"nay hindi na po muna ako mag-aalmusal ngayon" sabi ko kay nanay zen, nag-handa kasi siya ng makakain namin ngayong umaga bago ako pumasok, kaso wala akong ganang kumain.
"ay ganon ba iha, o sige kami na lang ng mga kasamahan ko ang uubos neto, ingat kayo pagpasok ha" tugon niya.
Miyerkules ngayon. Ilang linggo na lamang ang itatagal ng pasok namin. Malapit na ang araw ng pag- tatapos ko sa kolehiyo. Malapit ko na magawa ang mga gusto ko. Malapit na akong lumaya.
~~~~~~~~~~
"uy lyndi! para sayo oh sana magustuhan mo"Si Carl na naman. Nag-aalok siya ng burger at fries tapos may iced coffee na kasama.
"ay sayo na lang yan carl, wala pa akong ganang kumain e, salamat ha" sabi ko sa kanya.
Totoo naman e nakakawalang gana kumain kapag alam mong ginagago ka ng mundo. Kapag alam mong pinagdadamutan ka ng kasiyahan.
"aw ganon ba, sayang ang aga ko pa naman gumising para bilihin to akala ko magugustuhan mo" sabi ni carl na parang nanghihinayang.
E sino ba kasi nagsabing maaga siya gumising para dyan? Hays. Pero nakunsensya naman ako.
"tsk o sige na nga amin na" napipilitan kong sabi. Atleast tinanggap ko pa rin.
Tuwang- tuwa naman siya. Cute rin pala to tumawa e. Kaso hindi ko gusto ang ugaling ipinakita niya sa akin nung nasa bar kami. Ngayon lang siya mabait dahil may kailangan. Pag mag-asawa na kami malamang mamaliitin na naman niya ako at susumbatan. Gaya ng ginagawa ni tito kay mama.
Magulo rin to si Carl e. Minsan nararamdaman kong sincere at seryoso siya sa ginagawa niya. Pero minsan naman ay bigla siyang manunumbat.
Minsan naisip ko rin e, ano kaya kung seryosohin ko na lang si Carl? Para hindi na ako mahirapan.
Kaso hindi ko talaga kaya. Paano kung buhay si Jeff? Paano kung bumalik siya? Hindi man kami nag-kikita at nagkakausap ay alam ko sa sarili ko na si Jeff lang ang mamahalin ko. Sa kanya ko lang gustong mag- pakasal.
Hays. E paano kung may girlfriend na pala siyang iba? Paano kung patay na siya? Sabi niya sa panaginip ko pinatay na raw siya. Pero nandon siya sa harap ko, kasama ko. Ang gulo naman. Pero di bale na, panaginip lang naman yon.
~~~~~~~~~~~~
Hay nako si Prof. Bautista na naman ang nagsasalita. Parang pampatulog yung boses e. Wala kang matututunan, aantukin ka lang."ms Dela Fuentes hindi ito bahay wag kang patamad tamad"
Nagulat naman ako nung sinabi niya yan. Halos payuko na kasi ako sa sobrang antok. Mahinahon naman siya mag-salita, pero galit na siya sa lagay na yan. Siguro sa tuwing may pinapagalitan tong estudyante ay hindi matatakot, aantukin lang lalo.
"sorry po prof, hindi na po mauulit" sabi ko naman sa kanya at saka sinubukan pigilan ang antok ko.
"so class, alam niyo naman siguro ang patakaran at nakagisnan dito sa las villas, ano man ang kursong piliin niyo ay sa kumpanya ng mga magulang niyo ang bagsak niyo" sabi ni prof.
Tama siya. Ganon ang nangyayari dito. Edi sana hindi na nag- aral. Edi sana isang kurso na lang in-offer nila.
" mabuti na rin iyon, mas mahahasa ang mga utak niyo sa pag nenegosyo, mabilis din ang pera rito basta madiskarte at mautak kayo" dagdag pa niya.
Don't be afraid to take a risk. It's either take it or leave it. Lose or win. Hindi mo malalaman ang kapalaran mo kung hindi ka susugal.
~~~~~~~~~
Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mrs. Villa Cruz na nakaupo sa living room. Wala pa siyang kasama, siguro si tito ang hinihintay niya. Mag-lalaro na naman sila ng deal or no deal.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...