Makalipas ang mahabang kwentuhan, iyakan, at tawanan namin sa bahay nila karen ay nag aya sila na mag punta raw kami sa night market sa kabilang bayan. Pumayag naman ako dahil wala naman sila mommy sa bahay. Walang magagalit pag uwi. Safe rin naman si syra doon dahil wala si tito.
~~~~~~~~~
Habang naglalakad kami sa night market ay huminto si Charles sa tindahan ng mga laruan at saka kinuha ang isang yoyo at sinubukan itong gamitin.Naalala ko nanaman si Jeff. Talent at hilig niya ang pag gamit ng yoyo. Ang dami niyang tricks na alam. Napag kakakitaan niya rin ito noon dahil mahilig siyang sumali sa mga talent show at ito ang kanyang pinapakita.
Bakit ba ang daming pag kakatulad ni Jeff at Charles? Mag kaano ano ba sila? Sakit naman sa ulo isipin.
Bumili ako ng mga damit na pambata para may pasalubong naman ako kay syra. Binilihan ko rin siya ng coloring book at mga stickers. Sigurado akong matutuwa ang batang iyon.
Sila gemma at ella naman ay abala sa pag pili ng damit nila samantalang si jacob, troy at charles ay nandoon naman sa bilihan ng sapatos.
Nakakita ako ng nagtintinda ng cotton candy kaya agad ko naman itong pinuntahan. Paborito ko rin kasi ito, palagi akong binibilhan ni jeff ng ganito. Habang inaantay ko ang cotton candy ko ay may lumapit sa aking isang lalaki na maitim, matangkad at parang nakainom dahil naamoy ko agad siya.
"hello miss, ang ganda naman ng legs mo, ang sexy mo pa" sabi nung lalaki
Naka shorts lang ako naka plain v-neck shirt na color gray. Hindi ko siya pinansin, sinimangutan ko lamang siya.
"legs mo palang mukhang masarap ka na, tapos ang ganda mo pa" dagdag pa niya sa sinabi niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin.
Hinawakan niya naman ang buhok ko at sinabing ang ganda raw nito. Sobra na akong nababastos kaya sasampalin ko na dapat siya ng biglang may tumulak sa kanya.
"gago manyak ka lumayas ka dito!! wala ka bang nanay o hindi ka lang talaga mahal ng nanay mo?!" sigaw ni charles habang nanginginig sa galit. Agad naman siyang inawat nila Jacob at Troy dahil umaamba pa si Charles na parang gusto niyang bugbugin ang lalaki. Agad namang may dumating na mga tanod na nakapalibot lang pala sila doon sa night market.
"mga boss damputin niyo na yang bastos na yan at ilagay kung san siya nababagay, nanggugulo lang dito e" sabi ni Charles sa mga tanod habang nangingig pa rin sa galit.
Ang gwapo naman magalit neto. Sobrang speechless ako kasi hindi ko akalain na ganon ang magiging reaksyon ni Charles. Tska kaya ko naman ang sarili ko kanina, pero still thank you pa rin sa kanya.
"sa susunod wag ka na magsusuot ng maikling short para makaiwas sa ganong sitwasyon" mariin na sinabi ni Charles.
Wow. Like a boss?
"ang pagsusuot namin ng maikling short o kung ano pang klase ng damit ay kailanman hindi magiging imbitasyon para sa pambabastos ng mga lalaki, we dress for ourselves, we dress to express, not to impress" sagot ko naman sa kanya
"o sorry na, wag ka na magalit kumalma ka na, ayoko lang na nababastos ka nang gigigil talaga ako" sabi uli ni charles
Wtf bakit iba na naman tong nararamdaman ko? Bakit sa tuwing nag bibitaw ng mga ganyang salita si Charles ay kinakabahan ako na ewan. Bumibilis yung tibok ng puso ko.
"syempre tropa ka e, saka ayoko talaga makakita ng babaeng binabastos, babae rin ang nanay at mga kapatid ko" napansin siguro niya na nagulat na naman ako sa sinabi niya kaya dinagdag niya yan. Ngumiti naman ako sa kanya at nag pasalamat.
Parehas na naman sila ni Jeff. Sobrang taas ng respeto sa mga babae. Palaging isina sa alang alang ang nanay at mga kapatid.
Hinanap na namin ang dalawang babae at nakita naman namin sila sa bilihan ng mga cellphone case. Bitbit na rin nila ang mga pinamili nilang damit kanina."hoyy kanina pa namin kayo hinahanap, nabastos na't lahat lahat si lyndi wala pa rin kayo" sabi ni Troy sa kanila.
"SINONG NAMBASTOS KAY LYNDI? ASAN? ASAN PARA MASAPAK KO" sigaw naman ni Karen habang umaakto na parang naghahamon ng away. Napatingin tuloy sa kanya ang mga tao.
"wala na yun ayos na, buti dumating si charles, pinagtanggol niya ako" sabi ko naman kay karen
"wow charles kanina lang mayor ka dahil sa libre mong pa miryenda tapos ngayon super hero kana? dami mo palang role na kayang gawin ah" pang aasar naman ni karen kay charles.
Ayoko pang umuwi. Tinawagan ko si lola para mag paalam na dito muna ako sa baba matutulog. Bukas na lang ako uuwi. Pumayag naman si lola, basta siguraduhin ko lang daw na wala akong gagawin na masama at ingatan ko ang sarili ko.
Tumuloy ako kila karen. Nandito rin si Gemma at Ella, umuwi lang sila sandali kanina para kumuha ng damit. Malapit lang naman sila dito. Ako naman ay nanghiram na lang kay karen ng maisusuot.
Maya maya ay dumating sila Jacob, Troy, at Charles. May dala silang alak at pulutan. Uubusin lang daw nila yon at uuwi din. Hindi raw sila matutulog dito. Nagpaalam naman sila nang maayos sa parents ni karen at pumayag naman ang mga ito basta mga lalaki lang daw ang pwedeng uminom.
Habang nag iinuman ang mga lalaki ay nagchichikahan naman kaming mga babae. Tungkol sa love life nila at sa buhay kolehiyo. Wala naman akong makwento tungkol sa lovelife ko. Si Jeff ang una at huling mamahalin ko.
Makalipas ang tatlong oras ay naubos na ng mga lalaki ang inumin nila. Kanina lamang ay ang ingay nilang magtawanan pero ngayon tumahimik sila.
"sayang kami ng ex ko, mahal na mahal ko yon e ang bobo ko wala man lang akong nagawa para ipaglaban yung relasyon namin, para ipagpatuloy yung pagmamahalan namin" sabi ni Charles habang umiiyak. Walang kumibo sa amin. Nakatingin lamang kami sa kanya at hinihintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"miss na miss ko na yon, sobrang simpleng babae, siomai at sago't gulaman lang masaya na yon e, kahit walang mamahaling bagay basta may cotton candy, pizza o ice cream ay sobrang saya na niya, parang bata pa kung minsan na tatalon sa tuwa, sa peryahan mo lang dalhin solve na, sa karinderya mo lang pakainin busog na walang reklamo, sobrang loyal pa, maganda inside and out, walang katulad...walang papantay"
May kirot sa puso ko habang sinasabi niya yan. Para kasing dine describe niya yung ako na girlfriend ni Jeff dati. Ganon ako e, yun mga katangian at hilig ko ayon yung sinabi niya. Pero baka magkaparehas lang kami ng hilig ng ex niya. Imposible namang ako yun e si Jeff lang naman ex ko.
Ang layo rin ng ichura nila. Moreno si Jeff. Mistiso si Charles. Di rin sila parehas ng ilong at panga. Mag ka height sila at parehas ng mata at boses. Kaya di ko maiwasan na maisip si Jeff sa tuwing kasama ko si Charles.
Yung kabog ng dibdib ko na kay Jeff ko lang naman nararamdaman, di ko alam kung bakit parang nararamdaman ko rin dito kay charles. Ngayon ko na lang uli naramdaman to e. Marami namang nagpapakilala na lalaki sa akin sa Las Villas pero wala, pakiramdam ko ay sobrang sarado ng puso ko para sa kanila. Pero kay charles, ewan ko ba. Naguguluhan na naman ako.
Hinatid na nila Jacob si Charles pauwi at umuwi na rin sila. Kami naman nila Gemma at Ella ay humiga na at natulog. Pagod rin kami maghapon.
Bago ako matulog ay naisip ko na naman ang layunin ko dito sa baba. Ang mahanap ang hustisya para kay papa, ang malaman ang dahilan ng pagka aksidente ko, ang mahanap si Jeff at ang makabalik sa dating mundo kung saan naman talaga kami nabibilang at nagsimula.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Ficção GeralI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...