~~~~~~~~~
Panibagong araw na naman. Isang buwan na rin mula nung nakauwi kami uli dito sa Las Villas galing sa Lingayen. Wala namang ganap masyado. Palaging wala si tito at mommy, aalis sila, tulog pa kami, dadating sila, tulog na kami.
Lumalabas ako ng bahay pero dito lang ako sa Las Villas. Namamasyal sa mga mall at doon din kumakain tuwing naiinip ako sa bahay. Minsan sinasama ko si syra pero minsan naman nag papaiwan siya, mag ba-bike na lang daw siya.
Wala rin naman masyadong balita sa mga kaibigan ko sa ibaba. Minsan na lang kami magkausap ni karen. Si charles ay hindi ko na matawagan, nag palit yata ng simcard or baka binlock yung number ko. Hindi na rin daw siya nakakasama at nakikita nila karen. Asan na kaya yun? Sinubukan ko hanapin sa facebook pero wala. Ghost lang? Pero di ko naman siya masisi. Baka pinagbantaan siya nila tito kaya natakot.
~~~~~~~~~~~~~~~
"lyndi halika may bibigay ako sayo" sabi ni tito habang nakangiti, kakadating lang nila sa bahay. Lumapit naman ako para kunin ang isang brown envelope. Ano naman kaya to? Panibagong kalokohan niya?
"buksan mo na yan, regalo ko yan para sayo" sabi niya habang nakangiti pa rin. Kamukha talaga siya ni papa pag ngumingiti siya e. Dapat palagi siyang ganyan.
Binuksan ko naman ang envelope para malaman kung ano ito. Hindi ako natuwa sa nakita ko.
Birth certificate ko na bago.
Lyndi Alona Dela Fuentes. Ayan ang pangalan ko na pinarehistro at pinagawa nila tito. Registered na ako bilang isang Dela Fuentes at hindi ako masaya dito. Gusto ko, apelido pa rin ng papa ko ang gagamitin ko, Alonzo pa rin ako. Pinanganak akong Alonzo, mamamatay akong Alonzo.
"natuwa ka ba sa regalo ko? isa ka ng ganap na Dela Fuentes, yun iba pangarap lang na magamit ang apelido na iyan pero ikaw, ayan na ang surname mo" proud na proud na sabi ni tito.
"Hindi niyo man lang hiningi ang permiso ko bago ipagawa to?" mataray kong tanong sa kanya
"ay aba, it's your pleasure to use my surname, to become a Dela Fuentes" mayabang na sagot naman niya
"so Dela Fuentes na ko? Kasama na ko sa pamilyang mayaman nga pero ginagamit ang pera sa maling paraan? sa pang aabuso ng kakayahan ng iba? at sa pag tapak sa karapatan ng iba? ganon ba? i guess i shouldn't feel proud" sumbat ko sa kanya
"tumigil ka na lyndi ayan na naman yang bunganga mong walang preno, kumain ka na at umakyat sa kwarto mo" pag aawat naman uli ni mommy
Sinunod ko na lang siya. Kumuha ako ng pagkain ko at saka dinala ito sa kwarto ni syra. Dito ako kakain habang nanonood si syra ng cartoons. Paulit ulit na niyang pinanonood itong mga episodes ng barbie pero hindi siya nagsasawa. Kaya halos makabisado ko na rin ang mga linya mula rito.
Pababa sana ako para ibaba ang pinagkainan ko nang marinig ko na may parang nag sisigawan sa may terrace. Dahan dahan akong pumunta doon para pakinggan ang pinag aawayan nila mommy at tito. Naisipan kong videohan ang mga pangyayari para kahit papaano ay may ebidensya na ako sa ginagawang kasamaan netong demonyong to. Dinuduro duro ni tito si mommy at si mommy naman ay parang takot na takot. Gusto ko sanang sugurin yung demonyong baog pero tutunghayan ko muna ang mga manyayari.
"wag mo kong inuutusan Brenda ha, alam mo kung anong kaya kong gawin, napa patay ko nga ang kapatid ko e, kaya ko ring ipapatay ang mga mahal mo" pagbabanta ni tito kay mommy.
Demonyo talaga. Bakit naman pati kapatid niya e pinapatay niya? Ganon ba talaga siya ka walang puso? Hindi ba siya naturuan ng good manners? Pagpapayaman lang ba talaga alam niya sa buhay? Pang mamanyak at pagtapak sa karapatan ng mga tao, ayan ang talent netong gagong to. Nakayuko lang si mommy.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...