CHAPTER 24

228 33 1
                                    

"anong room daw ba si gemma?" tanong ni karen kay ella.

Nandito na kami sa Saint Michael Hospital. Bumili muna kami ng tinapay at saka ilang prutas sa bayan bago tumungo dito.

"room 311 daw sabi ni mama niya" sagot ni ella

Pagkasabi niya nyan ay agad na kaming sumakay sa elevator para mapuntahan si gemma.

~~~~~~~~
"salamat naman mga anak at naka dalaw kayo" bungad sa amin ni tita Jenny, mama ni gemma.

"opo tita hindi pwedeng hindi namin puntahan si gemma" sabi naman ni karen

"kumusta ka na gemma? kumusta pakiramdam mo?" tanong ko kay gemma

"pabalik balik pa rin ang lagnat ko at patuloy pa ang pag baba ng platelets ko" matamlay niyang sagot.

"dito muna kayo mga anak may bibilhin lang ako gamot ni gemma ha at kukuha ako ng gamit namin sa bahay" sabi ni tita jenny at saka siya umalis.

"grabe nag- abala pa kayong mag dala ng mga pagkain salamat ha" sabi ni gemma.

"luh sino nag sabing libre yan? may bayad yan!!" pang-iinis ni troy at sabay silang tumawa ni Jacob.

"magkano ba?" tanong ni gemma

"hindi pera, ikaw lang sapat na" sabi ni troy at mas lalo nilang nilakasan ang tawa nila.

May namumuo yatang pag- ibig sa dalawang to. Hindi ako updated kasi hindi ko naman sila madalas makasama gaya ng dati.

"hoyy ano meron?" tanong ko sa kanila.

"saka na namin ikkwento pag nag- paligaw na si gemma" sabi naman ni troy.

So gusto nga niya talaga si Gemma. Nakakainggit naman. Kung nandito sana si Jeff edi sana dalawa na ang couple sa tropahan namin.

" kayo naman karen at jacob ano plano niyo? " pang-aasar ko sa dalawa.

Nagkatinginan naman sila. Ang cute nakakainggit.

" pag mayaman na ako at saka ko liligawan yan si karen" sabi ni jacob

"as if magpaligaw ako sa manlolokong gaya mo!" sagot naman ni karen at natawa naman kaming lahat.

May pagka play boy kasi si Jacob. Palibasa gwapo kaya ginagamit sa pambababae.

Pero kahit na. Handsome face will never be a license to cheat on someone and play with their feelings.

Buti pa si Jeff, gwapo na loyal pa. Kaso ghost yata nawala bigla e. Nagising na lang ako wala na siya. Hindi man lang naisipang mag-paramdam. Ganon lang ba kadali sakanya kalimutan ako?

"sis inom ka gatorade at tska kain ka itlog ng pugo, nakakatulong yon sa pagpapataas ng platelets mo" sabi ko kay gemma.

Na-dengue rin kasi ako nung grade two pa lang ako. At napagaling ako ng gatorade at itlog ng pugo, pero syempre sa tulong din ng Doctor.

" hindi naman ako kumakain ng pugo sis!" pag rereklamo neto

"ang arte mo naman ngayon lang e para gumaling ka!"  sabi naman ni karen sa kanya.

Mga isa't kalahating oras na kaming nag-kkwentuhan. Binuksan rin namin ang ibang chichirya na binili namin sa bayan at saka ito kinain. Maya- maya ay dumating na si tita Jenny.

"salamat sa pag -hihintay mga anak ha" sabi neto.

"anything for my princess tita" sabi ni troy

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon