Nagising ako at chineck ko ang oras. Alas dos pa lamang ng madaling araw. Naalala ko na naman ang ginawa ni tito kay syra. Hindi ko matanggap. Gusto ko na aksyunan pero hindi pa pwede. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa sa ngayon. Umiiyak na naman ako.
Hinanap ko yun wallet ko dahil doon ko tinatago ang papel kung saan nakasulat ang phone number ni karen at ng mga kaibigan ko na taga labas. Sa sobrang higpit kasi ni mommy ay palagi niyang chine check ang cellphone ko at tinitignan ang fb ko para masiguro na wala akong fb friend na taga labas tulad nila karen. Kaya naman sinulat ko na lang ang phone number nila sa papel para sa tuwing gusto ko silang makausap ay saka ko lamang sila tatawagan.
Tinatawagan ko si karen. Sana ay sagutin niya ang tawag ko kahit ganitong alanganing oras.
"hello bes" sabi ni karen at halatang naistorbo ang mahimbing niyang tulog. Pagkarinig ko ng boses niya ay hindi ko napigilang umiyak. Gusto ko siyang yakapin gusto kong maglabas ng sama ng loob sa kanya.
"huy lyndi asan ka? ano nangyari sayo bakit ka umiiyak?" pag aalalang tanong ni karen
Kinuwento ko sa kanya lahat. Naiyak din siya sa nalaman niya. Nag aalala daw siya para sa amin ni syra, hindi raw kami ligtas dito. Cinomfort niya ako at pinalakas ang loob ko. Sobrang blessed ko talaga kay karen. Yung mag laan siya ng oras para pakinggan at damayan ako ay napakalaking tulong na sa akin. Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob at bigat na dinadala ko. Pagkatapos naming mag usap ay tinuloy ko na ang tulog ko.
~~~~~~~~~
Alas 9 na ng umaga nang magising ako. Bukas na ang TV, nanonood na si syra ng cartoons. Sabi niya ay umakyat daw dito si nanay zen kanina at dinalhan siya ng pagkain, binuksan na rin ni nanay ang TV para sa kanya.
Chineck ko naman ang cellphone ko at may nagtext sa akin na unknown number.
"Hello goodmorning. Alam kong malakas ka, malalagpasan mo rin lahat ng yan, ikaw pa ba. Paka tatag ka palagi at syempre samahan mo ng dasal. Ngiti ka palagi kahit maraming problema, ngiti at dasal ang pinakamatibay natin na sandata" ayan ang laman ng message niya.
Tinignan ko naman yung papel kung saan ko sinulat ang number ng mga kaibigan ko para hanapin kung isa ba sa kanila ang nag message nito. Pero wala, walang katulad ang number na ito sa mga number na nakasulat sa papel.
Naalala ko bigla si Jeff. Dati, siya ang palaging nag papaalala sa akin na ngumiti kahit mahirap at mag dasal palagi. Kahit ano daw ang problemang dumating ay idaan ko lang daw sa ngiti dahil simbolo ito na kaya ko at kakayanin ko ang pinagdadaanan ko.
Pero imposible namang si Jeff to. Paano niya naman malalaman na di ako okay, e wala na nga daw silang communication ni karen at iba pa naming mga kaibigan.
Pero napangiti ako sa message na iyon at napagaan nito ang loob ko.
"Ay hello salamat sa message mo ha. Sorry hindi naka save ang number mo, pwede ka ba mag pakilala?" reply ko naman sa text niya.
Bumaba muna ako para kumuha ng almusal. Syempre wala na naman sila mommy at tito. Binilin na lang daw nila kay nanay zen na tatlong araw silang mawawala para mag bakasyon at makapag pahinga.
Pag akyat ko may dala na akong champorado. Sakto at medyo tag ulan na din. Tinignan ko ang cellphone ko pero wala pa ring reply yun nagtext kanina.
Nanonood kami ng cartoons ni syra habang kumakain ako ng almusal. Pag tapos ko kumain ay nag aya si syra na mag swimming kami. May pool kasi kami dito sa bakuran. Pumayag naman ako, tutal maayos naman na ang pakiramdam ni syra.
Tuloy ang kulitan at kwentuhan namin ni syra habang naliligo sa pool. Nag iihaw na rin ng liempo sila nanay zen para sa lunch namin. Inaya din namin silang mag swimming, ayos lang na mag enjoy sila dahil wala naman sila tito.
![](https://img.wattpad.com/cover/225898487-288-k13105.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Fiction généraleI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...