~~~~~~~~~~~~~
Isang buwan na lang at ga graduate na ako. Inihahanda ko na ang sarili ko para sa mga planong binabalak ko laban sa mga Dela Fuentes.8th Birthday din ngayon ni syra kaya naman ay icecelebrate namin ito dito sa isang event's place sa Las Villas. Maraming pinapunta si tito na hindi naman namin kilala. Marami rin namang mga bata ang dumalo. May clown din at syempre, iba't ibang mga palaro. Natutuwa akong makita na nag eenjoy ang kapatid ko. First time niya kasi mag celebrate ng birthday na may ganito karaming tao at handa tapos ang bongga pa ng venue. Dumalo rin ang pamilya ni tito Conrad at pamilya nila Carl.
"okay so bago matapos ang birthday party ni syra ay itanong naman natin kung ano ang kanyang birthday wish, syra, ano ba ang wish mo ngayong birthday mo?" tanong sa kanya ng isang clown.
"wish ko po, na sana po, maging happy na po kami uli ni ate at mommy, palagi po kasi silang sad e kaya sad din po ako"
Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni syra. Natouch ako sa sinabi niya dahil nag wiwish siya para sa akin pero kinabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba na sinabi niya ito sa maraming tao.
"ay palagi bang sad sila ate? bakit sila sad?" tanong uli ng clown
"syempre isang Dela fuentes ba naman ang makasama mo sa bahay e sinong hindi masasakal"
Nagulat kami nang may biglang magsalita mula sa likod. Hindi ko siya kilala. Hindi rin pamilyar ang mukha niya pero mukhang medyo may edad na ang lalaki.
"manahimik ka salot!" sigaw sa kanya ni tito.
Pagkasabi niya noon ay dinabog ng lalaki ay mga silya at lamesa, tinabig niya rin nang malakas ang mga inumin na nasa lamesang nasa harap niya. Nagkagulo ang mga tao. Sa tingin ko ay medyo nakainom na ang iba dahil kanina pa sila nag iinuman sa likod habang naglalaro ang mga bata.
Agad kong pinuntahan si syra at hindi na namin alam ang nangyayari sa likod basta alam lang namin na marami ang umaawat at marami din ang nakikigulo. Panay sigawan at mga nababasag na kagamitan ang naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tawagan si Charles, siya ang naiisip ko sa tuwing nararamdaman kong hindi ako ligtas.
"lyndi asan ka? bakit ang ingay anong nangyayari ayos ka lang ba nasan ka?" pag aalala neto. Naririnig niya siguro na may kaguluhang nagaganap.
"charles nag aaway away kasi sila tito at iba pang mga tao dito sa event's place sa las villas, kaarawan kasi ni syra e natatakot na nga kami e may mga lumilipad na babasagin pinggan at iba pang gamit" sabi ko habang umiiyak.
Natatakot na kasi talaga ako. Pakiramdam ko ay may mamamatay o may mapapahamak sa nangyayari. Ayaw ko kasing nakakakita ng ganito, ng mga taong nag aaway, nag sasakitan, nag babatuhan. Hindi ba pwedeng tahimik lang? Masaya lang? Hindi ba pwede yon? Mahirap bang maging mabuting tao?
Nakita ko si mama na inaawat si tito pero bigla niya itong tinulak nang malakas.
"MAAAAAA!" sigaw ko at saka tumakbo papunta sa kanya, natumba kasi siya sa lakas ba naman ng tulak e.
" wag kayong mangingialam dito mga hampaslupa lang kayo dati at kumakapit lang kayo sa akin kaya wag niyo kong pakialaman!!" sigaw sa amin ni tito habang niyayakap ko si mama. Hindi ako makapagsalita agad dahil napapahiya ako at tuloy tuloy ang pag iyak ko.
" bad ka talaga tito justin! bad ka! bad bad!" sigaw ni syra habang umiiyak.
Napahiya si tito kaya susugudin niya na dapat si syra nang bigla ko siyang pinatid kaya naman nadapa siya.
Pagkadapa niya ay agad siyang humarap sa akin at saka binunot ang baril sa bulsa niya at itinutok sa akin.
Natakot ako lalo. Wala naman akong laban. Lakas ng loob lang ang dala ko, wala akong ibang sandata.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...