Anong kasunduan nila tito at mommy? Bakit pinapatay ni tito ang kapwa niya Dela Fuentes? Bakit parang galit si mommy kay Charles? Bakit ba talaga ako naaksidente?
Ilan lamang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Umaasa akong matutulungan ako ni lola Melda na masagot ang lahat ng yan kaya nandito ako ngayon sa kanila. Hinihintay ko siyang bumaba dito sa living room nila. Kumakain din ako ng mango pie na pinahanda niya sa mga kasambahay nila. Naiwan si syra sa bahay, kasama niya si nanay zen. Umalis naman sila tito at mommy. Magkasama na naman sila kanina na para bang hindi sila nag away nang malala kagabi.
"iha masarap ba ang pinahanda kong pagkain? nabusog ka ba?" tanong ni lola. Nandito na siya kasama ko.
"opo lola, saktong sakto po hindi pa ako nag almusal, salamat po" sagot ko sa kanya
"joy paki timpla naman ako ng kape, salamat" utos ni lola kay ate joy, isa sa mga kasambahay nila.
Nag kumustahan kami ni lola. Kinumusta niya si syra at sila mommy. Gusto ko sanang ikuwento yung ginawa ng anak niya sa kapatid ko, kaso wag na lang. Baka hindi siya maniwala, o baka magkagulo lang. Kinumusta ko rin ang lagay niya dito. Ayos lang naman daw siya kaso nga lang minsan ay nahihirapan siyang huminga, pero sandali lang naman daw. Masakit na rin daw ang kanyang tuhod at kasu kasuhan. Sa taas pa naman ang kwarto niya, dapat ay magkaroon na lang siya ng kwarto dito sa unang palapag nila para hindi na siya nahihirapan umakyat.
Maya maya lang ay dumating na ang pinatimplang kape ni lola. Ayaw ko ng mag pa- tumpik tumpik pa, itatanong ko na ang gusto ko.
"uhm lola, may gusto lang po sana ako malaman baka po kasi alam niyo ang tungkol dito" sabi ko kay lola
"ano yun iha? tungkol saan?" sagot naman niya
Kinakabahan ako. Baka hindi niya sagutin. Baka magalit siya. Baka isumbong niya ako. Nag da dalawang isip ako kung itatanong ko pa ba. Pero pinipilit ko lakasan loob ko para naman mabawasan na ang iniisip ko.
"ahh, kasi po kagabi, nagtalo si mommy at si tito, narinig ko po na sinabi ni tito na may kapatid po siya na pinapatay niya, pwede ko po bang malaman ang tungkol doon? " tanong ko naman kay lola.
Nagulat siya at parang kinabahan dahil napalunok siya ng malalim. Hindi niya ako sinagot kaagad. Parang hindi siya mapakali bigla. Natakot naman ako. Baka mamaya ay bigla siyang atakihin at maging kasalanan ko pa. Baka bigla siyang hindi makahinga at ako ang pag bintangan dahil ako ang huling kausap niya.
"sorry lola, na curious lang po ako, ayos lang po kung bawal ko malaman" sabi ko uli sa kanya.
Bakit ba may mga katanungan na ang hirap bigyan ng kasagutan?
Bakit yung mga bagay na hindi natin pwedeng malaman ay patuloy na bumabagabag sa ating isipan?
Bakit ba minsan ay pakiramdam ko, pinagdadamutan ako ng mundong aking ginagalawan?
"oo may pinapatay si justin na kapatid niya, pina patay niya ito dahil sa inggit, pinili kasi ng kapatid niya na manirahan at mabuhay sa baba, at nakita niyang naging masaya ito at nagkaroon ng masayang pamilya, kaya sa sobrang inggit niya, pinapatay niya ito" pagkkwento ni lola.
Grabe. Ang sama pala talaga ng ugali ni tito.
Iba talaga ang nagagawa ng inggit, nagiging sanhi ito ng galit, paninira at pananakit.
Pag inggit, pikit.
"e diba po anak niyo rin ang pinapatay lola? hindi po ba kayo nagalit? wala po ba kayong ginawa?" tanong ko muli kay lola.
E nakakapag taka naman kasi diba, anak niya yung pinapatay pero hinayaan niya lang.
Napansin kong nalungkot si lola sa tanong ko. Wrong move yata. Naka offend yata ako.
"gusto rin kasi ng lolo Dennis mo, papa nila ang ginawa ni justin, galit din siya doon sa anak niya na iyon, dahil nga umalis dito sa Las Villas, tinalikuran ang mga Dela Fuentes, wala na akong nagawa, gusto ko mang gawan ng paraan ay baka ako naman ang ipapatay nila, pakiramdam ko ay wala akong karapatang makialam sa desisyon nila dahil galing lang naman ako dati sa baba" paliwanag ni lola. Napansin kong may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni lola.
Yung sakit na alam mong may pwede ka pang magawa pero natalo ko ng may kapangyarihan at pera.
