~~~~~~~~~~~~
Pasukan na naman pala bukas. Tapos na ang bakasyon. 4th year college na ako. Graduating na ako. Makakalabas na ako nang malaya dito sa Las Villas. Pero alam ko namang bawal mag boyfriend ng taga labas. Hindi naman iyon ang pakay ko, gusto ko mabigyan ng hustisya ang nangyari kay papa.Nandito kami ngayon sa Grand Villas mall, dito sa loob ng Las Villas. Kasama ko si syra. Namimili kami ng mga gamit pang eskwelahan. Binigyan kami ni mommy ng tig limang libo para bumili ng mga gamit namin. Masyadong malaki ang limang libo lalo na kay syra, grade two pa lang naman siya. Kaya ang sobra ay ipangkakain namin at ipang bibili ng iba pang gusto ni Syra.
Puro barbie na naman ang design ng notebook na binili ni syra. Bumili rin siya ng mga twistable colors, mga water colors, pencil case na maganda, bag, at iba pang mga kailangan niya. Puro barbie ang design na pinipili niya.
Samantalang ako nung bata kung ano yung sikat na teleserye ayon ang design ng notebook ko para kunwari fan at sabay sa uso.
Namasyal pa kami rito sa mall. Bumili din ako ng bagong damit namin ni syra at bumili siya ng mga bago na naman niyang laruan.
Sa San Antonio hindi uso yung mga barbie at mga lutu-lutuan na laruan, uso doon pogs, pagalingan. Bebentahan mo ang kalaro mo tapos tatalunin mo siya. O kaya naman ay chinese garter, feeling savior ako non e lagi ko ba naman nililigtas ang mga kakampi ko, binubuhay ko sila.
Naglaro rin si syra sa arcade dito, nakakuha naman siya ng premyo na stuff toy kaya naman tuwang tuwa ang bata.
Pauwi na sana kami ng biglang nakakita ako ng pamilyar na tao, nakatalikod siya bumibili ng shawarma pero parang nakikilala ko siya. Si tito Conrad, ang papa ni Jeff. Posibleng siya yon dahil taga dito lang naman siya sa Las Villas. May kasama siyang naka gray na t shirt. Naka talikod din, nag cecellphone pero parang si Charles. Kinabahan na naman ako. Ganon ang height, kutis, tindig, at buhok ni charles. Pero paano naman siya mapapadpad dito e taga baba siya? Bawal siya dito. Tska bat naman sila mag sasama ng papa ni Jeff. Lalapitan ko sana ang pwesto nila nang may biglang nagtatakbuhang mga bata sa dadaanan ko. Nag tataya tayaan yata. Mga english pa nang english. Para tuloy akong nakikipag patintero. Nang makalagpas ako sa mga naglalaro ay wala na agad ang pinaghihinalaan kong si tito Conrad at Charles. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala talaga. Ang bilis naman.
Kanina lang ay nandyan pa tapos biglang nawala. Ghost lang?
Posibleng papa ni Jeff yon pero baka hindi si Charles ang nasa tabi niya. Hindi ko naman nakita ang mukha e. At napaka imposible na mapapunta siya rito. Hindi papayag ang Las Villas. Buti sana kung may mapapatunayan silang malakas na negosyo nila o kaya naman ay may kamag anak siya rito, pwede pa. Pero wala naman. Madalas din mabanggit sa akin ni Charles noon na ayaw niya tumira dito.
Mas mahalaga raw ang kasiyahan kaysa sa kayamanan.
Parehas sila ng paniniwala ni Jeff. Baka sobrang miss ko lang si Charles kaya siya agad ang pumasok sa isip ko kanina.
"ate uwi na tayo ang sakit na ng paa ko" pagrereklamo ni syra
"ay sorry baby sige tara na sa parking kanina pa nandon si manong driver" sabi ko naman sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~
Tapos na kami mag hapunan. Kakababa lang ni tito at mommy, nag pahinga muna yata sila sa kwarto nila.
"pasukan mo na naman bukas, last year mo na galingan mo, pag butihin mo" sabi ni tito sa akin, mukha naman siyang kalmado ngayon
Tumango na lang ako biglang pag tugon at saka ngumiti.
"pag ka graduate mo ay agad agad kitang kukunin para mag trabaho sa kumpanya, kailangan mo mag ambag sa pagpapalago ng negosyo" sabi niya, kalmado pa rin ang mukha niya

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficción GeneralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...