Nandito ako ngayon sa kwarto ni Charles. Naka- oxygen siya. Hindi pa rin siya nagigising, ang sakit sakit niya tignan.
"Charles laban ka ha, wag ka mag- alala handa akong mag- sakripisyo mabuhay ka lang, kasi itong buhay ko na to, dahil to sayo" sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.
"hindi ko alam kung paano ako mag- papasalamat sayo sa paulit- ulit mong sakripisyo, mula noon hanggang ngayon, hindi ka nag- bago sobrang totoo mo mag- mahal salamat isa ka sa pinaka paborito kong biyaya" dagdag ko pa at saka ko siya niyakap habang umiiyak ako.
Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang kamay ko kaya binangon ko ang ulo ko. Naka- dilat na siya.
"mahaaal? mahal gising ka na salamat naman sa Diyos sabi ko na e hindi mo ako iiwan!!" sabik kong sabi at hinalikan ko siya sa noo. Nginitan niya naman ako at niyakap.
Sobrang bait ng Diyos sobrang nabuhayan ako ng loob.
Ang sarap sa pakiramdam kapag nawawalan ka na ng pag- asa tapos biglang gaganahan ka bigla kasi yung pinag- dadasal mo tinupad na. Yung akala mo huli na ang lahat pero hindi pa pala, may plano ang Diyos, ang dapat lang natin gawin ay mag- tiwala.
Maya- maya ay may pumasok sa room ni Charles na mga lalaking tumutugtog ng violin.
Make it with you ang kanta, may nag- abot sa akin ng tatlong rosas tapos limang lobo na iba- iba ang kulay. Ang isa naman ay may hawak na banner na may naka- lagay na
"I love you always"
Tumingin naman ako kay Charles, ngumiti siya at muli akong niyakap.
"sana kahit nang- hihina na ako napasaya kita" sabi niya.
"you never failed to make me happy but I will become happier if you will still have the chance to live and love me longer" sagot ko naman.
"kahit sumakabilang buhay na ako, ipaparamdam ko pa rin sayo ang pag- mamahal ko" sabi niya.
"hangga't nabubuhay tayo hindi ako mag- sasawang alagaan at mahalin ka, kahit mamatay na ako ikaw lang ang laman ng puso ko walang iba, mula noon hanggang ngayon walang iba" dagdag pa niya.
"you are my life saver, you are my favorite hero, and will always be my greatest love" sabi ko naman sa kanya.
"you are my reason to live but if I die because of saving you, I will be the happiest angel in heaven because I did everything for my princess" sagot niya sa akin.
Sobrang perpekto mag- mahal ni Charles. Sana lahat ng babae may partner na kagaya niya, para lahat sana pinapahalagahan at tinatrato ng tama.
Ang sarap sa pakiramdam na may handang mag- sakripisyo para sayo. Ang saya isipin na may isang taong handang gawin ang lahat para sayo.
Nagulat ako nang biglang mag- ring ang phone ko. Pag- mulat ko ng mga mata ko hinanap ko si Charles pero wala, nandito ako ngayon sa kwarto ko, naka- higa mag- isa. Dito na kami sa San Antonio naka- tira, sakto lang ang bahay namin malaki pa rin naman ang binili ni mama pero hindi na kasing laki ng sa Las Villas. Bumangon ako at sinampal nang mahina ang sarili ko, nanaginip na naman pala ako. Hindi pala totoong gising na si Charles, pero sana sa pag- kakataong ito magising pa siya, mabuhay pa siya at magkaroon pa ng pag- asa ang pag- mamahalan naming dalawa. Nag- ring na naman ang phone ko kaya sinagot ko ito.
"bes good morning, san meeting place?" tanong ni Karen.
"sa may 7/11 sa bayan na lang sis" sagot ko sa kanya
"sige bye see you!" sabi niya at saka binaba ang tawag.
Aalis kasi kaming mag- kakaibigan ngayon, treat ko, ako ang nag- aya. Pupunta kami sa Enchanted Kingdom tapos ay dederecho kami sa Luneta mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...