CHAPTER 5

523 176 1
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko agad si mommy na nakaupo sa sofa. Himala hindi siya busy ngayon. Nagbabasa lamang siya ng dyaryo habang umiinom ng kape. Alas 8 na ng gabi. Kadalasan pag ganitong oras ay nasa kwarto na siya o kaya nama'y nasa opisina pa. 

Nung napansin niya na dumating na ako ay agad siyang tumayo at tumingin sa akin nang masama. Kinabahan naman ako, alam kong makakatanggap na naman ako ng di magagandang salita.

  " Are you that stupid to go out of this town without my permission? Are you testing my patience lyndi?" galit na tanong niya 

Hindi ako sumagot. Naiiyak ako. Paano niya nalaman na bumaba ako at lumabas ng Las Villas?

"You are brave enough to violate the rule of this town but too coward to answer my question" dagdag niya sa sinabi niya

Malamang sa mga security guards niya nalaman na bumaba ako.

"Dinadamay mo pa ang lola melda mo sa mga kalokohan mo sa buhay. Wag mo na uuliting bumaba, iba na ang buhay mo. Hindi mo na sila katulad. Nasa taas ka, nasa ibaba sila. Hindi tayo bababa sa lebel nila. Tandaan mo ang sinasabi ko. Umakyat ka na sa kwarto mo, aalis ako mag kikita kami sa restaurant ng mga amigas ko. Don kami mag didinner. This will be the last time that you will do this or else, I will confiscate your gadgets and lock you inside your room for a month". matapang na sinabi ni mommy bago siya umalis.

Ibang iba na talaga si mommy. Ang liit ng tingin niya sa mga taga labas. Hindi ba niya naisip na doon kami galing? Doon kami nag simula. Doon kami naging masaya. Doon ko naramdaman ang pagmamahal niya bilang ina. Kasi ngayon, di ko na alam. Ibang iba na siya. Di man lang niya maisip bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni papa. Sinilaw masyado ng pera. Nagpasilaw naman.

~~~~~~~~~~~

Nasa loob na ako ng kwarto. Nakapag half bath na ako. Nakahiga na ako at matutulog sana ako ng maaga ngayon dahil pagod ako buong araw pero may biglang kumatok sa pintuan. Tumayo naman ako agad para buksan yon

"Don't you dare to do it again lyndi. I heard everything that your mother said to you a while ago. Remember this, once you violate the rule, I will get a prize" sabi ni tito Justin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, tingin na para bang gusto na niya kong hubadan, tingin na manyak.

Isasarado ko na dapat ang pinto pero tinulak niya ito nang malakas na naging dahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Binuhat niya ako at inilagay sa kama. Inilapit niya ang mga labi niya sa labi ko at sinabing...

"This is my house, so follow my rule. Everything and everyone inside this house are mine."

Nakapatong siya sa akin habang sinasabi yan. Napaka manyak talaga netong hayop na to. Natatakot ako pero nilakasan ko ang loob ko.

Sinipa ko ng malakas ang ari niya kaya napa atras siya at namilipit sa sakit.

"Yes this house is yours, but my body will never be yours, stupid!!" matapang kong sinigaw sa kanya yan

Tinignan niya ako nang masama pero namimilipit pa din siya sa sakit. Kulang pa nga yan e. Dapat sa mga kagaya niya pinuputulan ng ari. Kasal na nga siya sa mommy ko e gusto pa niya ko pag samantalahan?

Nung nakatayo na siya ay lumabas na siya ng kwarto. Tinignan niya lang ako nang masama bago isara ang pinto. Wala na siyang kahit ano na sinabi.

Matagal na niyang balak galawin ako. Pero hindi niya matuloy, hindi kasi ako pumapayag, nilalabanan ko siya. Hindi ko masumbong kay mommy dahil di naman maniniwala iyon. At kung maniwala man ay baka maging dahilan ng matinding away nila at baka si mommy pa ang mapahamak.

Nagmula si tito Justin sa pamilyang Dela Fuentes. Mayayaman at matatapang. Kaya ka nilang ipapatay nang walang makakaalam.

Ang mga sumusubok na kalabanin at patumbahin ang negosyo nila ay kanilang pinapapatay. Ang mga taga baba na nagugustuhan ng mga anak nila, ipapadampot din nila para pahirapan o kaya naman patayin. Ginagawa nila iyan para masiguro na hindi lalabas ang yaman nila. Para ang dugo, lahi, at pera nila ay sa mga taga Las Villas lang iikot. Hindi ko alam kung bakit si mommy ang nagustuhan niya. Oo maganda ang nanay ko, mabait, at matalino. Pero hindi kami dugong bughaw kaya nagtataka ako kung bakit patay na patay siya sa nanay ko. 

Naniniwala naman akong mahal niya si mommy kasi pinaglaban niya talaga ito sa pamilya niya. At tinanggap din nila si mommy dahil matalino at madiskarte ito, malaki ang naitutulong sa pagpapatakbo ng negosyo.

~~~~~~~~

Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang narinig kong umiiyak ang kapatid ko. Agad naman akong bumangon at pinuntahan siya sa kwarto niya. Pagpasok ko ay kasama niya si nanay Zen.

"Nay ano po nangyari kay syra? Bakit po siya umiiyak?" tanong ko

"Nilalagnat kasi. Kanina pa mataas ang lagnat niya, napainom ko na ng gamot kanina pero hindi pa rin bumababa." sagot naman ni nanay zen.

"Ay ganon po ba, sige nay, matulog na po kayo. Ako na po bahala mag bantay sa kanya. " sabi ko naman uli.

Gusto kong bumawi sa kapatid ko. Pitong taon pa lang siya, apat na taon pa lang siya nung napunta kami dito sa Las Villas kaya siguro hindi kami parehas ng nararamdaman na gustong makabalik sa labas. Masaya siya dito. May gadget, may wifi, naka aircon, at lahat ng gusto niyang kainin ay pwede at lahat ng i request niya ay mabibigay. E ako kasi sa labas na ako lumaki. E siya, dito pa lamang lalaki. Ako ang magbabantay sa kanya ngayong gabi. Babawi ako sa kanya, palagi na lang kasing si nanay zen ang nag aasikaso sa kanya. Busy kasi ako palagi o kaya naman ay madalas akong mag mall para makatakas sa kalungkutan. Kaya sa mga kasambahay siya palagi naiiwan.

Pinatulog ko na si syra, hinahaplos ko ang buhok niya para makatulog na siya. Natulog na rin ako agad nung napansin ko na mahimbing na ang tulog niya.

~~~~~~~~

Maaga akong gumising para ipag handa ng pagkain ang kapatid ko at mapainom na siya ng gamot. Chineck ko rin ang temperature niya bumaba na ang lagnat niya from 39 to 37. May lagnat pa rin siya pero buti ay bumaba na. Nag presenta ako na ako ang magluluto ng almusal. Nag luto ako ng pancake at hotdog, tapos sinangag ko naman yung kanin na natira kagabi. Dinamihan ko na ang luto para makakain na rin sila nanay zen at iba pang kasambahay.

Si mommy at tito umalis na naman as usual. Busy na naman sa trabaho. Palagi naman, wala ng bago.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon