Part 38

2.1K 102 1
                                    


"NARITO NA nga siya, Wena," ani Angelu sa kaibigan. Paglayo niya sa pinagkakaguluhang si Nick ay ang lighthouse ang tinumbok ng mga paa niya. Walang tao sa viewing deck kaya umakyat siya roon. It was actually her favorite spot on that place. Tumigil lamang siya sa pag-akyat akyat roon noong buntis siya. "Tulad ng kinatatakutan ko, narito na siya at gustong makilala si Paolo."

"What?!" bulalas nito. "I'm sorry. I'm really sorry, Anj. God! Ngayon ko napagtanto ang mga consequences ng ginawa ko." Puno ng pagsisisi ang boses ng kaibigan niya.

Humawak siya sa railing ng viewing deck. "It's okay. Nangyari na. Isa pa, hindi rin naman habang panahon na maitatago ko si Paolo."

"How was it?"

How was it? Damn! Hindi maganda ang mga nangyayari. Hindi maganda dahil... dahil ang Nick na iyon ay ginugulo ang mundo niya. Hindi lamang ang mundo niya, ginugulo din nito ang nanahimik niyang damdamin. Ang mas masama pa ay ginigising nito ang natutulog niyang sekswalidad. Sa ilang engkuwentro nila ay lagi siyang naaapektuhan ng charms nito.

Hindi na siya makasagot, paano ay nakita niyang nakaakyat na rin si Nick sa lighthouse. At ngayon ay nasa harapan na uli niya ito. Hayon na naman ang pagkataranta niya. Hayon na naman ang awareness para sa mga katangian ng lalaki. Oh, dear heavens, she was really in trouble.

"Hindi kita anino kaya huwag kang sumunod nang sumunod sa akin," asik niya. Nakalimutang hawak pa niya ang telepono.

Nick chuckled. Shit. Mahirap talagang hindi mapansin ang nag-uumapaw na kakisigan nito. If truth be told, mas mapanganib ang appeal nito ngayon kesa noon. Noon kasi ay tipikal na easy go lucky ito na may makalaglag panty na ngiti. Ngayon sa malas ay hindi na lamang basta guwapo at may pamatay na ngiti ang loko. May taglay na din itong kamisteryosohan at kaseryusohan. May panganib. May otoridad. He can be formidable and intimidating if he wants to. Ang pagtayo pa nga lang ay nagdidikta na ng katatagan at kapangyarihan.

"Ano?" tanong ni Wena.

"Ah, sorry." Binawi niya ang tingin mula sa binata. "Hindi ikaw ang sinasabihan ko. Ano kasi... ahm... Tatawag na lang uli ako—"

"Nandiyan si Nick, ano? Pakausap nga."

"At bakit mo siya kakausapin?" medyo natatarantang tanong niya.

Hindi niya naiwasang magbato uli ng sulyap sa binata. Si Nick na mukhang may ideya na ito ang pinag-uusapan nila ni Wena ay inilahad sa kanya ang palad at hinihingi ang telepono niya. His lopsided grin was so annoying. Annoying because it was charming.

"Sige na, Anj. Pakausap sa kanya."

Naiinis na ipinatong niya sa nakalahad na palad ng binata ang telepono.

Pero ang tusong si Nick, hinawakan din ang palad niya. Napaigtad siya. Bakit parang napakasinsitibo ng balat niya laban sa balat nito? Mayroong kakaibang init ang palad nito na nanulay sa bawat himaymay ng kalamnan niya na nagpasikdo sa kanyang puso. Parang maliit na boltahe ng kuryente na bumubuhay sa dugo niya.

"Do you feel that?" nakangising tugon nito.

Inis na binawi niya ang palad. Kung ganoon ay naramdaman din ng binata ang tila spark na iyon?

Dinala ni Nick ang telepono sa tainga nito. Nakatingin pa rin sa kanya. At hindi niya nagugustuhan ang mayabang na pagkakangiti nito.

"Yes, hello?" Bahagyang ngumiwi ito bago ibinalik sa kanya ang telepono.

Ingat na ingat si Angelu na huwag muling magdikit ang mga balat nila. Damn, bigla tuloy siyang na-concious. Ang masama ay tila may idea ang binata sa nangyayari sa kanya dahil hayon at kakaiba ang kislap ng mga mata nito. He was definitely teasing her! Alam nito kung ano ang epekto nito sa mga babae.

"Ano ang sabi ni Wena?" nakairap niyang tanong.

"Two words. Isang malutong na 'Fuck You!'" anito.

Natawa siya. Knowing Wena, siguradong sinigawan nito si Nick. Naiimagine niya ang isang malutong at nakabibinging 'Fuck you!' ang sinabi nito. Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin niya na nakatutok ang paningin nito sa kanya. He was staring at her.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon