Tatlong araw ng wala sila mommy. Baka mamayang gabi na ang dating nila kaya hindi muna ako aalis ngayon. Noong isang araw ay bumaba ako kila karen at kahapon naman ay dinalaw namin ni syra ang puntod ng papa namin. Hindi naman malalaman nila mommy na lumabas kami. Wala namang mag susumbong.
Nakaupo lang kami sa sofa ngayon. Naglalaro kami ng puzzle ni syra. Sila nanay zen naman ay nagluluto ng miryenda. Ginataang bilo bilo ang kanilang inihahanda. Paborito kasi ito ni syra.
~~~~~~~~~
Umakyat na si syra sa kanyang kwarto. Malamang ay mag lalaro na naman ito sa kanyang tablet. Ako naman ay nakaupo dito sa may hapag kainan habang hinihintay sila mommy ng biglang mag ring ang phone ko, unknown number lang pero sinagot ko naman ito.
"Hello?" panimula ko
"Hello lyndi, kumusta ka na?"
sagot ng kausap ko.Si Jeff lang ang may ganitong boses. Malalim pero malambing ang tono. Kay Jeff ko lang rin nararamdaman ang ganitong kaba at tuwa tuwing kausap ko siya sa phone.
Pero imposibleng siya to. Wala na yatang balak magparamdam yun e.
"uhm okay lang ako, sino po sila?" tanong ko sa kanya. Natawa naman siya nang bahagya. Ang cute naman tumawa neto.
"si charles to, napatawag lang ako kasi namiss kita makausap at gusto ko masiguro na okay ka lang dyan"
Shems. Bakit ganto na naman ang mga sinasabi niya? Dapat ko bang bigyan ito ng kahulugan? Hays. Baka naman kaibigan lang tingin neto sa akin kaso halos parte na rin siya ng tropahan namin nila karen.
"namiss agad? hahaha okay lang ako, inaantay ko sila tito, ngayon kasi dating nila e" sabi ko habang naka ngiti. Shet bakit ako nakangiti? May ka ngiti ngiti ba sa sinasabi ko?
"mag iingat ka don ah, yaan mo balang araw babawian natin yang demonyo na yan, makakatikim din siya, mapupunta siya kung saan siya nararapat" sambit niya na parang galit na galit dahil sa diin ng boses niya at tono.
Galit na galit? Paano naman niya mababawian yon e taga ibaba siya. Hindi siya makakapasok dito sa Las Villas at hindi niya makakalaban ang isang Dela Fuentes. Tska bakit ganto siya mag react? E sila jacob at troy naman, kaibigan ko rin pero wala namang balak mag higanti sa tito ko, bakit siya parang kampante at sigurado siyang babawian niya yon?
Nagtagal pa ng ilang minuto ang pag uusap namin ng biglang...
"ano lyndi? busy sa kausap? mataray na tanong ni mommy
Dumating na pala sila. Agad ko namang ibinaba ang tawag. Nakatingin ng masama sa akin si mommy at tito.
"dumating na kami, hindi mo man lang napansin? sino ba kasi yang kausap mo at may pangiti ngiti ka pang nalalaman? " dagdag nito. Hindi ko pa rin siya sinasagot. Nakatingin lang ako sa kanya.
Tatayo na sana ako ng bigla niyang kinuha ang phone ko. Wala itong password, ayaw niya na lagyan ko para anytime na gusto niyang buksan ay mabubuksan niya.
Kukunin ko pa sana uli ito ng bigla akong itinulak ni tito kaya naman bumagsak ako sa sahig. Napansin kong nagulat si mommy pero wala siyang ginawa.
"ang tigas talaga ng ulo mo, bawal ang pasaway sa pamamahay ko, kung di ka marunong umintindi lumayas ka dito" galit na sinabi ni tito.
Talaga. Gusto ko naman talaga lumayas dito kaso hindi ko kaya kasi paano si syra? Paano si mommy?
"wala namang nagsabi sayo na ginusto kong tumira sa pesteng pamamahay mo" matapang na sagot ko sakanya. Tinignan ako ni mommy na para bang pinatatahimik ako.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción GeneralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...