CHAPTER 34

199 25 0
                                    

Ang aga kong nagising ngayon. Pag- mulat ko ng mga mata ko ay nakita ko Syra na may hawak na baribie doll.

Nakangiti siya sa akin. Napatayo naman ako kaagad at niyakap siya.

"baby girl akala ko hindi na kita makikitaa!" sabi ko habang naka- yakap sa kanya.

"ate pwede ba tayo manood o mag- laro?" tanong niya.

"baby may work si ate marami akong kailangan asikasuhin ngayon" sabi ko sa kanya.

Bigla namang lumungkot ang reaksyon niya.

"sana pala hindi na lang ako bumalik" sabi niya at nagulat naman ako. Binuhat ko siya papunta sa kama ko.

"bakit? ayaw mo na ba kay ate?" tanong ko sa kanya.

"ikaw ang may ayaw sa akin ate, mahal mo lang ako kapag may masamang nangyayari sa akin, dati may ginawa sa akin si tito, pinansin mo ako pagkatapos nun wala na naman, ngayon nawala ako nag- alala ka pero pag- balik ko busy ka na naman" sabi ni Syra.

Nasaktan naman ako sa sinabi ko at niyakap ko siya.

"baby girl sorry sorry babawi si ate ha" sabi ko habang umiiyak.

Tumalon siya mula sa kama at akmang aalis pero pinipigilan ko siya.

"BIATAWAN MO AKO I HATE YOU ATE" sigaw niya at tumakbo palayo. 

Hahabulin ko sana siya kaso biglang...

"iha lyndi umakyat ka na sa kwarto mo doon ka na mag- pahinga" sabi ni nanay zen.

Nakatulog pala ako dito sa kusina habang naka- yuko sa lamesa. Nasa kamay ko ang cellphone ko. Naka- idlip ako kakahintay ng tawag o balita tungkol kay Syra. Pero wala. Wala pa rin.

Naalala ko yun mga sinabi ni Syra sa panaginip ko at hindi ko napigilang mag- wala. Umiyak ako nang malakas. Sinipa ko ang upuan sa tabi ko habang sinasampal ang sarili ko.

"napaka pabaya kong ateee napaka pabaya ko sana ako na lang yung nawala!!" sigaw ko habang sinasampal ang sarili ko at umiiyak.

"iha kumalma ka na jusko" mangiyak- ngiyak na sabi ni nanay habang inaawat ako.

"nay sana ako na lang yung nawala tutal galit naman yung mundo sa akin e tamo puro sakit ang binibigay sa akin, deserve ko to kasi pabaya ako wala akong kwenta" sabi ko habang umiiyak. Nakayakap lang si nanay zen sa akin, umiiyak na rin siya.

Nanghihina na ako pakiramdam ko malapit na akong bumigay. Ang dami kong naririnig na bumubulong sa akin at sinasabing deserve ko lahat ng sakit deserve ko tong nararanasan ko.

"GAWIN NIYO LAHAT NG MAKAKAYA NIYO BINABAYARAN KO KAYO PARA KUMILOS!" sigaw ni tito sa kausap niya sa phone.

Kakauwi pa lamang nila ni mama. Alas dos na ng madaling araw.

"AYUSIN NIYO TRABAHO NIYO HA WAG NIYO SAYANGIN PERA KO" sigaw niya uli.

"tito ano ba? may problema na nga tayo oh maging mabait ka naman sa mga tumutulong" sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin. Nilapitan naman ako ni mama. Nahalata niya sigurong kanina pa ako umiiyak. Hinahaplos niya ang likod ko.

Tinignan ako nang masama ni tito.

"wag mo ko utusan, nammroblema rin ako" sabi niya.

"nammroblema ka na nga pang- demonyo pa rin yang ugali mo!" sigaw ko sa kanya.

Hindi ko alam pero para bang galit na galit ako sa lahat kasi ginagago ako ng mundi.

"TALAGA? E BAKIT HINDI MO SISIHIN YANG SARILI MO? MASYADO KANG ABALA SA KAKAISIP PAANO AKO PATUTUMBAHIN TIGNAN MO NANGYARI SA KAPATID MO NAPABAYAAN MO MAKASARILI KA KASI" sigaw niya habang dinuduro ako.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon