinda ng damit, sapatos o bag. Ingay ng mga nagtatawag ng pasahero. Sa Las Villas walang ganito, puro sosyal na kainan at bilihan ang mga nandoon. Lahat din ay may kanya kanyang sasakyan.
Makalipas ang ilang minutong asaran at yakapan ay napagpasyahan naming pumunta sa isang fastfood para kumain. Doon na din daw namin hintayin si Charles, ang bago raw nilang kaibigan.
Charles? Bat sasama yun e di naman ako kilala non? Ako nag set ng gala para makasama ko uli ang mga dati kong kaibigan, e bat naman niya naisipan sumama? Hays bahala na nga hayaan na lang para madagdagan ang mga kakilala ko dito sa labas.
~~~~~~
"asan na daw ba si Charles?" tanong ni Jacob kay Troy.
"andyan na daw papasok na daw pre" pagkasabi nyan ni Troy ay lumingon na kami sa entrance ng fastfood.
Nakuha agad ng lalaking mistiso ang atensyon ko. Matangkad siya, maganda ang katawan, naka plain white shirt at naka sweat short kaya naman di ko mapigilan tumingin sa ano, sa mukha niya kasi ang gwapo talaga niya. Parang artista.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pamilyar ang ichura niya pero yun kabog ng dibdib ko, pamilyar. Nararamdaman ko lang ito pag si Jeff ang kasama ko.
"Hello, sorry im late? Hahaha" sabi ni Charles
Putek. Ang lalim ng boses. Kaboses ni Jeff. Bakit ganon? Parehas din sila ng mata, mapungay na may pagka chinito.
"Charles eto nga pala si Lyndi, kaibigan namin" sabi ni ella habang ipinapakilala ako kay charles
"ay hello lyndi, wala pa ring pinagbago ang ganda pa rin"
Wtf. First time pa lang namin magkita pero bakit sa sinabi niya ay parang nakilala niya na ako dati? Kinabahan ako bigla hindi ko alam irereact ko.
"ay sorry, nakkwento ka na kasi nila ella at karen sa akin, pinakita din nila picture mo, bata pa lamang daw kayo ay maganda ka na, lagi ka daw panlaban ng San Antonio sa mga beauty pageants." napansin siguro niya na nagtaka at nagulat ako kaya sinabi niya iyan

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiction généraleI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...