Kaka- tulog ko pa lamang nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Ayaw ko sana itong buksan dahil gusto ko pa matulog kaso naririndi ako dahil hindi siya tumitigil sa pag- katok kaya napilitan akong tumayo para tignan kung sino iyon.
Pag- bukas ko ay bumungad sa akin si tito Justin.
"lyndi pwede ba tayong mag- usap?" tanong niya.
Nag- unat muna ako bago sumagot.
"tungkol saan po? tska ganitong oras ba talaga tito alastres pa lang ng madaling araw hindi ba pwedeng mamaya na?" sabi ko sa kanya.
"hindi kasi ako makatulog e, kailangan kita makausap" sabi niya naman.
"gaano ba kahalaga yan tito? ang sarap pa ng tulog ko e" tanong ko.
"basta lyndi, sumunod ka na lang" pakiusap niya.
"sige mag- hihilamos lang muna ako at susunod na ako" kako naman at umalis na siya.
Nag- hilamos na ako at nag- sipilyo. Parang inaakit pa ako ng kama ko na mahiga at matulog pero pagbibigyan ko muna ngayon si tito kaya lumabas na ako at sumunod sa kanya sa terrace.
Umupo ako sa tapat niya. May lamesang maliit sa pagitan namin.
Pagkakita niya sa akin ay huminga muna siya nang malalim bago nag- salita.
"lyndi, iniatras na ng mga De Guzman ang fixed marriage ninyo ni Carl, kay Martina na lamang daw nila nais ipakasal ang binata" sabi niya.
Nakatingin lamang ako sa kanya at inaabangan ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"pababa na kasi ng pababa ang ratings at sales ng kumpanya ko" malungkot niyang sabi.
Hindi pa rin ako sumasagot.
"hindi ko na alam ang nangyayari, nag kanda leche leche na ang lahat, pakiramdam ko napaka wala kong kwenta" sabi niya habang may namumuong luha sa mga mata niya.
"ang baba na ng tingin sa akin ni papa, para bang pinagsisisihan niya na nabuhay ako, para bang gusto na niya ako patayin" tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.
"e bakit hindi mo sisihin ang mga empleyado mo? bakit hindi ka mag- hanap ng babayaran mo para matalo mo ang ibang kumpanya? diba ganon ka naman? dinadaan mo lahat sa pera?" sunod- sunod kong tanong.
"iilan na nga lang ang mga empleyado ko e, sisisihin ko pa ba sila? tska paubos na rin ang kita ko, naisip ko kasi na hindi pala talaga ako magaling, nadadaan ko lang sa pera lahat" sagot niya naman.
Buti naman at natatauhan siya kahit papano.
"isa ako sa dahilan ng pag- bagsak mo, kasama ako sa plano, pinag- isipan kong mabuti kung paano ka patutumbahin, kulang pa nga yan e, sa lahat ng ginawa mo sa pamilya ko at sa ibang tao" matapang kong sabi.
Inaasahan kong magagalit o magugulat siya pero hindi. Tumingin lamang siya sa akin.
"ang dami kong oras na nilaan para pabagsakin ka, sa gantong paraan kasi unti- unti kitang nababawian" sabi ko uli.
"alam ko lyndi, alam ko na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito" mahinahon niyang sabi.
"alam mo? bakit hindi ka nagalit? bakit hindi mo ginawan ng paraan?" tanong ko sa kanya.
"kasi naiintindihan ko yung galit na meron ka dyan sa puso mo, kasi ganyan din ang naranasan ko nung lumalaki ako, mula pag- kabata ko ay hindi ako pinupuri ni papa, kahit kailan ay hindi siya naging proud sa akin, ginawa ko na lahat, binibigyan ko siya ng matataas na grades, iba't ibang awards, sumasali ako sa mga sports sa mga paligsahan, pero wala, isang malaking tanga ang tingin niya sa akin" sabi niya habang umiiyak at naka- kuyom ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...