Papunta kami ngayon ni Karen sa supermarket. Mamimili kami ng mga pagkain na babaunin at iba pang gamit na kakailanganin para sa outing namin, gusto ko kasi i- treat ang mga empleyado ko sa effort na ginagawa nila para sa company.
"bes sama natin si charles sa outing" sabi ni Karen habang nag- mamaneho ako.
"baliw hindi pwede may sakit ah" sagot ko naman sa kanya.
"ay oo nga pala sana gumaling na siya no?" sabi niya naman.
Sana nga gumaling na, sana gumaling pa.
Nandito na kami ngayon sa supermarket.
"ano masarap ulamin para sa outing?" tanong ko kay Karen.
"yung paborito ni Charles" sagot naman niya.
"hindi naman ako pwede ulamin" sabi ko at sabay kaming tumawa.
"shanghai, barbecue, adobo, tas picadillo na lang ang ihanda natin" sabi ko kay Karen.
"ayoko ng picadillo" pag- kontra niya.
"di lang naman ikaw kakain sis" sabi ko sa kanya at inirapan niya ako.
"puro baboy yung ulam wala man lang gulay o manok" sabi niya.
"o e bakit yung manok naman ang aadobo natin" sabi ko nama sa kanya.
Matapos ang ilang minutong kontrahan ay pumayag na rin siya sa gusto ko.
Namili rin kami ng plastic cups, utensils, at mga paper plates, mayroon ding tissue at bumili ako ng mga tupperware.
Bumili rin kami ng pang- salad para naman may dessert kami.
"kain tayo jollibee" sabi ni Karen.
"mcdo na lang" sabi ko naman.
"panget din panget ng lasa ng fried chicken" sabi niya.
"kesa naman sa jollibee walang lasa yung fries" sabi ko naman.
"atleast yun manok don sulit" sagot niya.
"manok lang naman masarap don" sabi ko at umirap na naman siya.
Bumili ako ng bff fries, mcfloat, mcflurry, at rice chocolate pie sa Mcdo at bumili naman si Karen ng chicken with rice at spaghetti namin sa Jollibee. Sa foodcourt na lang kami kumain.
"tingin mo hahaba pa ang buhay ni Charles?" tanong ni Karen sa akin.
Kinabahan at nasaktan ako sa tanong niya.
"oo naman, gagaling yon, mag- papagaling yon" sagot ko.
"yun lola ko kasi ganon din ang naging sakit tapos after one month nawala na, hindi na kinaya" sabi niya.
"kakayanin ni charles yon, alam kong kaya niya" sagot ko.
"bat ka umiiyak?" tanong niya sa akin.
"kasi...hindi ko naman...kaya na... mawala...si Charles" sabi ko habang humihikbi.
"bes hindi naman sa ano pero kung ako sayo, tanggapin mo na tanggapin na natin na posibleng hindi na siya mag- tagal dito" sabi ni Karen kaya mas naiyak naman ako.
"hindi karen...hindi...hindi...ako...iiwan ni...Charles... hindi pa... siya... pwedeng mawala" sabi ko habang tuloy- tuloy sa pag- iyak.
Tinabihan ako ni Karen at niyakap.
"nawala...na si papa... si tito rin wala...na...hindi...ko...kakayanin... kung lahat na lang....ng....importanteng lalaki sa... buhay ko ay....mawawala" dagdag ko sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiksi UmumI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...