CHAPTER 43

193 18 0
                                    

Dalawang linggo na mula nang makauwi uli ako dito sa Las Villas. Isang gabi lang ako nag- stay sa Baguio, kahit papaano ay nakapag- pahinga naman ako doon.

Dalawang araw na ring hindi nag- tetext o tumatawag si Charles. Kahit naman naiinis at nakukulitan ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mag- alala ngayon. Nag- sawa na kaya siya? Napagod na kaya siya? Sumuko na kaya siya? Sumaya na kaya siya sa iba?

Nandito ako ngayon sa kumpanya para asikasuhin ang mga bagong clients. Si mama naman ay nasa Country Side, siya na kasi ang bagong CEO doon dahil nga wala na si tito.

Ang dami kong meeting ngayong araw. Naka- tatlong meeting na ako na pinuntahan, may lima pa.

"ma'am cancelled na daw po muna meeting niyo with Mr. Souza" sabi ni Karen.

"bakit ba ma'am pa rin ang tawag mo sa akin?" tanong ko naman sa kanya.

"pakiramdam ko kasi hindi mo na ako kaibigan, kaya for work purposes na lang ang ugnayan natin" malungkot niyang sagot.

"hindi man tayo nag- uusap gaya ng dati, yung pagiging mag- kaibigan natin hindi maaalis, we will forever be sisters by heart" sabi ko naman sa kanya.

"kailan ba babalik yung dating tayo?" tanong niya naman na para bang naiiyak na siya.

Niyakap ko naman siya nang mahigpit at mas lalo siyang naiyak.

"bes sorry" sabi niya habang umiiyak.

"ayos lang, ayos na" sabi ko naman sa kanya.

"hindi ko lang naman kaya sabihin sayo kasi pakiramdam ko wala ako sa lugar para mag- salita tungkol don" pag- papaliwanag niya.

"sana maintindihan mo na rin si Jeff" sabi niya sa akin. Bumitaw naman ako sa yakap.

"parang medyo mahirap yon sis, tingin ko kasi sa kanya ay sobrang maka- sarili, hindi man lang niya sinubukan mag- tiwala sa akin, hindi man lang niya naisip na kaya ko naman lumaban para sa amin, na maiintindihan ko siya kasi mahal ko siya, kaso wala e pinili niyang mamroblema mag- isa dahil ang baba ng tingin niya sa akin" sabi ko naman.

"hindi naman siguro, pero ikaw bahala basta sana balang araw maintindihan mo din at sana sa araw na yun, pwede pa kayong lumaban para sa isa't isa" sabi niya naman at ngumiti ako sa kanya.

"ah bes, bakit pala hindi na tuloy yung meeting with Mr. Souza?" tanong ko.

"di ko alam walang sinabi basta sabihin ko lang daw sayo na di sika available ngayon" sagot niya naman.

Ano ba yan di nila alam ang salitang commitment.

"sige sis mauna na ako may gagawin pa ako, basta ilagay mo rin ang sarili mo sa sitwasyon ni Jeff, baka sakaling mas madali mo siyang maintindihan" sabi ni Karen bago umalis.

Sana rin ilagay ni Charles ang sarili niya sa sitwasyon ko para maintindihan niya kung bakit ako ganito.

Kumain muna ako ng lunch tapos nag- sipilyo at nag- handa dahil sunod- sunod ang pag- pupulong na aking dadaluhan ngayong hapon.

~~~~~~~~~~~
Maka- lipas ang lima't kalahating oras ay natapos na din ang sunod- sunod kong meeting.

Inaayos ko na ang gamit ko dito sa opisina ko nang biglang nag- mamadaling pumasok si Karen.

"bes si charles" sabi niya habang hinihingal at parang kinakabahan. Kinabahan din ako bigla.

"bakit? ano nangyari?" tanong ko.

Never Forgotten Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon