Huling araw na ng burol ni tito ngayon. Alas 8 na ng umaga at kakagising ko pa lang. Alas tres na kasi ako naka- tulog kaka serve sa mga nakikilamay.
"anak sorry kung hindi kita nabigyan ng pagkakataong maging masaya at mag- desisyon para sa sarili mo" sabi ni lolo Dennis habang umiiyak sa harap ng kabaong ni tito.
"sana mapatawad mo ako, kinontrol kita mula pag- kabata, ni minsan ay hindi kita binigyan ng kalayaan, binuhos mo ang buhay mo kakasunod sa yapak mo at sa mga kagustuhan ko, palagi kong pinararamdam sayo na wala kang halaga na wala kang kwenta anak patawarin mo ako" dagdag pa neto. Si lola melda naman ay umiiyak rin habang pinapatahan si lolo.
Nag- timpla na ako ng kape ko at kumain ng sopas bilang almusal. Ang lungkot ng umaga ko. Noon gusto kong patayin at pag- higantihan si tito pero ngayon ang sakit sakit isipin na wala na siya.
Ginawa niya lang naman ang lahat para sa papa niya. Pero saksi ako sa pag- babagong naganap sa ugali niya. Nakita ko kung paano niya tinanggap yung pag- bagsak niya, kung gaano siya natakot mawalan ng taong tutulong sa kanya, kung paano niya tinanggap yung masasakit na salita ng papa niya at kung paano siya humingi ng tawad sa akin at sa iba pang taong nasaktan niya. Dahil sa mga nagawa niya bago mamatay, marahil ay sa langit siya mapunta, kasi natuto siyang mag- sisi, umamin, at mag- bago. Ayon naman ang mahalaga don, yung pag- babago.
Nag- pasama ako kay Rayo para asikasuhin ang pag- lilibingan ni tito bukas. Ililibing siya sa katabi ng puntod ni papa.
"lyndi daanan muna natin sandali si sophia" sabi ni Rayo. Tumango naman ako.
Nang makarating kami sa bahay nila Sophia ay bumaba si Rayo na may dalang mga pagkain gaya ng oreo, brownies at cookies. Naiwan lamang ako sa kotse. Ang saya ng mga mata ni Sophia nang makita niya si Rayo. Tuwang- tuwa siya sa iniabot nito, hindi ko sila naririnig pero bakas sa kilos at reaksyon ni Sophia na masaya siya. Bago umalis si Rayo ay tinapik niya muna si Sophia. Nung papasok na si Rayo sa kotse ay napansin kong nalungkot na naman si Sophia.
"para saan yun rayo?" tanong ko.
"ahh...wala, pinabili lang niya yon" sagot niya naman.
"ikaw nagugutom ka ba saan mo gusto kumain?" tanong niya.
"hindi ayos lang ako" sagot ko naman.
Nang makarating kami sa sementeryo ay hindi ko napigilang umiyak. Ang sakit tanggapin na may malalagas na naman sa pamilya namin.
Makalipas ang isang oras ay ayos na ang mga papeles at iba pang dapat asikasuhin. Handa na ang pag- lilibingan ni tito.
"rayo daan muna tayo sa country side" sabi ko kay rayo at pumayag naman siya.
"hindi pa ba uli nagpaparamdam sayo ni Charles?" tanong niya habang nag- mamaneho.
"hindi pa e, mag mula nung namatay si tito hindi pa siya uli nag- chat, nag- text o tumawag" sagot ko naman.
"baka busy o baka sinakal na naman ni amaris" sabi ni Rayo habang tumatawa.
Nag- aalala ako kay Charles. Alam kong hindi siya masaya sa sitwasyon nila. Alam kong nasasakal siya sa pag- trato ni Amaris sa kanya. Hindi sila bagay. Masyadong mapag- mahal si Charles para mapunta sa isang demonyitang babae.
Pagkadating namin sa kumpanya ni tito ay nag- derecho ako sa opisina niya. Kukunin ko ang mga gamit niya na pinakukuha ni mama. Bag, papeles, yung tasa niya, at jacket ni tito. Palabas na sana ako nang mapansin kong may naka- sulat sa sticky- note na naka- lagay sa lamesa niya.
"I will change before dying. I' am willing to sacrifice my life to prove that I know how to love, and that is to sacrifice. I' am an angel inside."
![](https://img.wattpad.com/cover/225898487-288-k13105.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
General FictionI'll strive for justice, love, change, and equality. A girl who aims to go back where she belongs and where she started. Maraming dahilan para balikan ko ang aking pinagmulan. Marami akong dapat ipaglaban at malaman. Kaya babalik ako sa aking pinan...