Yung sakit na kaya mo pa sanang solusyunan pero dahil sa kapangyarihan ikaw ay naging talunan.
Yung masakit na katotohanan na sa bansa natin, pera ang labanan.
Pag mayaman ka, malaya ka. Pag mahirap ka, kahit nasa tama ka, makukulong ka.
Niyakap ko na lang si lola at nagpasalamat ako dahil sinagot niya ang tanong ko. Marami pa sana akong gustong itanong pero wag na lang, baka masyado ng mabigat ang dibdib ni lola. Baka mapano pa siya kapag binalikan niya ang ala ala ng nakaraan. Sa susunod ko na lang uli itatanong. Hinay hinay lang. Unti unti lang. Malalaman ko rin lahat.
~~~~~~~~~~~~~
Dito na ako nananghalian kila lola. Nandito ako ngayon sa balcony nila. Nag papahangin. Siya naman ay natutulog sa kwarto niya sa itaas. Nalulungkot ako kaya nama'y naisipan kong tawagan si karen, ilang segundo lang ay sinagot niya naman agad ito."sis kumusta? nakausap mo na ba si charles?" bungad ko sa kanya. Hindi ko alam, kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan ni Charles. Nasan na ba kasi yun?
"ako ba talaga kinukumusta mo o si charles?" pang aasar ni karen
"pwede both?" sabi ko naman at sabay kaming tumawa.
"aynako ka lyndi tigilan mo na yang si charles baka mapahamak pa kayo parehas" naging seryoso bigla ang tono niya
"sa tingin mo, bakit kaya ayaw ni mommy na makausap ko si charles? oo alam ko naman na ayaw niya kasing nakakalabas ako ng Las Villas, pero bakit bigla siyang pumayag na ikaw makausap ko basta wag lang si charles?" tanong ko sa kanya
Natahimik siya bigla.
"sis? dyan ka pa ba?" tanong ko uli, para masiguro na narinig niya ang sinabi ko
"ah..eh..ano, baka ano baka kasi syempre ano, bawal ka mag boyfriend ng taga baba diba, baka ano baka ayon ang...iniisip ni tita..ayaw niya lang naman siguro na...mapahamak kayo e...dahil alam niya ang patakaran dyan sa lugar niyo" sabi naman nito. E bakit parang nauutal siya? Pero baka tama siya. Baka nag hinala agad si mommy na may something sa amin ni charles kaya pinaiwas niya ito agad. Mahigpit nga naman kasing pinagbabawal yon, e bakit sila ni tito? Pag lalaki may chance na magkaron ng asawa na taga baba? Pag babae wala? Kasi si lolo Dennis at lola Melda rin e. Daya nama nila. Sila lang may freedom of choice? O baka kasi mas mapera sila.
Sandali lang kaming nagkwentuhan ni Karen. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nakausap ko siya. Makalipas ang isang oras ay nagising na si lola. Nagpahanda siya ng miryenda para sa amin. Palitaw ang pinaluto niya. Tapos nagpagawa siya ng calamansi juice.
Di na naman ako mapakali marami pa akong gustong itanong kay lola, kaso kakagising niya lang, guguluhin ko na naman utak niya. Next time na lang. Atleast kahit papaano ay may nalaman ako. Nalaman ko ang dahilan ng alitan ni tito at ng kapatid niya. Hindi nga lang nabanggit ni lola ang pangalan ng anak niyang pumanaw. Pero ayos lang, hindi ko naman na siguro kailangan pang halungkatin yon.
Nagkwentuhan na lang kami ni lola tungkol sa pagkabata niya at sa buhay niya sa ibaba. Parehas kami ng naging karanasan kaya parehas kami ng paniniwala na mas masarap at masaya mamuhay sa ibaba. Pero ewan ko rin, nung nasa ibaba ako pinapangarap ko rin makaranas ng buhay dito sa Las Villas, gusto ko rin masubukan maging mayaman. Akala ko kasi ay masarap ang buhay dito, hindi pala.
Ang hirap talaga kapag puro akala.
Okay naman dito e mabibigay lahat ng materyal na bagay na gusto mo. Mararanasan mo ang marangyang buhay pero wala kang kalayaang mag desisyon at mamili para sa sarili mo. Kakaiba yun mga pinapatupad dito. Para bang sinasabi na bawal ka sumaya.
Pagkaubos ng kinakain namin ni lola ay nagpaalam na akong uuwi. Mag ba-bike pa kasi kami ni syra. Nagpasalamat ako kay lola melda at hinatid niya naman ako hanggang sa gate nila.
~~~~~~~~~~~
Pag kauwi ko ay naabutan kong nag bibisikleta na si syra. Binabantayan siya ni nanay zen. Tuwang tuwa siya nang makita niya ako. Agad ko namang kinuha ang bisikleta ko at naglibot libot kami sa Las Villas.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...