Nandito na ako ngayon sa bahay namin sa San Antonio. Binigay ko na ang mga pasalubong ko kay mama, Syra at nanay Zen. Mga souvenir na pagkain, keychains, magnet, at damit.
Kinuwento ko sa kanila ang aking mga natuklasan tungkol sa Palawan. Pinakita ko rin sa kanila ang mga larawan na aking nakuhaan para mas ma- imagine nila ang napaka gandang lugar.
"ate sana sa susunod kasama na ako" sabi ni Syra.
"sure baby girl, kasama na kayo ni mama next time" sagot ko naman at tumalon siya sa tuwa.
Nag- paalam akong matutulog muna, pagod din kasi ako at para may lakas ako mamayang gabi sa Birthday Party ni tita Lory.
~~~~~~~~~~~
Nagising ako nang may mag- text sa akin.
"wear your favorite and most elegant outfit, see you" sabi ni Karen.
Alas- tres na pala ng hapon. Nag- unat lang ako tapos naligo na. Nag- lagay lang ako ng light make- up tapos kinulot ang dulo ng buhok ko.
Naka plain red fitted dress ako na sleeveless, ang haba nito ay hanggang sa itaas ng tuhod ko. Biglang may kumatok at pinag- buksan ko naman.
"anak ito binili ko oh ito ang isuot mo" sabi ni mama sa akin habang inaabot ang one side shoulder sleeveless fitted long gown na color red, may slit din sa gilid tapos backless din ito.
"ma ang oa naman di naman ako celebrant e" sabi ko.
"ay ganon ba nak, sayang naman akala ko magugustuhan mo, sige benta ko na lang" sabi ni mama at saka yumuko at tumalikod.
"ma amin na, isusuot ko na po" sabi ko at tuwang- tuwa naman niya akong niyakap.
Ayaw ko kasing nabibigyan siya ng sama ng loob kaya hangga't maaari, susunod ako sa kanyang kagustuhan. Sinuot ko na ang binili niyang damit para sa akin tapos nag high- heels ako na silver sandals tapos nag- pahatid na kay manong sa venue, sa hotel daw gaganapin ang party.
Pag- dating ko dito sa lobby ay pinag- titinginan ako ng mga tao, tapos waoa naman akong makita na kagaya ng suot ko, yung iba naka pajama at shirt tapos may naka shorts at sando pa nga. Yung iba naman, casual lang.
Tinawagan ko si Karen dahil hindi ako komportable rito.
"san ka na ba sis nandito na ako" sabi ko.
"wait lika labas ka muna may mga dala ako help mo ako" sabi niya at lumabas naman ako. Nakita ko siya, naka casual dress lang. Nakakahiya mas bongga pa suot ko kaysa sa anak ng celebrant.
Pagka- kita niya sa akin ay nag- beso beso kami nang may biglang tumakip ng mga bibig namin at sinakay kami sa isang pulang van.
Naka- black mask ang mga nandito kaya hindi namin mamukhaan. Ang ayos din ng tugtugan, Make it With You ang tugtog sa radyo.
"SINO BA KAYO PAKAWALAN NIYO KAMI! " sabi ko habang sinusuntok ang isang lalaking katabi ko. Si Karen naman ay umiiyak.
"pakawalan niyo na ho kami, espesyal na araw ho ng nanay ko kailangan kasama niya ako" sabi ni Karen habang umiiyak.
"kahit ako na lang kuhain niyo at saktan, pakawalan niyo lang yung kasama ko, hindi siya pwedeng mawala sa mahalagang okasyon ng pamilya nila" sabi ko.
"ayaw ko naman ho sanang mamatay sa mismong kaarawan ni mama" sabi ni Karen.
Nakakainis kasi tila ba wala kaming kausap dito dahil hindi nila kami pinapansin. Binatukan ko ang katabi kong lalaki.
"aray ko naman tumigil ka" sabi nito. Wow bakit hindi sila nananakit?
Habang nasa daan ay piniringan ang mga mata ko gamit ang tela.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Genel KurguI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...
