CHAPTER 28

217 30 0
                                    

Alas 5 pa lamang ng umaga pero kailangan ko na kumilos. Tinawagan ko si karen. Ang tagal niya bago sagutin.

"ano ba yan bes ang aga aga naman" bungad niya na halatang antok na antok pa.

"goodmorning secretary!" bati ko naman sa kanya.

"alam mo nai-stress ako sayo, kahapon fresh from graduation pa lang ako dinadamay mo na ko agad sa mga plano mo pasalamat ka good mood ako kahapon" sabi niya sa akin.

"o edi thank you!!" pang- aasar ko sa kanya.

"abnormal ka e ano ba kasi plano mo ngayon?" tanong niya

"papakilala kita sa ibang mga empleyado tapos ikaw na muna bahala sa kanila, may mga aasikasuhin ako may mag-gguide naman sayo don e si ms. Carmie, dating secretary doon" sabi ko sa kanya.

Sumang- ayon naman siya tapos binaba ko na ang tawag. Kikilos na ako. Wala akong sasayangin na oras.

~~~~~~~~~
7:30 am natapos nang matapos akong maligo, mag- almusal at mag- ayos. Papunta na ako ngayon sa kumpanya. Papunta na rin si karen.

Dalawampung minuto lang ang itinagal ng byahe ko. Pag-kadating ko doon ay hinintay ko muna si Karen sa lobby at matapos ang sampung minutong pag- hihintay ay dumating na siya.

"Ms. Carmie eto po si Karen, siya ang magiging bagong secretary ng company, kayo na ho ang bahala sa kanya dahil marami pa kong aasikasuhin" sabi ko kay ms. Carmie.

"osige po ma'am ako na po ang bahala, ituturo ko na lang po sa kanya ang mga dapat gawin wag po kayong mag- alala" sagot niya habang naka- ngiti.

Sinenyasan ko na lang si Karen na sumunod kay ms. Carmie tapos ang nag thumbs- up siya habang naka- ngiti.

Pinatawag ko ang ibang mga empleyado na in- charge sa promotion at advertisement. Sinabihan ko sila na mag- advertise sa mga sikat na youtube channels at sa lahat ng social media platforms na maraming followers dahil dagdag kita rin ito.

Pumunta na ako sa office ko at nag- open ng gmail. Pagka- bukas ko pa lamang ay ang dami na agad message about sa mga clients and gustong magkaroon ng partnership between their company at netong Pyramid Clothing. Lahat naman ay nireplyan ko. Hindi tulad ni tito na tanging mga sikat at angat lang ang binibigyang pansin. Paano naman yung iba na hindi nabibigyan ng pagkakataon diba?

Ilang oras din ang ginugol ko sa pakikipag- usap sa kanila. Pagkatapos ko ay nag- punta naman ako sa company ni tito.

"KILOS KILOS KILOS! BABABAAN KO ANG SAHOD NIYO KAPAG MAY NAKA- ANGAT SA ATIN AT KAPAG MAY HINDI AKO NAGUSTUHANG GINAGAWA NIYO WAG KAYONG BOBO!" sigaw niya sa mga empleyado niyang nakayuko lamang dahil nahihiya at natatakot.

"uhm excuse me? bat kailangan mo sila sigawan?" tanong ko sa kanya at nagulat naman siya dahil narinig ko pala siya.

"wag kang makialam dito lyndi" sagot niya sa akin.

"ah sure, ayaw mo palang tulungan kita dito edi sige bawas trabaho ko yon" sabi ko sa kanya.

"hindi hindi...hindi naman sa ganon, ibig ko sabihin ay dito sa mga employee, kailangan kasi nila maturuan ng leksyon" pagpapaliwanag niya.

Takot din pala siya e.

"balik na kayo sa mga trabaho niyo, mamaya ay mag papa deliver ako ng miryenda niyo, wag niyo dibdibin ang mga sinabi ni tito sa inyo, enjoy what you're doing and love the company lang ayos na yon, wag niyo pahirapan ang mga sarili niyo, magaan lang ang trabaho basta mag-kakasundo tayo dito" sabi ko sa mga empleyado para naman pagaanin at palakasin ang mga loob nila.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon