CHAPTER 49

214 20 1
                                    

*After 6 months*

Maayos na ang kalagayan ni Charles. Nung mga nakaraang buwan ay patuloy pa rin ang pag- punta namin sa ospital para tiyakin na maayos ang kalagayan at kalusugan niya. Naging masaya rin ang relasyon namin, wala ng gaanong problema, wala na ring hadlang. Marami na rin kaming napasyalan dito sa Pilipinas gaya ng Cebu, Davao, Cavinti, Batangas, Bacolod at Baguio. Sobrang enjoy naming dalawa, minsan kasama pa namin si Syra, mama at tita Lorna. Walang naka- abang na kapahamakan sa amin kaya malaya kaming nakaka- gala at nagiging masaya.

Buti na lang kumapit at nag- tiwala kami, kasi pag- tapos ng lahat ng sakit at pag- hihirap, labis na saya at ginhawa ang kapalit.

Minsan kailangan lang talaga nating maranasang matumba, madapa, masaktan at mahirap para sa muling pag- tayo at pag- bangon natin, mas matatag, malakas, at masaya na tayo.

Iba gumalaw si Lord, minsan akala mo patuloy ka niyang pinapahirap, ayun pala may mas malaking plano siyang naka- handa.

Minsan akala natin gusto niya tayong pabayaan at saktan pero ang totoo, may inihahanda siyang labis na kasiyahan pero kailangan muna nating mahirapan para makamit ang ginhawa na dapat nating makamtan.

Nandito ako ngayon sa kusina, nag- luluto ako ng sinigang na hipon at ginisang tahong, tapos sarsiadong dalagang bukid. Si mama at Syra naman ay nasa sala, nanonood habang nag- kkwentuhan at kumakain ng popcorn na niluto ko.

Ang sarap sa pakiramdam yung ganito. Gigising kang walang problema na inaalala o kinatatakutan, ang sarap mabuhay pag alam mong may isang tunay na nag- mamahal sayo, may pamilya kang mahal ma mahal ka at puro kasiyahan ang nag- hihintay sayo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nalagpasan mo na yung pinaka masakit at mahirap na yugto ng buhay mo.

Sa wakas, nilubayan na ako ng kalungkutan at patuloy nang niyakap ng kasiyahan.

Gigising sa umaga na inspired, kuntento at inlove, matutulog sa gabi na may peace of mind, and genuine happiness sa puso. Ang focus namin ngayon ay pamilya, relasyon namin, mga bagay na noon ay hindi namin nagawa mga bagay na plano pa naming gawin at mga pangarap na sabay naming tutuparin.

~~~~~~~~~~~
Tapos na kaming kumain, naka- ligo na rin ako. Nag- susuklay ako ngayon ng buhok dito sa garahe namin, ang init kasi sa loob ng bahay.

Papasok na sana ako uli sa loob nang biglang may kumatok sa gate kaya binukan ko ito.

Nakita ko si Charles, naka plain blue shirt at naka maong pants.

Sa tuwing nakikita ko siya ganon pa rin yung pakiramdam, katulad nung pakiramdam ko nang mapag- tanto ko na nahuhulog na pala sa kanya ang loob ko.

Yung pamumula ng pisngi ko at pagka- sabik ng puso ko ganon pa rin. At alam kong hindi mag- babago ito.

Hinalikan niya ko sa noo at binigay ang mga pagkain na binili niya sa Mcdo.

"Hi love tuloy ka, nag- text ka ba na pupunta ka?" tanong ko sa kanya.

"wala, may bibigay lang sana ako sayo" sagot niya.

Tumuloy na siya sa bahay, nandito kami ngayon sa terrace.

"love mag- handa ka na mamayang gabi, aalis tayo" sabi niya.

"ha? saan tayo pupunta?" tanong ko naman.

Inabot niya sa akin ng plane ticket, trip to Palawan. Napa- sigaw at napa- talon naman ako sa sobrang tuwa. Isa sa mga gusto kong mapuntahan ang Palawan kaso wala akong oras.

"GRABE MAHAL ONE OF THE BEST GIFT EVER TO" sabi ko at niyakap siya.

"sorry ha hanggang Pinas muna tayo, busy pa eh next time outside the country na" sabi niya naman.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon