"oh masaya na kayo kasi nakalabas kayo ng Las Villas at makakagala?" tanong ni mommy na para bang nanunumbat habang nasa sa sasakyan kami.Oo masaya sana ako kung makakalabas kami ng Las Villas pero hindi kasama yung Justin na to. Hindi ko na lang siya sinagot dahil inaantok pa ako. Alas dos pa lang ng madaling araw.
"pag nagutom kayo, kuha lang kayo pagkain dyan sa likod, may mga inumin din dyan may juice may softdrinks" sabi naman ni tito.
Wow himala? Parang iba ihip ng hangin. Medyo mabait siya ngayon. Pero hindi pa rin ako kumibo.
"pakabusog kayo, mamaya ako naman papakasarap at papakabusog" sabi ni tito habang nakatingin sa nanay ko. Si mommy naman ay ngumiti na lamang at yumuko.
Alam kong palagi niyang pinag sasamantalahan si mommy. Oo kasal sila pero kahit na, may karapatan pa rin ang babae na tumanggi at mag desisyon para sa sarili niya. Pero sa sitwasyon namin, parang walang karapatan si mommy dahil buhay niya ang kapalit.
Mag tatatlong taon na mula nung ikasal sila pero wala pa rin silang anak. May sakit daw kasi si tito, hindi siya makapag produce ng active sperm cell kaya di sila makabuo. In short, baog. Lakas mag yabang baog naman.
Hawig si papa at si tito. Parehas silang maputi, dark brown ang mata, matangos ang ilong, at matangkad. Mas maganda lang ang pangangatawan ni tito. Makisig siya. Si papa kasi ay payat. Pero ugaling anghel ang tatay ko. Di tulad ng isang to, may lahing demonyo. Baog naman. E si papa hindi, nabuo nga kami ni syra e. Ewan ko kung bakit mejo hawig sila, pero imposibleng mag kamag anak sila. Ugali pa lang malayo na. At saka hindi naman mayaman si papa. Sakto lang. Alonzo din ang last name ni papa, kaya wala siyang bahid ng pagiging isang Dela Fuentes.
~~~~~~~~~~
Ginising ko na si syra dahil nandito na kami sa aming destinasyon, dito sa Lingayen Beach. Ala sais na ng umaga. Namiss ko yung ganitong tanawin. Parang nabibigyan ako ng peace of mind. Parang makakapag pahinga ka sa nakakapagod na buhay.
Nandito kami ngayon sa isang hotel. Iniakyat lang namin ang mga gamit namin sa kwarto at saka bumaba uli para mag almusal. Umorder si tito ng kakainin namin, mag almusal daw muna kami bago maligo sa dagat. Naks ang bait no kala mong totoo.
~~~~~~~~~~~~~
Naliligo na kami ni syra ngayon sa dagat at ine enjoy ang malalaking alon. Naka salbabida naman si syra kaya safe, at saka andito naman ako para bantayan siya. Marami rin siyang kalaro na ibang bata. Sobrang sarap sa pakiramdam makita siyang tuwang tuwa habang nakikipaglaro. Sa Las Villas kasi ay hindi niya ito nararanasan. Nangongolekta rin sila ng mga shells na may iba't ibang kulay at hugis. Nakakatuwa kasi nag eenjoy siya. Nagpupunta rin siya kasama ang mga kalaro niya sa may dalampasigan para mag laro ng buhangin at mag tayo ng parang castle. Nandito lang ako nag tatampisaw sa tubig. Tinitignan tignan ko naman si syra, at may kasama naman silang matanda. Yung mama ata nung isang kalaro niya.
Naiisip ko si charles. Hindi ko alam pero namimiss ko siya at nag aalala ako para sa kanya. Baka natakot siya kay tito at kay mommy.
Minsan na nga lang kiligin nawala pa. Simula pa lang nung kilig ko e natapos na agad. Akala ko ayon pa lang ang umpisa uli ng love story ko, pero akala ko lang pala. Wag kasi umasa, ang hirap umasa sa wala, sa walang kasiguruhan.
Makalipas ang isang oras na pag tatampisaw ko ay tinawag ako ni mommy, dito raw muna ako sa cottage habang mamimili sila ng mga souvenirs. Tanaw ko pa rin naman si syra, at halata namang nag eenjoy siya sa mga kasama niya at sa ginagawa nila.
Kumakain ako ng pakwan ng biglang mag ring ang phone ko. Unknown number. Pero sinagot ko pa rin dahil baka isa sa mga kaibigan ko.
"lyndi sorry kung di ko nasasagot mga tawag mo, busy kasi ako lilipat na kami ng bahay, ingat ka na lang palagi dyan ha ingatan mo sarili mo, ngiti ka palagi, hayaan mo balang araw makakabawi tayo sa lahat ng ginawa nila sa atin, always pray and trust the Lord, wear your cutest smile all the time, i miss u" sabi ng isang lalaking may malalim na boses pero malambing na tono, at bakas rin ang tapang at paninindigan sa sinabi niya pero may halong pag aalala at lungkot. Si charles yon. Si charles lang naman ang tinatawagan ko lately na hindi sumasagot e.
Hindi niya ko binigyan ng pagkakataong sumagot. Binaba niya agad ang tawag matapos niyang sabihin ang mga iyan. May laman at nakapagtataka ang mga sinabi niya. Paulit ulit etong nag re recall sa isip ko. Makakabawi daw KAMI? Sa lahat ng ginawa sa AMIN? Ang gulo nalilito ako. E sa akin lang naman may ginawa itong Justin na to pero bakit sa tono ng pananalita niya ay parang ang laki laki ng galit niya kay tito. Parang gusto niyang mag higanti. Hindi lang para sa akin, kundi para sa kanya rin. Bakit? Ano meron? Nalulungkot din ako kasi lilipat na sila. Saan kaya sila lilipat? Lalayo na ba siya sa San Antonio? Hindi na ba kami magkakasama? Bakit naman sila lilipat? Tatawagan ko sana uli si Charles pero biglang dumating si syra.
"atee napagod na ako, nagugutom na naman ako may foods ba dyan?" tanong ng kapatid ko, ang cute cute talaga ng batang ito
"hello baby eto oh may pineapple may watermeron and meron ding papaya, ano gusto mo?" pag aalok ko naman sa kanya
"yung pineapple na lang ate sawsaw ko sa asin" sabi naman niya. Umupo na siya at sabay kaming kumain. Daldal siya nang daldal tungkol sa mga kalaro niya at kitang kita ko kung gaano siya kasaya.
"nakagawa kami ng bahay don sa buhangin ate tapos nilagyan namin ng mga shell para maganda tignan, sinusulat ko rin ang name ko at name mo sa buhangin" pagkkwento nito na parang manghang mangha sa ginawa niya. Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti.
"nag drawing din ako ng apat na tao, ako, ikaw, si mommy at si papa" sabi pa niya. Medyo nalungkot ako kasi namiss ko si papa. Natutuwa naman ako dahil hindi niya ito nakakalimutan kahit bata pa siya nung pumanaw ito. Kahit kasi wala na si papa ay binubuhay ko pa rin siya sa alaala ni syra, palagi ko siyang kinukwento para hindi niya ito makalimutan.
Tuloy tuloy lang kami sa pag kain at kwentuhan. Makalipas ang isang oras ay dumating na sila mommy na may dalang mga seafoods at mga napamili nila sa souvenir shops.
Maayos naman ang naging takbo ng araw namin. Ngayong gabi ay manonood kami ng beauty contest dito sa bayan nila. Pistay dayat daw kasi ngayong linggo. Ayan daw ang tawag sa fiesta dito sa Pangasinan. Napansin kong mugto na naman ang mga mata ni mommy at may pasa sa kaliwang braso.
"ma napano po yang pasa mo?" tanong ko sa kanya
"ah wala, tumama lang sa pintuan kanina nung papasok ako sa kwarto namin" pagpapalusot naman neto. Napansin kong nakatingin sakanya nang masama si tito.
"sabihin mo lang ma kapag sinaktan ka ng lecheng to, ako bahala" sabi ko naman habang nakatingin kay tito
"kala mo namang may magagawa ka pag pinatulan ko kayong mag iina" sabi naman ni tito habang nililibot ang tingin sa amin nila mommy at syra
"hanggang salita ka lang naman, wala ka namang bayag, ay meron pala, baog ka nga lang" pang iinis ko sa kanya while lauging sarcastically
"tumgil na kayo tara na manood doon para masimulan natin" pagaawat naman ni mommy sa amin.
Maganda ang naging flow ng program. Sobrang gaganda ng mga kasali, talented din at matatalino. Pabonggahan sila ng mga costume nila, pasabog ang mga talento at pag dating naman sa Q and A ay ang hirap mamili kung sino ang magaling dahil lahat matatalino, lahat magagaling. Namiss ko tuloy sumali sa mga beauty contest. Noon highschool ako ay lagi akong sinasali ng mga teachers ko sa mga gantong paligsahan. Minsan panalo, minsan naman hindi.
Pero ayos lang.
We never lose. It's either we won, or we learned.
~~~~~~~~~~
Huling araw na namin ngayon dito sa Lingayen. Kahapon ay nag island hopping kami at nag enjoy naman akong makita ang iba't ibang isla dito. Iba iba din ang hugis, may parang crocodile, may parang sirena at may parang malaking tipak lang ng bato. Nakasakay kami sa banga habang naglilibot. Malamang diba, alangan namang languyin namin tong napakalawak na dagat na ito.
Nakatikim rin ako ng iba't ibang luto ng sea foods. Sulit naman yung araw namin kahapon. Maayos naman ang ugaling ipinakita ni tito at ni mommy. Ngayon ay nag aayos na uli kami ng gamit dahil bbyahe na kami pauwi. Nalulungkot ako, ayaw ko pang umuwi.
Balik realidad na naman. Malungkot. Tahimik. Boring. Puno ng problema. Parang nakakulong na naman ako sa malaking selda na bawal makawala at limitado lamang ang pwede kong gawin. Alipin na naman ako.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...