CHAPTER 2

839 241 1
                                        

Kauuwi ko lang galing sa school. Last day na ng school year. 4th year college na ako sa pasukan. Nag first year college ako sa labas, doon sa dati naming lugar, sa San Antonio.  Bachelor of Science in Psychology ang kursong kinuha ko. Gusto ko kasing magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa behavior ng isang tao. Interesado akong malaman ang mga dahilan at paliwanag sa bawat kilos ng isang tao. At kung saan ba nag mumula ang iba't ibang ugali ng mga tao.

~~~~~~~~~
Naaalala ko pa nung araw na nagising ako sa ospital, pero hindi ko naaalala ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Hindi rin sinasabi sa akin ni mommy at ni Syra. Sabi ng Doctor ay nagkaroon ang ng retrograde amnesia kaya hindi ko maaalala ang nangyari sa akin bago maganap ang aksidente.

Si tito Justin ang sumagot ng lahat ng gastusin namin sa ospital. Matagal na siyang kilala ni mommy. Matagal na niyang gusto si mommy. Pero hindi naging sila dahil ayaw ng pamilya ni tito kay mommy, taga labas daw kasi kami. Taga Las Villas ang gusto nilang mapangasawa ni tito. Pero hindi tumigil si tito sa panliligaw sa mama ko kaya nung namatay si daddy, hindi na sinayang ni tito ang pagkakataong iyon. Hindi agad pumayag ang nanay ko, alam niya kasi ang ugali ng mga Dela Fuentes. Pero noong pagkatapos ng aksidente ko ay nagulat na lamang ako at sila na. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari. Inilihim nila ang relasyon nila dahil nga bawal sa pamilya ni tito ang ganon. Bawal sila mag asawa ng taga labas. Dahil ayaw nila na may ibang makikihati sa yaman at mga pag aari nila. Pero kalaunan ay nalaman din nila ang namamagitan kay mommy at tito. Tinanggap naman nila ang pamilya namin basta daw ay tutulong si mommy sa pagpapalago ng negosyo at kumpanya.

Dito kasi sa Las Villas, bawal yung walang trabaho. Bawal maging housewife na sa bahay ka lang, mag aasikaso ng mga anak at gagawa ng gawaing bahay. Kailangan marunong ka sa negosyo, kailangan may ambag ka sa kumpanya dahil kung wala ay patatalsikin ka sa lugar na ito.

Paulit ulit na sumbat at masasakit na salita ang naririnig namin mula sa papa ni tito, si lolo Dennis. Palagi niyang sinasabi na kapit mayaman kami at ginagamit lang namin ang anak niya para magkaroon ng magandang buhay.

E yung asawa rin naman niya ni si lola Melda ay taga labas din noon, pero minahal niya at pinakasalan. Mabait yon si lola Melda, marunong makisama at makipag kapwa tao. Siguro dahil taga labas din siya dati, kaya hindi siya kasing yabang at matapobre ng mga taga dito.

Ang corny rin ng sistema ng mga paaralan dito. Tatlong beses ka lang papasok sa isang linggo. Walang mga programa at activities gaya ng mga school sa labas na may buwan ng wika, may intrams, at iba pang mga nakasanayan kong activities sa school. Dito wala, papasok ka lang para makinig at makapag tapos at makapag ambag na sa kumpanya ng pamilya mo. Wala rin akong naging mga kaibigan. Pano mga tao don, papasok lang sa klase at pagkatapos ay may kanya kanya ng mundo, parang mga sabik umuwi at inip na inip lagi sa school.

Samantalang ako nung nasa ibaba, papasok ako para makipag chismisan, mangopya, kumain, at gumala kasama ang mga kaibigan ko. Mas marami pa yata yung oras ng daldalan namin kaysa sa pakikinig namin. E dito wala, ang seseryoso ng mga tao.

Pinaghihigpitan din kasi sila ng mga magulang nila. May mga taga labas kasi na pwede mag aral dito sa Las Villas basta afford yung tuition fee. Pero school lang ang pwede nilang puntahan dito, bawal ang mga mall, restaurants, at bawal sila dumalaw sa mga kakilala nila dito kung meron man. Iisa lang ang daanan na pwede nilang daanan mula sa gate, hanggang sa school. Kalsada lamang iyon derecho sa school. Bantay sarado sila ng mga security guards kaya walang makakatakas.

Kaya naman yung mga magulang dito masyadong paranoid, ayaw na magtatagal ang mga anak nila sa school dahil baka makisama sa mga taga ibaba. Parang diring diri sila sa mga taga labas e tao rin naman yung mga yon. Hindi nga lang kasing yaman nila pero tao pa rin yon.

~~~~~~~

Ang dami na namang nag memessage sa akin sa messenger. Ang dami ko ring friend request sa fb. Mga taga Las Villas din na puro papansin at pag papacute ang alam. Psh, hindi nila ako madadaan sa yaman nila.

Hindi ko kailangan ng pera, ang kailangan ko sumaya.

Hays, naalala ko na naman si Karen, siya ang pinaka matalik kong kaibigan. Mag kababata rin kami, parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Taga San Antonio rin siya, doon sa dati naming lugar.

Nakakapag usap pa rin naman kami ngayon pero minsan na lang. Simula nung nakatira na ko dito sa Las Villas ay parang nailang na siya sa akin. Akala niya yata ay tulad na rin ako ng mga taga dito na matapobre at mababa ang tingin sa kanila. Hindi naman ako ganon, ako pa rin si Lyndi na laking San Antonio. Hindi ko makakalimutan kung saan ako nagmula, kung saan ako nang galing, at babalik ako sa pinanggalingan ko, hindi man ngayon, pero balang araw.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon