Part 1

7.8K 144 7
                                    


MARY ANGELU MILAN pulled the strap of her bag higher on her shoulder, breathing in the cold morning breeze. Kipkip ang ilang libro na pumasok na siya sa gate ng Guadalupe College kung saan siya nag-aaral ng kolehiyo. Bachelor of Science in Primary Education Major in Mathematics ang kinukuha niyang kurso. She's seventeen years old. Mas kilala siya sa nick name niya na Anj Next month, she would celebrate her eighteenth birthday.

Naglakad si Anj sa covered pathway. Katulad ng dati, maraming mga estudyante ang nakatingin sa kanya. Lalo na ang mga kalalakihan.

Because you're getting more beautiful each day, Anj, bulong ng isip niya. And getting sexier, too.

Gusto niyang iikot ang kanyang mga mata. Hindi iyon pagmamayabang. It was a matter-of-factly but she said it sarcastically.

Ah, beauty! They say that beauty is in the eye of the beholder. Hindi lamang daw panlabas na anyo ang basehan ng kagandahan kundi higit na mahalaga ang kagandahan ng loob— ang magandang pag-uugali at malinis na puso. Unfortunately, sa panahon ngayon, laging mas pinagtutuunan ang panlabas na kagandahan. It always comes first.

Anj's beautiful. She had good genes in her system. Other girls would surely take great pride on that kind of beauty. To bad, hindi ganoong babae si Anj. Sa totoo lang ay nahihiling pa nga niya na sana ay plane Jande e lang siya. Pangkaraniwalan. Walang appeal. Iyong tipong wall flower. Iyong hindi napapansin at hindi gustong pansinin ng mga kalalakihan. Iyong nasa sideline lang. Why, dahil sa ganda niya hindi lumilipas ang isang araw na hindi siya nababastos. Naroong tingnan siya ng may pambabastos, sitsitan siya, o kaya naman ay paringgan ng kung ano. All because she was beautiful and because she was the daughter of her mother. Ang nanay niya kasi dati ay isang sexy star. Nagbida sa isang adult film. Kahit nakaraan na iyon, para pa rin iyong multo na hinahabol siya. People say that she would end up like her mother, that she will be as promiscuous as her. Kahit na wala naman siyang masamang ginagawa.

"Hi, Anj," bati ni Arnold kay Angelu. Kaklase niya ito. Iisa sa mga lalaking hindi maitago ang interes sa kanya. Nilampasan lang ito ni Angelu. Katulad ng hindi niya pagpansin sa ibang lalaki. Ganito lagi ang ginagawa niya sa school.

Nakita niya si Wena. Papalapit ito sa kanya. Ito ang nag-iisa niyang kaibigan sa school. "Good morning, friend," anito, sabay ikinawit ang isang braso sa isa niyang braso. "Kaaga-aga mukha ka na namang suplada. Matalim na tingin, plus, tiim na labi... alam mo kung hindi ka lang talaga maganda para kang si Miss Teron."

Natawa siya. "Sshh. May makarinig sa 'yo, lagot ang grades mo kay Miss Teron." Isa sa mga professor nila si Miss Teron. Para itong galit sa mundo dahil laging masungit. Everybody is wondering kung paano ito ngumiti dahil sadyang hindi ito ngumingiti.

"Eh, bakit kasi ang suplada na naman ng aura mo?"

"Para namang hindi mo alam kung bakit," nakaingos na tugon niya.

"Sus. Ignore mo na lang. Kesa lagi kang magpapaapekto. Pareho naman nating alam kung ano ang totoo. Huwag mo na lang silang intindihin."

"Iyon na nga lang ang ginagawa ko, 'di ba? Ignore, ignore, ignore..."


MALAKAS ang tunog ng rock music na pumapailanlang sa car stereo na iminamaneho ni Nick. His head was lightly banging. Maging ang mga daliri niya ay patapik-tapik din sa manibela. Paminsan-minsan ay sumasabay din siya sa tugtog. Papunta siya sa kanyang school. New school.

Narating niya ang eskuwelahan. Ipinasok niya ang kanyang sasakyan. Aware siya na maraming mga mata ang nakasunod sa kanyang sasakyan. Siguro ay dahil hindi pa ganoon kaunlad ang probinsiya at iilan pa lamang ang mga estudyante na de kotse.

Suwabeng ipinarada ni Nick ang kanyang sasakyan sa parking area. Pinatay niya ang stereo, ang aircon ng sasakyan, at ang makina mismo. Kinuha ni Nick sa dashboard ang itim na sunglasses bago binuksan ang pinto at bumaba. Pantalong maong, puting v-neck t-shirt na pinatungan ng kulay itim na jacket ang kanyang suot. Sumandal siya sa kotse, isinuot ang shades bago ipinamulsa ang mga palad bago inilibot ang paningin sa paligid.

So this is my new school... School na hindi na niya alam kung pang-ilan na ba niya. He already lost the count. At lalong hindi siya sigurado kung doon na ba siya sa Guadalupe College magtatapos ng kolehiyo. "Nothing special," komento niya sa kapaligiran. School buildings na makaluma ang desinyo, pathways, open space, may mga puno na may benches sa bandang kanan. Sabi ng mommy niya ay nasa likod daw ang gym at iba pang amenities. Oh, well, siguradong hindi rin naman siya magtatagal rito.

Inilibot pa ni Nick ang paningin. Hindi na siya nagulat sa atensiyong kinuha niya. Bagong mukha siya roon. But boy, he knew better, the main reason they were looking at him was because of his good looks. Plus, para siyang modelo sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan.

"Oh, oh... There is something special here after all. Someone, rather," mahinang bulalas niya nang mapadako ang paningin sa isang partikular na tao. Babae. Nasa limang talampakan at pitong pulgada marahil ang taas nito. Naka-pony tail ang buhok pero may side bangs ito. Mula sa kinatatayuan niya, she looks beautiful. Nakasuot ito ng pantalong maong at dilaw na T-shirt. Naka-T-shirt ito pero hindi nito naitago ang magandang hubog ng katawan nito.

Oh, all right, she's beautiful and sexy at hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng kasingganda at kasing-sexy nito. Marami na siyang nakarelasyon. Most of his ex-girlfriends belonged to that kind of league. His type, exactly.

Napangisi siya. Okay, hindi naman pala magiging kainip-inip ang pananatili niya sa Guadalupe College. May pagkakaabalahan siya.

"Ikaw," sabi ng boses ng isang lalaki na nagpaalis sa paningin ni Nick sa babaeng iyon. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. It was coming from his left side. Apat na lalaki ang nakita ni Nick. "Bago ka dito?" Maangas ang mga ito. Mayabang. Hindi mahirap hulaan na ang mga ito ang naghahari-harian doon. A bunch of bullies.

Trouble. Iyon agad ang sasalubong sa kanya sa bago niyang school. Really? Inalis ni Nick ang kanyang shades at ipinatong iyon sa bubong ng sasakyan. "Oo. Transferee," kaswal niyang sagot. Nick held his head up. Ipinakitang hindi siya nasisindak sa mga ito. "May problema kayo sa akin?"

Nagtinginan ang apat. Halatang hindi nagustuhan ang naging sagot niya, lalo na ang tila pinakalider na siyang nagsalita kanina. Lumapit ito sa kanya at walang babalang dinaklot ang damit niya. "Kabago-bago mo akala mo kung sino ka na, ah."

Damn, sadya nga yatang lapitin siya ng gulo. Dahil sadyang marami na ang nakatingin sa kanya, agad dumami ang mga taong nakiusyuso. Iyong mga taong nakatingin sa kanya kanina ay agad ng nagsilapitan.

Nick scoffed. "I suggest you take that fucking hand of yours off my shirt now," mariin ngunit mahina niyang sabi. Walang takot sa kanyang mga mata, o maging sa kabuuan niya mismo. If they're looking for trouble, they come to the right person. Because his middle name is trouble.

Ngumisi ang lalaki. "Make me," hamon nito.

All right. Humakbang si Nick ng isa paatras. Kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao ay ang pag-igkas na rin niyon mula sa ilalim patungo sa baba ng lalaki. He just gave him an upper cut. Nabitiwan nito ang damit niya. Sasadsad sana ito kung hindi nasalo ng mga kasama. Sabay-sabay namang napa-ohh! ang mga nakapaligid sa kanila.



----------------------

Hello. Sana ay magustuhan ninyo ang kuwento nina Nick at Anj. :)

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon