CHAPTER 22

243 37 0
                                        

Sabado na naman. Panibagong araw para harapin at tiisin ang lungkot na paulit-ulit pinaparamdam sa akin ng mundo. Pero wala e, kailangan nating sumabay sa agos ng buhay dahil kung hindi, mas lalo lang tayong mahihirapan.

Nandito ako ngayon sa terrace. Nagmumuni-muni ako habang humihigop ng mainit na kape, saktong-sakto sa maulan at malamig na panahon.

Nasa loob si syra kasama si nanay zen. Nanonood na naman sila ng cartoons, hindi ko alam kung anong klase basta kanina pa siya nangungulit na samahan siyang manood. Pinagbigyan naman ni nanay zen ang makakapag pasaya sa bata.

Naaalala ko ang payak at simple naming buhay sa San Antonio noon. Nung mga panahong buo pa ang aking pamilya, masaya pa kami ni Jeff, masaya pa kami ni Syra at mama, buhay pa si papa, at hindi pa durog ang puso ko.

Nakakamiss balikan ang mga araw na gigising kang walang tinik na tumutusok sa puso mo at walang martilyong tila ba pumupokpok sa ulo mo.

Gigising kang puno ng dahilan para mag-patuloy sa buhay. Puno ng pag-asa, puno ng saya, puno ng pag-mamahal.

"anak gising naa nag-handa ako ng napakasarap sa almusal!" masiglang sabi ni papa.

Agad naman akong bumangon sa higaan ko at pag-labas ko ay nasa hapag-kainan na sila mama, papa, at syra. Nag- hilamos muna ako at saka nag-mumog bago makiupo kasama nila.

Pritong itlog, tuyo, kamatis at sinangag ang nakahanda sa lamesa. Amoy pa lang ng tuyo ay nakakabusog na.

Si papa ang nag-sandok ng pagkain ko at si mama naman kay syra.

"pasensya na anak ha ayan lang ang nakayanan ni papa, isipin niyo na lang fried chicken yan" sabi ni papa at saka tumawa.

"haynako, kahit ano basta mag kakasama tayo solve na, mga ngiti niyo pa lang nakaka busog na e" sagot naman sa kanya ni mama habang nakangiti.

They may not be the perfect couple but their relationship was my favorite.

"hayaan mo papa kapag nakapagtapos na ako, mag papayaman ako tapos araw araw masarap ang ulam natin promise" sabi ko naman.

"nako anak, wag mo pangarapin maging mayaman, pangarapin mong maging masaya sa ginagawa at sa magiging trabaho mo, kasi yung pera hindi mo madadala sa hukay pero yung makamtan mo yung tunay na kaligayahan at masulit ang buhay bago ka mamatay, ayon ang tunay na tagumpay" sabi ni papa.

Tama si papa. Hindi natin kailangan ng sobrang daming pera. Ayos na yung sapat na pang- gastos namin sa araw-araw. Ang mahalaga ay masulit namin ang bawat oras na magkakasama.

Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako at saka nag-ayos dahil may pasok.

Inihatid kami ni papa gamit ang tricycle niya tapos ay mamamasada na siya.

Nandito na kami ngayon sa paaralan. Kasama ko na sila Jeff, karen, jacob, troy, at ella. Kumpleto na naman ang barkada. Isang araw na puno ng tawanan at asaran panigurado.

"lyndi oh para sayo, sana magustuhan mo" sabi ni Jeff habang inaabot ang isang garapon ng stick-o na nakabalot sa crepe paper.

"ang taray naman ng design, salamat jeff" sabi ko naman sa kanya

Akala ko stick-o ang laman pero hindi pala. Love letter na naka-rolyo at iba't ibang uri ng tsokolate ang nasa loob. May flattoos, may cloud 9, may choco mucho, tapos mayroon pang mga jelly ace.

"sorry ha ayan pa lang ang kaya ng budget ko" sabi ni jeff habang kinakamot ang kanyang ulo na para bang nahihiya.

"huh? wala naman yan sa kung gaano kamahal yung binigay, nandon yan sa kung paano mag mahal yung nagbigay" sagot ko sa kanya.

Bigla namang nag- tilian ang mga kasama namin at nag- hampasan pa ang mga babae na para bang kilig na kilig. Taray may fans club na agad kami.

~~~~~~~~~
Uwian na. Pagkalabas ko ng school ay nakita kong nag-aabang na si papa sa akin at ang laki naman ng ngiti niya pagkakita niya sa akin. Para bang palagi siyang sabik na makita ako. Ang swerte ko sa papa ko.

Pagkauwi namin ay agad naman akong sinalubong ng yakap ni mama at hinalikan naman siya ni papa sa noo.

"may pasalubong ako sa dalawang prinsesa ko at syempre sa nag-iisang reyna ko" sabi ni papa na parang proud na proud siya.

Inihain niya sa lamesa ang pitong pirasong inihaw na isaw at limang sticks ng inihaw na dugo.

Sobrang simple pero malaking bagay para sa amin ito. Ang sarap kaya kumain ng inihaw lalo na kapag buong pamilya ang kasama.

"anak ano ng balita don sa manliligaw mong si jeff ba yon?" tanong ni papa habang kumakain kami.

Nagulat naman ako na medyo nahiya.

"uhm okay lang pa, binigyan niya po ako kanina ng garapon na may love letter sa loob at iba ibang mga candies at tsokolate" pagkkwento ko naman.

"ayos ah kakaiba din pala mag-effort yon no, ayos lang yan nak kahit nga wala munang ganyan ganyan e parehas pa naman kayong nag-aaral sa susunod na yang mga regalo na ganyan" sabi naman ni papa.

Napaka supportive niya talaga.

"basta anak sa pag-pili ng mapapangasawa, piliin mo kung san ka sasaya hindi yung kung saan ka yayaman, piliin mo yung kaya kang ipaglaban at ituring na prinsesa mula umpisa hanggang dulo, piliin mo yung hindi lang sa una magaling" payo niya

"opo pa don ako sa kung san ako sasaya at kumportable" tugon ko naman at saka nag patuloy sa pag-kain.

"lyndi iha ano gusto mong miryenda?" tanong ni nanay zen.

Nagulat naman ako bigla. Naramdaman ko na lamang na nag-uunahan na palang tumulo ang aking mga luha. Kanina pa pala ako naka-tulala habang inaalala ang tamis ng nakaraan.

Nakakamiss balikan ang mga panahong pakiramdam ko ay hindi ako pinagkakaitan ng kasiyahan at hindi pinagdadamutan ng lipunan.

Mga panahong ang pinoproblema lang namin ay anong uulamin para sa araw na iyon.

Hindi tulad ngayon, naging kumplikado na ang buhay ko.

Ang daming katanungan na hindi ko alam kung saan makukuha ang kasagutan.

Nasan na ba si Jeff? Bakit at paano malayang nakakalabas pasok si Charles dito sa Las Villas? Ano ang kasunduan ni tita Elaine Villa Cruz at ni papa? Ano ang naging dahilan ng aksidenteng nangyari sa akin? Ano ang pinangbayad utang ni tito Conrad kay papa na masamang gawain daw sabi ni lola?

"lyndi iha? ayos ka lang ba, nako umiiyak ka na naman" pag-aalala ni nanay zen.

Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.

"ayos lang ho ako, may naalala lang po nay" sagot ko naman.

"osiya tara na, kumain na tayo, palabok ang inihanda kong miryenda niyo"

"sige nay, susunod na po ako"

Pagkasabi ko nyan ay pumunta na ako sa dining room para kumain kasabay sila nanay zen at syra.

Balang araw makakamit ko rin ang katotohanan at kasagutan sa aking mga katanungan.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon