CHAPTER 42

201 19 0
                                    

Ang aga kong gumising ngayon. Mag- bbyahe ako mag- isa papuntang Baguio, baka sakaling makapag isip isip ako o makapag- pahhinga. Maka- takas sa realidad, maka- limot kahit sandali at baka doon, unti- unti kong mapag- tanto ang mga kailangan ko gawin at matutunan kong tanggapin ang mga nangyayari sa akin netong nakaraan.

May dala akong backpack para doon ilagay ang mga damit ko at sling bag naman para sa cellphone, wallet, charger, earphones, power bank at biscuits ko.

Habang nasa bus ako hindi ko mapigilang makunsensya. Pakiramdam ko ang sama- sama ko para hindi patawarin si Charles gayong ginawa lamang niya iyon para sa pamilya niya.

Masama ba kong tao? Masama bang masaktan? Madali namang intindihin, mahirap lang tanggapin.

Bakit kasi pinatagal pa nila bago ko malaman? Kung pwede naman nilang sabihin noon para agad akong naliwanagan.

Hindi ko kasi matanggap e. Gets ko yung part na ginawa niya yon para sa pamilya niya pero bakit nung oras na muli kaming nag- kita bakit hindi niya sinabi agad?

Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ko siya kamahal. Sinolo niya yung problema na dapat ang lulutas ay kaming dalawa. Kung hindi niya na sana pinatagal edi sana naintindihan ko agad at nagawan namin ng paraan. Wala namang mapapahamak kung sasabihin niya sa akin. Hindi naman ako tanga, alam ko ang gagawin ko hindi ko hahayaang may masaktan sa aming dalawa. Kaya kong ipag- laban yung pag- mamahalan namin na walang nasasaktan.

Kung naipag- laban ko nga ang tama e, bakit hindi siya nag- tiwala na yung relasyon namin ay maipaglalaban ko rin?

Alam niya ang taglay kong katapangan pero hindi niya ako pinag- katiwalaan. Inisip niya na hindi ko maiintindihan, pero ang totoo para sa aming pag- mamahalan ako ay talagang lalaban.

Kaso wala e. Makasarili siya, tinago niya, nilihim niya sa akin kasi nga ang baba ng tingin niya sa akin akala niya wala akong magagawa.

Nakaka- antok yung byahe kaya naisipan kong matulog muna. Yakap yakap ko ang bag ko para walang maka- kuha. 

Makalipas ang mga pitong oras na byahe ay nandito na ako ngayon sa Baguio.

Sa Venus Parkview Hotel ko napiling mag check- in. Tanaw na tanaw kasi dito ang magagandang tanawin na pakiramdam ko makakapag- pakalma sa akin.

"good morning po, may vacant roon pa ho ba?" tanong ko sa information desk.

"room for couple po ba or family?" tanong niya naman sa akin.

"wala akong kasama, gusto kong mapag- isa kailangan ko huminga" sagot ko naman at parang nag- taka siya. Nagulat din naman ako sa sinabi ko.

"ahh okay po ma'am enjoy your stay here in Baguio sana ho makahinga na kayo, room 444 na lang po ma'am single bed, may cr, tv, sofa and may maliit na ref na ho doon, may cabinet na din po ayos na ho ba yun?" sabi niya sa akin.

"opo, matatanaw ko ho ba dyan yung magagandang view dito?" tanong ko.

"yes po ma'am may sliding door po doon sa room niyo na pag- labas niyo ay may maliit na terrace at pwede ho kayo mag- sampay doon and tanaw na tanaw niyo ho doon ang ganda ng Baguio" sabi niya naman.

Pag- tapos kong ma- settled ang payment ay hinatid na ako dito sa kwarto ko. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nag- bihis ako dahil gusto kong mag- libot dito para malibang naman kahit papaano.

Dito ako naunang mag- punta sa Our Lady of Lourdes Grotto para mag- dasal. Nakaka- pagod naman tong akyatin siguro nakaka 150 steps na ako dito sa hagdan. Pero ayos lang pakiramdam ko naman ay malapit na ako.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon