CHAPTER 35

196 24 2
                                    

Isang linggo na naming hinahanap si Syra pero wala pa rin talaga. Nawawalan na ako ng pag- asa pero kailangan kong mag- patuloy para sa kapatid ko.

Nandito ako sa simbahan ng San Antonio ngayon. Kasama ko si Rayo, si mama, at si tito. Si karen ay abala sa kumpanya, kaya hindi na muna sumama sa amin.

"Panginoon ko alam ko pong alam ninyo na unti- unti na akong pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag- asa. Kung nasaan man po ang kapatid ko nawa'y gabayan niyo siya at iligtas sa panganib. Patawarin niyo po ako sa mga naging pag- kukulang ko sa kanya. Kung bibigyan niyo ho kami ng pag- kakataong mag- kasama muli ay sinisiguro ko hong babawi ako sa kanya. Sana po ligtas siya. Bigyan niyo pa po kami ng lakas para mag- patuloy sa pag- hahanap. Itinataas ko na po ang lahat sa inyo Amang makapangyarihan na may gawa ng lahat, amen." panalangin ko habang umiiyak.

"kumain na muna tayo para may lakas tayo buong araw" sabi ni tito.

"tito hindi mo ba muna uunahin ang kumpanya mo?" tanong ko sa kanya. Sa aming lahat kasi, halos siya ang pinaka pagod. Gigising ako wala na siya, uuwi akong wala pa siya.

"aanhin ko ang mapapala ko sa kumpanya kung mawawala naman si syra" malungkot niyang sabi.

"andon naman ang mga tauhan ko, alam kong kaya nila magagaling sila e" dagdag pa niya.

Sa isang karinderya na lamang namin napagkasunduang kumain.

"lyndi patawarin mo ko ha, kundi dahil sa pagiging makasarili ko sana hindi na umabot sa ganto, sana maayos lang ang buhay niyo dito sa ibaba" sabi ni tito habang kumakain kami.

"aminado ka rin pala na ikaw ang puno't dulo netong lahat" sabi ko naman sa kanya.

Yumuko muna siya bago mag- salita.

"oo pinagsisisihan ko na lahat ng kasamaan ko, kasi nag- tatagumpay nga ako pero hindi naman ako sumasaya at nawawalan ako ng taong mag- mamahal sa akin" sabi niya.

"sana noon mo pa yan naisip" mataray kong sabi.

"nasilaw ako masyado sa yaman e, kaso hindi pala talaga nabibili ng pera ang tunay na saya, para maging masaya ang kailangan ko pala ay makuntento at makipag kapwa tao" sabi niya naman.

"alam mo justin, nung unti- unti ng nalulugi ang kumpanya mo akala ko ay kasakiman mo na naman ang paiiralin mo, pero hindi, dahil sa pag- bagsak mo natuto kang humingi ng tawad, maging mabait, makipag- usap nang maayos, mag- pakumbaba, mag- mahal at higit sa lahat mag- bago" sabi ni mama.

Tama siya. Ang laki ng pinagbago ni tito mula nung nararamdaman niyang napag- iiwanan na siya ng mga taong kailangan niya. Natuto siyang matakot mawalan. Kaya naisipan niyang pairalin ang kabutihan.

Pagkatapos namin kumain ay may nag- text sa akin na unknown number.

"ano lyndi? halos mamatay ka na ba kaka- hanap sa kapatid mo? buti nga sayo yan, abala ka sa pag- hihiganti hindi mo namalayan na wala ka ng oras sa bunso niyo, bat ka nag hahanap ngayon? busy ka diba? himala nag- ka oras ka? wag ka mag- alala hindi ko siya papatayin basta sundin mo ang kagustuhan ko"

Sabi niya sa text message. Kinilabutan naman ako na nasasaktan. Nakukunsensya ako pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat. Naging abala ako sa pag- bawi kaya nangyari to nawalan ako ng oras para kay Syra. Naging mabait naman ako ah? Pinag lalaban ko lang naman yung tama pero bakit ako yung nakakarma?

"syra ayos ka lang ba?" tanong ni tito nang mahalata niyang nagulat ako at hindi mapakali.

Pinabasa ko sa kanila ang message.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon