CHAPTER 18

255 53 0
                                        

~~~~~~~~~~~

Biyernes ngayon. Pakiramdam ko ay Biyernes Santo sa sobrang lungkot. Mula nung malaman ko ang ginawa ni tito kay papa ay hindi ko siya kinakausap. Miski tignan siya ay hindi ko magawa. Paano ko kakausapin ang taong dahilan ng maaga naming pagka-ulila sa ama? Hindi ko alam kung nahahalata niya pero baka hindi dahil abala naman siya sa ginagawa niya sa buhay. Madalas niyang kausap yung ms Villa Cruz. Ewan ko kung anong pinag uusapan nila.

Hindi ko rin agad tinawagan si karen o si charles. Wala akong ganang makipag usap.

Parang gusto ko na lang maglaho at bumalik kapag may pag-asa at kasiyahan ng nag aantay sa akin.

May usapan kami ngayon ni Carol na sasabay ako sa kanya pababa. Pupuntahan ko sila karen. Dapat nung miyerkules pa ko bababa pero hindi kami parehas ng oras ng uwian ni carol nung araw na iyon. Maaga siyang umuwi. Alangan namang mag pahintay pa ako. Parehas kami ng schedule ng pasok. Monday, Wednesday, and Friday. Pero kapag Wednesday ay hindi kami parehas ng oras ng uwi.

~~~~~~~~

Nandito ako ngayon sa cr. Nag palit ako ng suot tapos nag suot ng hoodie para walang makahalata sa akin. Nagpunta na ako sa parking lot para sa mga taga labas. Hiwalay kasi yung parking lot nila para masiguro na iisang kalsada lang ang madadaanan nila. Hinarang ako ng guard at hinanapan ng ID, para daw masiguro na taga labas ako.

Naka face mask ako kaya hindi niya ako nakilala.

Sinabi ko na lang na naiwan ko ang ID ko at humingi ako ng tawad. Pinalabas naman niya ako. Madali naman pala kausap. Pero binantaan niya ako na wag uulit.

Habang nasa sasakyan kami ni carol ay tinitignan ko siya. Naiinggit ako sa kanya. Buti pa siya, mayaman, pero masaya. Sana ako din.

"kuya dito na lang po ako bababa" sabi ko sa driver niya. Dito na lamang ako sa tapat ng simbahan ng San Antonio nag pababa. Agad namang inihinto ng driver ang sasakyan.

Nag paalam na ako kay Carol at nagpasalamat. Tinawagan ko na rin si lola melda, sinabi ko na bumaba ako.  Ipapasundo na lamang daw niya ako kapag uuwi na ako. Wala namang hinala si lolo Dennis sa ginagawa ko kaya walang problema. Tska matanda na siya para problemahin pa ako. Mas gusto nga niya yata na sa baba na lang uli ako manirahan. Gusto ko rin naman.

~~~~~~~~
"pa alam ko na ang tunay na nangyari sayo, sorry ha kung wala pa akong magawa sa ngayon, wag ka mag alala pa, babawi ako sa kanila, lalaban ako para sayo" sabi ko habang nasa harap ng puntod ni papa. Nagsindi rin ako ng kandila at nag alay ng bulaklak na binili ko kanina sa may simbahan.

"pa mahal na mahal kita, hindi mo deserve ang nangyari sayo, hindi ko matanggap, napupuno ng galit ang puso ko, pero ibahin mo ko sa lahat pa, hindi ako natatakot sa mga Dela Funtes, patutunayan kong hindi nila madadaan ang lahat sa pera, pero kung pera ang labanan ay lalaban ako, Dela Fuentes din naman ako" sabi ko uli habang umiiyak.

Nagdasal naman ako at saka umalis.

~~~~~~~~~~~
Nasa park ako habang hinihintay sila karen nang may biglang nagtakip ng mata ko.

" i miss u lyndi" sabi ni charles. Boses pa lamang ay alam kong siya iyon. Eto na naman siya sa mga galawan niyang parehas ng kay Jeff.

Tumawa naman ako at inalis niya rin agad ang kamay niya.

Habang tinitignan ko siya ay pakiramdam ko nakakapag pahinga ako mula sa sakit na binabato sa akin ng mundo.

Inalok niya akong bumili ng sorbetes at cotton candy. Puro matatamis. Kasing tamis ng mga ngiti ko nung mga panahong masaya pa ako at hindi inaatake ng sunod sunod na problema.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon